Nakita nya ang paglambot ng itsura nito habang lukot ang mukha nyang dinadama ang pisnging dinampian nito ng ice pack kasabay ng pagbaba ng tingin nito sa kanyang braso. Kaya nasundan nya ng tingin kung saan ito nakatingin.
Nakita nyang lalong umigting ang panga ng lalaki. "Come on. Gamotin na natin ang mga iyan. Kasya pa siguro itong ointment para sa mga iyan." Inginuso nito ang panibagong pasa nya sa braso. Naalala nyang bumili pala ito kahapon ng mga gamot na pinanggamot din nya sa mga pasa at galos nya sa katawan na gawa din nito. Hindi naman iyon madami pero ginamot parin nito iyon kahapon.
Tumango nalang sya saka umisod papalapit dito.
Panay ang ihip nya ng hangin pag nakakaramdam sya ng hapdi sa ginagawa nito pero tinitiis nya. Nakita nya ang seryoso nitong mukha habang ginagamot sya pero sa tuwing napapangiwi sya ay umiigting ang panga nito na para bang galit.
Pati ang braso nyang may pasa ay nilapatan din nito ng yelo saka sya pinahiran ng ointment pagkatapos.
"Dumapa ka." Seryoso nitong utos sa kanya.
"Ha?" Naguguluhan naiangat nya ang mukha dito.
"Dapa." Taas ang kilay na ulit nito.
"Bakit?" Nagtataka uli nyang tanong.
"Tsk. Gamotin natin iyong galos mo sa likod mo." Sabi nito.
Napaawang ang kanyang labi na para bang may gusto syang sabihin pero para bang nakalimutan nya kaya napatitig nalang sya sa mukha nito.
"Tsk! don't stare at me like that Nickz. Come on. Para matapos na tayo." He said as if he was getting bored.
Mabilis naman nyang naipilig ang ulo. "Hindi na. Okey na iyon." Tanggi naman nalang. E kasi sa may ibabang baywang nya iyon e. Nasugat siguro noong hinila nito ang panjama at panloob nya.
"Just do what I've said Nickz." Parang pagod na sabi nito sa kanya.
Napatingin sya sa sofa. "D-dito na ba?" Naiilang nyang tanong dito.
Kumunot ang noo nito. "Bakit. Hindi ka ba kumportable dito? Tara sa kwarto nalang." Sabi nito at saka parang tatayo na.
"Saglit." Mabilis naman nyang pinigilan ito sa kamay pero parang napapasong agad na binitawan nya uli ang mga iyon.
"Ehm. Dito nalang." Sabi nya at saka na umayos. Tinipon nya ang dalawang pillow para may sandalan ang kanyang mukha at saka na nya inayos ang sarili para dumapa.
Tahimik namang naglakad ito papunta sa bandang baywang nya. Naramdaman nya ang malamig na hangin na dumampi sa balat nya ng itinaas nito ang laylayan ng kanyang suot na T-shirt
"Ibaba ko ng kunti itong garter ng suot mo ha." Paalam nito kaya tumango lang sya.
Pero pakiramdam nya ay parang may naghahabulang kabayo sa kanyang dibdib at nagliliparang paruparo sa kanyang tyan.
Napapikit sya ng dumapo ang daliri nito kung saan mayroon syang galos.
"Masakit pa ba ang mga ito." Mahina nitong tanong sa kanya. There was something on his voice that she couldn't name it."
She sigh "hindi naman na" she murmured.
"How about--- I mean--- ah..are you still uncomfortable until now. I mean are you still--you know..." halatang nahihirapan itong bigkasin kung ano talaga ang gusto nitong itanong sa kanya.
Namula naman ang kanyang mukha dahil alam nya ang tinutukoy nito. "you mean sore?" Mahina nyang tanong dito. Hindi ito sumagot kaya inakala nalang nya na iyon nga ang gusto nitong malaman. "A little bit." Pero ang totoo nyan pinipilit nya lang gumalaw ng maayos. Pangit naman kung para syang pato kung maglakad.
Masakit parin ang buo nyang katawan. Halos nga ayaw nyang bumangon kaninang umaga pero gutom na gutom lang kasi sya.
Ang mga bakas nito sa katawan nya ay hindi parin nawawala. Ang dami nyang hickey sa bandang dibdib nya at pakiramdam nya ay nilamog nito iyon ng husto.
Alam nyang nakita iyong ng lalaki noong pinaliguan sya nito. Sobrang pula ng kanyang mukha noong makita nya ang mga iyon.
