"What do you mean' kasal na kayo?" Tanong ng kanyang ama na hindi maitago ang galit sa boses.
Ginagap ni Alex ang kanyang kamay. "Sorry Sir for our sudden decision to get married immediately. I know it--"
"I want to talk to my daughter alone Mr Alvarez." Seryosong sabi ng kanyang ama kay Alex na hindi man lang ito tinatapunan ng tingin. Matalim ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.
Alex grip tightened on her hand even more and he was even slightly pulled her as if he wanted to hide her behind his back.
"Sir. Desis---"
"I said I want to talk to her alone."Halatang pinipigilang tumaas ang boses ng ama dahil sa galit pero sobrang namumula na ang mukha nito.
Natatakot man sa nakikitang galit na ipinapakita ng ama ay binalingan parin nya si Alex ng tingin. "Okey lang ko." Mahina nyang sabi dito at pilit na umaaktong ayos lang sya.
Pero parang hindi naman ito naniniwala. "No. Magkasama nating haharapin ito." Mahinang sabi naman nito na halata ang pag aalala sa boses.
Pilit syang ngumiti. "Okey lang Alex. Labas ka muna." Taboy nya kasabay ng pagbawi nya sa kamay na parang ayaw pa syang nitong bitawan.
Agad na dumapo ang isang malakas na sampal sa mukha ni Nickoline mula sa kanyang ama ng makalabas si Alex na halos ikinasubsob nya sa desk ng opisina nito.
"What do you think you are doing huh?" Gigil na tanong nito na mahigpit syang hinawakan sa magkabilang brason. Pilit sya nitong pinapaharap.
Kita nya ang nag iigtingan ang panga nito at labas ang mga ugat sa leeg.
She felt her unwanted tears dripping dahil sa lakas ng pagkakasampal nito but she didn't want to cry in front of him.
A bitter laugh slipped into her mouth. "Did I ruin your plan?" She asked sarcastically.
Mas lalong hinigpitan nito ang kamay sa kanyang braso kaya napangiwi sya ng maramdaman ang kuko ditong bumabaon sa kanyang balat. "Puny*ta ka. Wala ka talagang kwenta." Madiing sabi nito sa kanya na halos hindi naghihiwalay ang ngipin sa sobrang galit.
Pilit nyang pinapatapang ang loob. For the first time na sasagot sya sa ama. Nasanay kasi sya na tinatanggap nalang nya ang lahat ng masasakit na binabato nito sa kanya. Gumuhit ang mapait na ngiti sa kanyang labi. "Iyan naman talaga ang tingin mo sa akin mula noon pa diba."
Nanlilisik na tinitigan sya nito sa mata. "Annul your marriage as soon as possible." Utos nito sa kanya.
Pagak syang napatawa sa sinabi ng ama. "I can't believe this. Samantalang si Ate inuutusan mong bingwitin si Aex." Sarkastiko nyang sumbat sa ama.
"Because she is not a stupid like you. Annul you marriage at kunin mo ang kalahati ng kanyang yaman dahil bilang asawa nya ay may karapatan kana doon." Utos na sabi nito.
Isang malutong na tawa ang pinakawalan nya habang umiiling iling ang ulo na para bang hindi makapaniwala sa narinig. "Hindi mangyayaring hihiwalayan ko sya dad. Humanap kayo ng ibang pwede nyong maloko. Basta tigilan nyo ang asawa ko." Buong tapang nyang tinitigan ang ama.
"Well then. Ako ang gagawa ng paraan para sya ang humiwalay sayo." Banta ng ama at pasalya syang binitawan.
Napahaplos sya sa brasong hinawakan nito. May kaba man syang naramdaman ay hindi nya pinahalata.
Tumayo sya ng maayos at hinarap uli ang ama. "Do what you want dad."
Nakipaglaban sya ng titig dito.
