A soft pat on the shoulder woke Nickz up the next morning. "Hey baby wife. You need to get up. Diba may pasok ka ngayon sa school mo?" She heard Alex's voice but she thought she was still dreaming
"Emm." She groaned and pulled the blanket and covered it up to her head. Pero hinila nito iyon kaya naalis din sa pagkakatalukbong sa kanya.
"Inaantok pa ako e." Maktol nya na tinakpan ng unan ang mukha.
"Hindi kapa ba papasok?" Tanong naman ng tinig uli kaya parang prenoproseso iyon ng natutulog pa nyang diwa. She opened her eyes and was greeted by her husband handsome face. Naipikit pikit pa nya ang mata habang nakatingin dito.
Umupo ito sa gilid ng kama sa tabi nya at hindi nya maiwasang makaramdam ng pagkailang ng titigan sya nito sa mukha. "Kaya mo na bang pumasok?" Masuyong tanong nito.
Parang doon na tuluyang nagising ang kanyang diwa.
Napainat sya sa tanong nito para mapakiramdaman ang sarili. "I feel better now." Sagot naman nya na nakatakip sa kanyang bunganga.
He frowned. "Why you covering your mouth?" He asked.
She pouted Parang hindi naman nito alam na panis ang laway pag bagong gising.
"Hindi pa kaya ako nakapagtoothbrush." Sabi naman nya na dinalawang palad ang takip ng kanyang bunganga.
Tumawa naman ito. "I've already smelled that when I woke up Nickz." Sabi nito na ikinapula ng mukha nya.
Dito din ba sya natulog? Gulat na tanong nya sa isip.
"Come on. Get up. Malamig na iyong pagkain natin." Hinawakan nito ang dalawa nyang braso para makabangon na sya.
"Dito ka natulog?" Tanong nya na nakakunot ang noo. "Oy saglit lang. kaya ko na." Tanggi pa nya pero naibangon na sya nito.
"Where should I sleep? E dito ang kwarto ko." Salubong ang kilay nitong tanong sa kanya. "Mamaya kana maligo pagkatapos nating kumain." Hinila nito ang kumot na nakabalot sa kanya. Alam nyang pinasadahan sya ng tingin nito kaya nahihiya naman syang tumingin dito dahil damit nito ang kanyang suot.
"P-pasinsya na. Tinatamad na kasi akong mangalkal kagabi sa maleta ko kaya sa damitan mo muna ako kumuha." Paliwanag nya.
Hindi ito nagsalita but He went behind her and gently pushed her so they could get out of the room. "Saglit. Hindi pa ako nagtoothbrush." Pigil nya dito.
"Magmumog ka nalang sa kusina mamaya." He said while still pushing her.
Napasimangot sya pero may naramdaman syang kilig it was as if he was caressing her heart for what he was doing.
Parang ang sweet lang kasi. He act as if there was nothing happened this past few day's. Which is good. They can't really move on if they always dwell on that.
"Are you feeling better now?" Tanong nito na nasa likod parin nya
Pinaghila sya nito ng upuan. "Malamig na yata ang gatas mo." Sabi nito na dinama pa ang basong may nakatimplang gatas.
"Salamat. Pero hindi naman ako umiinom ng gatas e. Sana kape nalang." Sabi nya habang pinapanood ang ginagawa nito. Kinuha nito ang lalagyan ng sinangag na kanin at nilagyan nito ang kanyang plato. Naglagay pa ito ng sunny-side-up egg at ham.
"Alex. Tama na. Ang dami na nyan." Hinawakan niya ang braso nito para pigilin ito.
"Kakunti pa nyan a. Wala pa yan sa one fourth ng kinakain ko." Nagdagdag pa uli ito ng isang slice ng ham.
Hindi naman na iyon nakapagtataka. Sa laki ba naman kasi nitong tao. Ang ganda pa ng katawan.