Inalalayan sya nitong makaupo ng matapos sya nitong pahiram ng ointment sa likod. Napahingin sya dito ng ginagap nito ang kanyang mga palad. "Promise. Ito na ang huling beses na may mananakit sayo at gagawin ko ang lahat para maprotektahan ka." Sabi nito na titig na titig sa kanyang mga mata.
Pilit nyang ngumiti dito. "Ano yan awa?" Biro nyang tanong dito. Iyon kasi ang nakikita nya sa mga mata nito.
Napatingin ito sa kanyang kamay na hawak hawak nito. Saka ito huminga ng malalim. "Hindi ko alam. Siguro. Nagagalit ako dahil ako ang isa sa mga naglagay ng mga iyan sayo. Tapos dinagdagan pa ng ama mo. Iniimagine ko palang ang malambot na balat na ito na madapuan ng mararahas na kamay para gusto ng sumabog ng dibdib ko. Ano nalang ang laban ng napakalambot na babae sa lakas naming mga lalaki. Kung tutuosin nga kaya kong baliin ang mga buto mo gamit lang ang daliri ko. Kaya sobrang galit ang naramdaman ko sa sarili ko." Sabi nito habang nakatingin parin sa mga daliri nyang nilalarolaro nito.
Kinuha din niya ang kamay nito at pinagparehas ang kanilang mga daliri. Halos kalahati lang ang haba ng sa kanya sa mga daliri nito pero napansin nya na medyo magaspang iyon kaya napahaplos sya doon.
"Pwedeng pangkamot ha." Biro nya para matanggal ang kaseryosohan sa pagitan nila.
"Magaspang ba?" Gumuhit ang ngiti sa labi nito habang nakatingin sa palad nitong kinakapa kapa pa nya ang kalyo nito doon.
Hindi nya mapigilang mapahagikhik"Nag oopisina ka pero ang gaspang ng kamay mo."Tukso nya.
"Ang luwang kasi ng bakuran nitong bahay e syempre sa kawawalis ko tuwing umaga kaya iyan." Paliwanag naman nito.
"Buti hindi ka kumukuha ng katulong mo." Tanong naman nya.
"Bat pa ako kukuha e sanay naman ako sa mga ganyang gawin." Sabi nito at saka ang palad naman nya ang pinalahad nito. "E ito. Anong alam gawin nito?" Tuksong tanong naman nito sa kanya.
Napangiwi sya sa tanong nito. "Nandyan naman kasi si yaya na gagawa para sa akin." Pagdadahilan nya agad.
Tumawa ito ng mahina. "Pano yan. Wala na si yaya mo." Tanong nito na para bang tinatantya nito ang magiging sagot nya.
"Ee.. tuturuan mo naman ako diba?" Parang nagmamakaawa syang tumingin aa mukha nito.
"Ang tanong. Willing kaba?" Tanong naman nito uli na para bang pinipigil nitong mapangiti.
Napakamot sya sa kanyang ulo. "Okey lang ba sayo na tutuan ako?"
Tumawa naman ito. "May magagawa pa ba ako." Biro naman nito.
Napabuntong hininga sya. "Gagawin ko ang lahat para matuto. At saka no choice naman ako dahil pinalayas na ako ni Daddy." Nakayuko nyang sabi.
Narinig nya ang pagbuntong hininga nito. "Sorry. Dahil sa nangyari nagkagulo pa kayong mag ama. Don't worry. Gagawin ko ang lahat para matanggap tayo ng daddy mo." Pangako naman nito sa kanya.
"Salamat Alex."
Ginagap nito ang kanyang palad. "Ako dapat ang humihingi ng pasalamat sayo dahil sa pag intindi mo sa nagawa ko. Dapat nga inaani ko pa ang galit mo ngayon. Pero mas pinili mong intindihin ang nangyari." Nakita nya ang lungkot sa mga mata nito. "Mas lalo akong nagagalit sa sarili ko, sa nangyari, sa mga nadrugs sa akin because no one should experience such a mess."
Hinawakan nya ang kamay nito. "Kalimutan na natin ang nangyari. Let's move on. Dahil kahit na anong gawin natin. Hindi na natin maibabalik ang lahat. Ang gawin natin ngayon ay kung pano gawing tama ang lahat." Sabi nya dito. "Basta wag mo lang akong palayasin ha. Wala akong pupuntahan. Alam mo namang itinakwil na ako" Pilit nyang pinapasigla ang boses.
"Kahit naman hindi ka nya palayasin e talagang aalis ka naman na doon dahil nga asawa na kita diba." Sabi naman nito.
Parang kinilig sya sa sinabi nito pero pinigil nya ang sarili. Asawa hehehe hagikhik nya sa loob loob ng kanyang isip.