Nakita nya ang pagtaas baba ng dibdib ng ama. "Umalis ka sa pamamahay ko at huwag ka ng babalik pa. Mula ngayon ay ituturing na kitang patay." Masakit ang salitang binitawan nito sa kanya kahit na anong pilit nyang tinatatagan ang loob ay hindi parin nya naiwasang nanginig ang kanyang labi dahil sa pinipigil na iyak at galit.
Para syang sinasakal, her chest tightened that she couldn't breath properly.
"Matagal mo na akong itinuring na patay dad. Mula ng ipinanganak ako, wala ka ng pakialam sa akin. Kahit mamatay matay na ako sa sakit. Kahit na nakikita mong nahihirapan ako. Ni hindi mo man lang ako kayang damayan. Hindi ko alam kung anong kasalan ko sayo kung bakit ganon nalang ang galit mo sa akin.
Noon, ginagawa ko lahat para mapansin mo lang ako. Nagbabakasalin na baka lang balang araw ay makuha ko din ang pagmamahal mo. Pero palagi nalang galit ang binibigay at pinapakita mo sa akin." Sumbat nya sa ama. "Sa twena. Naiinggit ako kay ate dahil sya palagi ang napapansin at nakikita mo. Samantalang ako 'ni sulyap ay hindi nyo maibigay sa akin." Pinahid nya ang kanyang luha.
"Pero nagpapasalamat parin po ako dahil kinupkop nyo po ako at pinatira nyo ako sa bahay nyo. Maniwala po kayo o hindi. Mahal na mahal ko po kayo dahil kayo lang ang mayroon ako. Na kahit papaano ay may nasasabi akong pamilya ko. Na may naipagmamalaki ako sa school namin na ama ko kahit na minsan ay hindi ko naramdaman na mayroon akong ama." Pinigil nya ang mapahikbi.
"Sorry po kung nakialam po ako sa plano nyo. Wala po akong balak na makialam pero nagkataon lang na ang mahal ko ang pinagplanohan nyo ng masama." Sabi nya sa ama.
Hindi na nya binigyan ng pagkakataon na makapagsalita pa uli ang ama dahil tinalikuran na nya ito. Alam nya na walang magandang patutunguhan ang kanilang pag uusap. Masasaktan at masasaktan lang sya sa huli.
Mabilis syang sinalubong ng asawa ng makita syang lumabas sa opisina ng kanyang ama. Napaigting ang panga nito habang nakatingin sa kanyang pisngi. Tinaas nito ang kamay at hinaplos sya doon. Napakislot sya ng lumapat ang kamay nito kung saan sya simpal ng ama.
Mabilis nyang inilayo ang mukha dito. "L-let's go." Yaya nya sa asawa.
Nakita nya ang kanyang yaya hawak hawak ang kanyang dalawang maleta na nasa gilid.
Tumulo ang kanyang luha na lumapit doon. "Yaya." Basag ang boses nyang sambit at saka agad na yumakap dito.
Niyakap sya ng mahigpit nito. "Ssshhh.. Magiging maayos din ang lahat. Basta tatagan mo lang ang loob mo." Pang aalo nito sa kanya.
Bumitaw sya dito ay hinawakan nya ito sa kamay. "Sumama ka sa akin yaya." Hiniling nya dito.
Napapikit sya ng haplosin nito ang kanyang mukha. "Gustohin ko man pero kailangan ko din na umuwi muna sa amin. Kailangan din ako ng pamilya ko anak." Malungkot na sabi nito sa kanya.
Napaawang ang kanyang mga labi. "Iiwan mo na ba ako?" Tumulo uli ang luha sa kanyang mga mata.
"Ano ka bang bata ka. Bat ba iyak ka ng iyak ha." Sermon nito na napapaluha na din. "Magkikita pa naman tayo. Dadalawin kita promise." Pinunas uli nito ang kanyang mga luha pero yumakap sya uli dito.
"No. Yaya. Sabihin mo. Hindi mo ako iiwan diba. Sasama ka sa akin." Parang bata syang ayaw pakawalan ang ina.
