Mabilis na pumasok sa kusina si Alex ng marinig ang kalampagan ng mga gamit sa kusina na para bang may nalaglag. Kinabahan sya ng bumungad sa kanya na mausok ang loob ng bahay
"Nickz?" Tawag nya sa asawa.
Dadali dali syang pumasok sa kusina kung saan nanggaling ang usok. Bumulaga sa kanya ang magulong kusina. Naghahalo halo ang gamit, gulay at kung ano ano pa sa mesa habang ang si Nickz ay nakatayo naman sa may lababo.
"What happen bakit parang binagyo yata tayo?" Tanong nya habang papalapit dito. Napatingil sya ng muntik nyang maapakan ang takip ng kaserola. Pinulot nya iyon.
"Anong- f**k! Anong nangyari dyan?" Mabilis nyang inahon ang kamay nitong nakababad sa palanggana dahil kitang kita ang pamumula nito doon. Napatingin ito sa kanya kaya kitang kita nya ang pangingilid ng luha nito.
"Ibabad mo muna sa tubig. Ang hapdi pag naalis dyan e." Naiiyak na sabi nito kaya napamura sya ulit.
"Wait me here. May kukunin lang ako." Sabi nya na mabilis na itong iniwan. Mabilis syang pumasok sa loob ng kwarto at hinagilap ang medicine kit nila at dalidali nya uling binalikan si Nickz sa kusina.
May naapakan pa syang basa sa sahig pero hindi nalang nya iyon pinansin.
"Come here." Maingat nyang inahon ang kamay nito nakababad sa tubig at dinampian iyon ng tuyong towel.
"Ouchhhh.... ang hapdi." Naiiyak nitong daing.
"Tsk! Ano ba kasi ang pinaggagagawa mo at napaso ka?" Sermon nya dito habang pinaghihila nya ito ng upuan he also pulled out a chair for himself and placed it in front of her.
"Ang hapdi." A tears rolled down to her face.
"Wag mong haplosin. Malalapnos ang balat mo nyan." Pigil nya sa kamay nitong mukhang hahaplos kung saan ito may paso. Mabilis nyang pinahid ang luha nito saka kinuha nya ang kamay nitong may paso. Inihipan nya iyon para mapawi kunti ang kirot at para matuyo din iyon ng maayos.
"Ano ba kasing ginagawa mo?" Tanong nya habang sinusuri ang kamay nito at manaka naka parin iyong hinihipan dahil nakikiihip din ito ng hangin pag nakakaramdam ito ng hapdi.
"I just wanted to try cooking spaghetti but I just mess everything in here." Sabi nito na napatingin pa sa mga kalat nito sa mesa.
"Tsk! Sana nag order ka nalang sa labas o kaya sinabi mo nalang sa akin na gusto mong kumain non para ako nalang ang nagluto. Napaso kapa tuloy." Sermon naman nya. Hinagilap nya ang oinment na pinaggagamot nya sa mga pasa nito at iyon din ang pinahid nya doon. "Hindi pa natatanggal ang mga pasa mo pero may panibago ka na namang sakit." Gusto nyang mainis dahil nadagdagan na naman ang iniinda nito.
"Sorry. Kasi kahit gusto kitang ipagluto hindi ko naman alam." She said sadly as her head bowed.
Parang may humaplos sa kanyang puso sa sinabi nito. Maingat nyang iningat ang mukha nito at gumuhit ang ngiti sa kanyang labi. Parang nakipag ayaw ito sa itsura. Ang buhok ay nangalaglag sa pagkakatali. May catshup sa pisngi, sa gilid ng labi. Wala sa loob na pinahid ng kanyang kadaliri ang gilid ng labi nito at saka iyon dinala sa kanya bibig.
"Hmmm. Sweet." Sabi nya na parang nalasahan ang niluto nito.
Their eyes met for a seconds and no one seems want to cut the gaze.
His eyes dropped to her red lips which were slightly parted.
He swallowed. There was a sudden desire on his heart to taste that lips again.
His head slowly move down to her face titig na titig sila sa isa't isa habang palalapit ng papalapit ang kanyang mukha. nakita nya ang pagpikit ng mga mata nito.