"Ayos lang ba sayo na dito tayo tumira? Maliit lang ang bahay ko. Walang katulong."
"Pero kung gusto mo ng mas malaking bahay. Hahanap ako." Sabi nito
Napangiti naman sya. "Gusto ko na dito. Atlest. Makikita mo agad kung may tao o wala. Pag malaki kasi para kang nilalamon ng katahimikan pag wala kang kasama." Sabi naman nya.
Napangiti naman ito sa sinabi nya."Pero sabihin mo lang kung gusto mo ng lumipat tayo sa mas malaking bahay. Dito naman. Pwede mong gawin lahat ng gusto mo. Magdagdag ka ng gamit kahit na hindi mo na ipaalam sa akin. Ayos lang. bahay mo na ito."
Parang may humaplos sa kanyang puso sa sinabi nito.
"Salamat Alex."
"Tara na medyo malalim na ang gabi. Ipasok na natin sa kwarto ang mga gamit mo." Sabi nito at saka na tumayo.
Bigla syang kinabahan sa sinabi nito. Kwarto. Sa kwarto ba nito? Pipi nyang tanong pero sumunod parin sya dito.
Lalong kumakabog ang kanyang dibdib ng pihitin nito ang doorknob ng kwarto nito.
Nag- init ang kanyang pisngi pero sumunod parin syang pumasok.
Lumingon ito sa kanya. "Bukas na natin ayosin ang mga ito. Mauna ka ng gumamit ng banyo. May tatawagan lang ako." Sabi nito at saka sya iniwan uli.
Nailibot nya uli ang tingin sa loob non. Mas malaki ang kama nito kumapara sa kabilang kwarto at halatang kwarto ng lalaki dahil gray, white and black lang ang makikita mong kulay sa loob.
Bantulot syang lumapit sya sa cabinet nito at tumingin sya ng tshirt at boxer short nito. Hindi naman siguro sya magagalit sabi nya sa isip. Tinatamad na kasi syang mangalkal sa maleta nya kaya okey lang naman siguro na damit muna nito ang isuot nya. Nasasanay kana sa damit nya ha. Tukso nya sa sarili.
Mabilis syang pumasok sa banyo. Hinugasan lang nya ang chipepay nyang namamaga parin dahil nakapag lagay na sila ng ointmet sa kanyang katawan kaya hindi na sya naligo.
*. *. *
Alex
"Tang*na bro. Kahapon mo lang ibinigay sa amin ang kasong ito tapos gusto mo agad ng result." Reklamo ni Marco ng tawagan nya ito at tinatanong kung ano na ang resulta ng pinaiimbistigahan nya.
"Wag mong sabihin sa akin na wala kang nakuhang kahit na ano mang impormasyon sa kanila" Inis nyang tanong.
"Tsk! Kayong magkakaibigan parang gusto ko ng masisi kung bakit ko kayo nakilala e." Reklamo nito. "Well I just got the basic information about them. Pero hindi ko muna ibibigay sayo ang mga details na nakalap namin dahil parang may nahuhukay kami na iba sa imbistigasyon namin." Sabi ni Marco.
"Then kailan mo ako bibigyan ng matinong sagot." Naiinip nyang tanong dito.
"As soon as possible Alex. You know me pare." Sagot naman ng nasa kabilang linya.
Napabuntong hininga sya.
Kailangang magbayad ng kung sino man ang nagdrugs sa kanya ng gabing iyon.
Galit sya. Galit na galit. And He'd never felt this anger in his whole life. Ngayon lang.
He couldn't accept the truth that he was like his father na ginahasa nito ang kanyang ina kaya sya nabuhay sa mundo.
Galit sya sa mga katulad nito.
Kaya galit na galit sya sa mga nagdrugs sa kanya ng gabing iyon.
Naalala palang nya ang itsura ni Nickoline ng umagang nagising sila ay parang gusto na nyang pumatay ng tao.
Ang pag agos ng mga luha nito. s**t! Parang pinipiga ang kanyang puso.
Ang mga pasa nito sa braso, hita nito na halatang nanlaban ito sa kanya. Ang mga galos nito sa katawan na ang hula nya ay dahil sa mga pinagpupunit nyang suot nito ng gabing iyon dahil nagkalat iyon sa loob ng kanyang sasakyan.
Ang mga bakas nya sa balat nito.
Naipikit nya ang mga mata. Hindi ako kagaya ng ama ko. Tumaas baba ang kanyang dibdib dahil sa emosyon. Hindi mo ako kagaya. Bulong nya