"Kukuha nalang ako mamaya pag naubos ko na." Pigil nya uli ng akmang may ilalagay na naman ito sa kanyang plato.
"Mula ngayon. Damihan mong kumain at saka agahan mong gumising at magbilad ka kahit kunti lang sa araw. Namumutla ang balat mo o. parang mas maputi ka pa sa gatas e." Sermon nito sa kanya na napatingin pa sa kanyang braso. "At saka samahan mo na din ng exercise para naman tumigas ng kaunti katawan mo dahil parang bulak." Mahinang sabi nito kaya napahaplos sya sa braso at sinuri iyon.
Napaingos naman sya. "Ito kaya ang hinahangaan ng mga kaklase ko." Sabi naman nya.
Pailalim syang tinignan nito. "Sinong mga kaklase yan?" Seryoso nitong tanong.
"Yong mga kaklase ko." Sabi nya at sinimulan ng sumubo sa pagkain inilagay nito sa plato nya.
"Lalaki o babae." Tanong uli nito.
"Ang sarap naman nitong fride rice." Napapikit pa sya habang ninanamnam ang kanin.
"Im asking you Nickz. Mga lalaki o babae?" Rinig nyang tanong uli nito pero busy ang kanyang utak.
"Most of them are boys." Baliwala nyang sagot saka sumubo uli. "Ang sara--" napatigil sya sa pagnguya ng marinig ang nahina nitong pag mumura.
"From now on, change your last name so they know that you are already married." Napatingin sya dito dahil sa sinabi nito.
"Kailangan ko na bang gawin iyon?" Nagtataka nyang tanong. Nagtaka sya dahil seryoso na naman ang mukha nito.
"You should. Kasal na tayo diba dapat lang na palitan mo na." Madilim parin ang mukhang nito.
Napakamot naman sya sa kanyang kilay. "Malapit na ang end of school year. Pwedeng next year ko na palitan. Baka madami pang kailangang ayosin e." Sabi naman nya.
Bumaba ang tingin nito sa kamay nyang may singsing kaya napatingin sya doon. "But I will not take this off." Sabi nya na tinaas pa iyon at pinasigla pa ang boses.
He just sigh and stared
Their eyes met and she tried to read what was on his mind but she could not figure out what was inside it.
"I don't want to see any monkey hitting you around." Seryosong sabi nito.
Her lips parted but her heart beats like a drum. He sounds like a jealous husband.
"Tsk! Don't look at me like that Nickz. Hindi kita pagbabawalan sa mga bagay na gusto mo. Hindi porke kasal ka sa akin ay itatali na kita dito. Susuportahan kita sa abot ng aking makakaya. Pero hindi sa mga bagay na may kinalaman sa ibang lalaki." Seryosong ang mukha nito habang sinasabi ang mga iyon.
Para syang namamalikmatang nakatitig lang sa mukha nito.
"Im serious Nickz." The c***k on his forehead deepened.
Hindi nya alam kung papaano ba sya magrereact sa mga sinasabi nito ng hindi sya nagmumukhang kinikilig.
"Ehem." Tikhim nya na pinipigil ang ngiti. "Hindi naman ako malapit sa kanila. Dati nga binubully bully lang ako ng mga iyon." Sabi nya saka sumubo uli. "Hehe ang sarap nitong kanin." Pambabalewala nya sa nararamdamang pagkailang.
"May boyfriend kaba?" Deretsong tanong nito kaya nagkanda samid samid sya. Mabilis syang tumayo para magtungo sa lababo dahil naibuga nya ang kanin na kanyang isinubo. Buti nalang at natakpan pa nya agad ang bunganga bago nya ito naibuga.
Mabilis nyang binuksan ang gripo
"Ayos ka lang?" Tanong nito na tinatapik tapik ang kanyang likod. Suminga singa sya dahil pakiramdam nya ay may pumasok na kanin sa kanyang ilong.