And he swear. Only the beating of their heart can be heard on the place.
He felt like he ride a roller coaster when their lips met it brings them a different emotion. It was so magical.
Dinama nya ang kalambutan ng bibig nito. Parang may sariling utak ang kanyang bibig na gusto pang mapalalim ang halik na iyon.
He want more.
Banayad muna nyang ginalaw iyon na para bang tinatantya ang magiging reaction nito. Ang kamay nya ay umakyat sa likod ng ulo nito at kinabing nya iyon para mas mailapat nya ang bibig sa napakalambot na bibig nito. His tongue was knocking at her lips wishing her to open and allow him to get inside. At hindi sya nabigo. Bumuka ang labi nito kaya walang sinayang na sandali. His tongue roamed inside her mouth and trying to went deeper as if he want to discover something. Gutcha! He said on his mind when his tongue met her. Parang napakamahiyain niyo kaya bawat pag iwas nito at hinahabol nya.
"Oohhh"
He heard her moaned and it made his feeling more intense as if he didn't want to stop kissing her.
Nanggigigil sya sa lambot ng labi nito. She's so sweet that he can't stop himself not to licked her. Inisipsip nya ang mahiyain nitong dila.
"Aaaaww." Natigilan sya ng dumaing ito. Hindi nya namalayang nakagat na pala nya ang labi nito sa gigil. Mabilis nya iyong hinaplos ng kanyang daliri.
"Im sorry." Bulong nya na hindi parin nilalayo ang mukha sa mukha nito. They are both panting.
"Sorry hindi ko mapigilan ang sarili ko. Masakit ba?" Nag aalala nyang tanong. Pinatakan nya uli ng halik ang namamaga nitong labi dahil sa halik nya.
Napaunggol sya ng nakatitig lang ito sa kanya. "Stop staring at me like that Baby."
"Huh?" Naguguluhang tanong naman nito.
"I said stop looking at me as if you want more. Baka makalimutan kung nasa kusina pa tayo." Sabi nya habang hinahaplos nya ang pisngi nito.
Napakaganda ng kanyang asawa. Ito iyong tipo na hindi nya pagsasawaan na titigan ang mukha. Oo at malayo ang personalidad nito sa mga babaeng pinapangarap nya. Pero dito lang nya nararamdaman ang ganitong klaseng pakiramdam. At first he restrained himself not to get close to her baka kasi hindi nya kayang pigilin ang sarili. Sa tuwing nakikita nyang nakatanaw lang ito sa kanya mula sa malayo parang gusto na nyang lapitan ito. Pero napakabata pa nito para sa kanya at ayaw nyang masira ang kinabukasan nito pero nangyari parin at kasal na nga sila. Kung noon nahihirapan syang magpigil. Ngayon pa kayang nasa sa kanya na lahat ng karapatan para angkinin ito.
"Kailangan ko ng kumilos." Bulong nya sa pagitan ng noo nito dahil nakalapat parin ang kanyang bibig doon. Parang natauhan naman ito at agad na lumayo sa kanya.
Nakita nyang namula ang mukha nito at hindi makatingin sa kanya ng deretso kaya hinuli nya ang baba nito at pinaharap sa kanya. Masuyo uli nyang pinatakan ng halik ang mga labi nito. "You're more beautiful when you get blush baby." Nakangiti nyang sabi saka na sya tumayo. Baka kasi hindi nya mapigil uli ang sarili para angkinin uli ang labi nito.
Napabuga sya ng hangin ng maliibot nya ang tingin sa loob ng kusina. Lumapit sya sa bintana at nilakihan nya ang bukas non at hinawa nya ang kurtina para makapasok ang hangin.
Napansin nya ang kaserolang nakasalang kaya sinilip nya iyon. At parang gusto nyang matawa sa itsura ng pastang parang minurder. Kinuha nya ang strainer para masala nya iyon. Pero duda syang may tubig pa iyon dahil tuyong tuyo ang itsura. Napailing sya ng umalingasaw ang sunog na amoy nito ng isinasalin nya iyon sa strainer. At tama nga ang hinala nya dahil parang kanin iyon na natutong ang ilalim. Iyong puti lang ang kinuha nya at iyong nasunog na ay nilagay nya sa plastic para itapon. Pinatuluan nya ng tubig ang medyo durog ng pasta pagkatapos ay pinagilid nya para matiktikan ng tubig.