Hinaplos nito ang likod nya. "Matanda kana anak at alam kong kaya mo ng wala ako. Ayan na nga at may asawa kana diba. May iba ng mag aalaga sayo at alam kung ganon ka din sa kanya. At saka nagpaalam na ako sa asawa mo kanina na kung may oras ako ay dadalaw ako sa bahay nyo." Pang aalo nito sa kanya pero patuloy parin sya sa pag iyak.
"Tsk! Napakaiyakin talaga e. Naku. Habaan mo ang pasinsya mo dito sa asawa iho at talagang ganito 'to pag sinumpong." Rinig nyang sabi ng kanyang yaya. May naramdaman syang humaplos sa kanyang likod.
"It's okey Nickz. Tayo ang dadalaw sa yaya mo pag nagkaroon tayo ng mahaba habang bakasyon." Sabi ni Alex na sya pala ang humahaplos sa kanyang likod.Bumitaw sya sa kanyang yaya at saka bumaling dito.
"Talaga?" Paninigurado nyang tanong dito na patuloy parin ang pagdaloy ng luha.
"Promise." Nginitian sya.
Niyakap nya uli ang kanyang yaya. "Mag iingat ka doon ha. Dalhin mo parin iyong card na binigay ko sayo. Pag may kailangan ka tumawang ka lang kahit financial pa iyan. I love you yaya." Bilin nya sa kanyang yaya.
"Oo sige. Kahit ikaw ha. May asawa kana anak. Palagi kang makinig sa kanya. Tawagan mo ako palagi pag may hindi ka alam." Bilin din nito.
Umupo agad sya sa salas ng dumating sila sa bahay ni Alex. Ang mga maleta nya sa nasa tabi lang nya. Ang lalaki naman ay agad na pumasok sa kusina ng dumating sila.
Tulala syang nakatingin sa halamang nakapatong sa center table. Pakiramdam nya ay said na said ang kanyang enerhiya and her brain felt frozen.
Napakislot sya ng tumikhim si Alex. Nakatayo na pala ito sa tabi nya at may dala itong palangganang maliit kaya napakunot noo syang tumingin dito.
Umisod sya dahil mukhang uupo ito sa tabi nya. Nilapag nito ang dala sa may center table at nakita nya ang laman nitong ice pack.
"Talikod ka." Utos sabi nito sa kanya kaya napamaang sya dito.
"Huh?" Takang tanong nya pero pinihit na nito ang kanyang balikat para makatalikod sya dito.
"Bakit? Tanong nya. Naramdaman nyang sininop nito ang kanyang mahabang buhok sa likod. Nagsimula tuloy magwala ang t***k ng kanyang puso.
Sinusuklay nito ng daliri ang kayang buhok habang sinisinop iyon sa likod saka nito iyon tinalian. Parang gumaan ang kanyang pakiramdam sa ginawa nito.
"O harap kana." Sabi nito uli. Pero napatawa ito ng mabistahan ang kanyang itsura.
Nagsalubong ang kanyang kilay at napahaplos sa buhok. Ramdam ng kamay nya ang magulong pagkakatali nito kaya napatawa na din sya.
"Kailangan pa ng maraming pratice para maperfect." Sabi nito na inipit pa sa taynga nya ang hindi nito nakuhang buhok.
Siguro kahit na iyon na ang pinaka pangit na ayos ng buhok nya ay iyon at iyon parin ang kanyang pipiliing ayos.
Dinampot nito ang ice pack at saka sya tinitigan. "Kailangan na nating gamotin ang pisngi mo dahil baka mangitim na yan." Sabi nito na pinakita pa sa kanyang ang ice pack.
Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib ng lumapit pang lalo ito sa kanya.
Napapikit sya ng idadampi na nito ang ice pack.
"Ouchhh." Daing nya ng lumapat ang ice pack sa mukha. Nailayo pa nya ang mukha dito at napahaplos pa sya doon. "Dahan dahan naman." Reklamo nyang sabi dito.