"Ayos na ako." Sabi nya na hinaplos pa ang mukha para kahit papaano ay matuyo iyon. Napahilamos na kasi sya ng tubig dahil kumalat sa bibig nya ang kanin na galing sa bunganga nya dahil sa pagkakatakip nya doon.
Pinihit sya nito paharap at mismong ang laylayan ng damit nito ang pinampunas nito sa kanyang mukha.
"Saglit. Mababasa ang damit mo." Pigil nya pero patuloy na ito sa paghila sa kanya kaya Hindi sinasadyang napahawak sya banda sa tyan nito para hindi sana sya tuluyang masubsob sa dibdib nito.
Nag-init ang kanyang pisngi. Damang dama nya ang mga bukol nito doon lalo na at walang telang nakapagitan sa mga palad nya dahil nakataas ang laylayan ng damit nito.
Natigilan din ito at napatitig sa kanyang mukha. Ang lapit lapit na pala nila.
Natahimik silang pareho habang magkaugnay ang kanilang mga mata. Ang ingay ng t***k ng kanyang puso.
Ito ang unang nakabawi"I think you need to finish your food and take a shower." He said. He even wrinkled his nose
Nanliit ang kanyang mata and she sniff herself. "Do I smell?" Ilang nyang tanong dito.
Tumawa ito na para bang natutuwa na makita syang nailang bigla. Kaya mas lalo syang nailang at lumayo dito.
"Hindi na kasi ako nakaligo kagabi dahil nakapaglagay ka na ng ointment." Napayuko sya ng ulo dahil sa hiya.
Narinig nya uli na nagpipigil itong matawa kaya napatingin uli sya sa mukha nito.
Napasimangot sya ng makitang ang mukha nitong pilit na pinapaseryoso pero kumikislap naman ang mata sa kalokohan.
Inirapan nya ito at saka tinalikuran.
"Oy san ka pupunta?" Rinig nyang tawag nito sa kanya.
"Maliligo na po. Kakahiya naman kasi sa inyo." Sabi nya na hindi na nilingon ito.
Deretso syang pumasok sa kwarto. Pagkasara nya ang pinto ay inamoy nya uli ang sarili. Hindi naman ako mabaho a sabi nya na panay parin ang amoy sa sarili.
Napakislot sya ng marinig ang katok nito. "Baby wife. Taposin mo muna ang kinakain mo." Tawag nito na nasa labas ng pintuan.
Hmp iwan ko sayo bulong nya.
"Baby wife. Hindi ka mabaho. Binibiro lang kita."
*. *. *
Laline
"Pano yan. Nagpapaimbestiga pala si Alvarez sa nangyari noong birthday party mo?" Tanong ni Carlo habang humihithit ng sigarelyo.
Nakasandal ito sa headboard ng kama at sya naman ay nakahiga habang nakayakap sa baywang nito. Kapwa parin silang hubad dahil katatapos lang ng mainit nilang p********k.
"Gawan mo ng paraan para mailigaw sila." Sabi naman nya habang dinadama ang matigas nitong kalamnan.
"Tsk! Ang problema nyan, baka mas lumalim pa ang pag iimbestiga nila at may makalkal sila sa mga transaction natin. Malalagay sa alanganin ang grupo at malaki ang perang mawawala sa atin. Kaya dapat ng matigil na sila." Frustrated na sabi ni Carlo.
Bumangon naman sya at sumandal din sa headboard. Hindi na sya nag abalang takpan ang kanyang dibdib. Inagaw nya ang hinihithit nitong sigarelyo.
Hinithit nya iyon at saka nagbuga ng usok. Parang nakita nya ang itsura ng kapatid sa usok na kanyang binuga. May gumuhit na ngiting sa kanyang mapupulang mga labi.
"Ilantad mo ang mga nagpainom sa kanya ng drugs ng gabing iyon at palabasin mo na ang kapatid ko ang may pakana ng lahat para matigil na sila."