Hinarap nya ang ginawa nitong sauce na nasa frying pan. Madami iyong sahog. Kumuha sya ng kutsara at tinikman iyon. Ninamnam nya ang lasa. Napangiti sya. Kaya pala ang tamis ng bibig nito dahil ang tamis pala ng ginawa nitong sauce pero okey na din. Pwede ng pagtiisan.
Binalingan nya ang lamesa.
Napatingin sya sa asawang mataman lang na nanonood sa kanya. Napakamot ito ng ulo ng makita ang mesa.
"Saan galin itong mga ito?" Tanong nya sa mga gulay na nandodoon.
Lumikot ang mata nito habang nakakagat sa labi. Iyon ang isang mannerism ng asawa na napapasin nya. Hindi ito makatingin ng deretso sa kanya. Nag aaway ang mga daliri habang nakakagat sa labi.
"P-pumunta ako sa palengke kanina. Iyan kasi ang mga gulay palaging binibili ni yaya e." Paliwanag nito na parang hindi mapakali.
Kumunot ang noo nya. "Sinong kasama mong pumunta ng market?"
"Ako lang." mahinang sagot nito.
Marahas sya napabuntong hininga at saka tinitigan ito. "Next time. Wag kang pupunta doon na hindi ako kasama ha. Pano kung may nangyaring masama sa iyo doon." Sermon nya dito. Tingin kasi nya dito ay hindi ito sanay sa ganoong lugar. Marami pa namang masasamang loob na nagkalat sa ganoong lugar. Alam nya dahil naranasan na nyang tumira doon at isa sya sa mga iyon noon. Ang mga tipo nito ang madalas na nadadali ng magnanakaw. Buti kung manakawan lang. may mga magnanakaw pa naman na gumagamit ng patalim.
"Answer me Nickz. Wag na wag kang pupunta doon na hindi ako kasama." Ulit nya sa asawang nakamata parin sa kanya.
"Pero marunong naman ako. Kasi isinasama ako noon ni yaya." Giit nito.
"Noon dahil kasama mo si yaya mo pero ngayon ayaw kong pumupunta ka doon na mag isa. Kung may gusto kang bilhin doon sabihin mo sa akin para ako na ang bibili o kaya sasamahan kita." Dagdag pa niya.
"Nagkakaintindihan ba tayo?" Tanong nya dahil hindi ito sumagot.
"Oo na po." Sagot naman nito ba parang sumimangot.
Lumapit sya dito at tumayo sa harapan nito. Tumingala naman ito sa kanya. Hinaplos nya ito sa buhok. "Ayaw ko lang na mapahamak ka kaya sana wag matigas ang ulo ha." Sabi nya habang hinahaplos nya ang mukha nito.
"Oo na. Sasabihin ko sayo pag gusto kung pumunta doon."
"Anyway. Ayusin ko lang ito para matikman na natin ang luto mo." Sabi nya saka na lumayo dito.
Hinubad nya ang damit at saka nya hinagilap ang apron. Nakaharap sya sa asawa habang tinatali ang apron sa likod.
At napangiti sya ng makita ang itsura nito na titig na titig sa katawan nya habang ang mga labi nito ay medyo nakaawang. Kitang kita ang paglunok nito.
Well. He will not be surprised to her reaction. Hindi naman sa pagmamayabang pero alam nya na nabiyayaan sya ng katangian na kinababaliwan ng mga babae at alam nyang normal na babae ang asawa lalo na at bata pa ito.
Pakiramdam nya ay isa syang sikat na tao na nagpapalabas sa harapan nito habang nagliligpit sya ng kalat nito sa kusina. Parang binubusog nito ang mga mata sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. The adoration on her eyes are visible and it's turned him on.
After the kiss they've shared. Parang mahihirapan na syang matulog sa gabi na katabi ito na hindi ito naangkin. Ang lakas makataas ng libido ang titig nito sa kanya.
He can't help not to swallowed. Easy buddy. This is not the right time. Pagpapaalala nya sa sarili