Naiilang man ang pakiramdam ni Nickz ay pinilit parin nya ang sarili na kumain. Pakiramdam nya ay napakatuyo ng kanin na kanyang isinusubo dahil ang hirap nong lunukin.
Awkward silence
Ramdam nya ang tingin ni Alex sa kanya pero hindi naman ito umiimik and it's only the sounds of her food utensils can be heard in the kitchen. Hindi naman kasi kumakain ang lalaki.
She could feel him just eyeing at her and she was uncomfortable with it. Para bang nanenerbyos sya na parang hindi nya alam gumalaw she could feel her hand shaking
Narinig nya ang pagbuntong hininga nito kaya napatingin sya dito.
Nagtama ang kanilang mga paningin. Parang napapasong nag iwas sya ng tingin dito.
Parang nabibingin na sya sa sariling t***k ng puso.
"Kumain ka ng maayos Nickoline. Labas lang ako." Seryosong sabi nito sa kanya at saka na tumayo at iniwan sya.
Nasundan nalang nya ito ng tingin.
Matagal ng wala ito pero nakatulala parin sya sa nilabasan nitong pinto.
Parang nagbabara ang kanyang lalamunan. Napatungkod ang kanyang mga siko sa mesa at sinalo ng kanyang mga kamay ang ulo at napasabunot ang daliri sa kanyang buhok. Lord. how will we make everything's right. She frustratedly ask herself
Hindi na nya naubos ang pagkain.
Napatingin sya sa plato nitong hindi nagamit at sa kape nitong hindi pa naubos.
Binalik nya sa lalagyan ang hindi nagamit na plato at ang kape nito ay tinapon nalang nya. Ang ulam at kanin ay tinakpan nalang nya sa may mess dahil baka kakain pa ito mamaya. Hindi man sya sanay sa paghugugas ng pinggan ay hinugasan parin nya ang mga pinagkainan nya sa paraang alam nya.
She had a heavy chest when she came out of the kitchen.
Nakapagdecide na sya. Uuwi na sya sa bahay nila dahil tumawag ang kanyang yaya at sinabi na hinahanap sya ng kanyang ama. Itinuring nya iyong isang malaking himala. Dahil ngayon lang sya hinanap nito.
Nakita nya ang bulto ni Alex na nakatayo habang nakasandal sa hamba ng pintuan. Nakatanaw ito sa labas.
Malungkot syang napatitig sa likuran nito. Parang napansin naman nito ang prensensya nya dahil lumingon ito sa kinatatayuan nya.
"K-kumain kana." The first word that slipped into her mouth.
She could not explain the weight of the feeling that enveloped the two of them. the sadness on his eyes was visible as he looked at her, the guilt, the mixed emotion that she couldn't explain.
Nasasaktan siya.
Nasasaktan siya ng sobra, not only for herself but also for him. Alam nyang sinisisi nito ang sarili sa nangyari.
Gusto nyang magalit sa kanyang pamilya dahil sa ginawa ng mga ito. Pero ano pa ba ang magagawa ng kanyang galit. Nangyari na ang hindi dapat mangyari.
Tumikhim sya bago nagsalita.
"G-Gusto ko na sanang umuwi." Mahina nyang sabi pero alam nyang narinig nito.
He walk toward to her.
"What do you want me to do?" He almost whispered. Napakalungkot ang mukhan nito.
Tinignan nya ito sa mga mata. "Wala Alex." Sagot naman nya but to her shocked when he suddenly grabbed her on her arms.
"f**k! Don't tell me na wala Nickoline." He's breathing to hard in his eyes screaming his feeling. His pain, guilt, remorse. "Kung kinakailangang parusahan mo ako hanggang sa mamatay ako tatanggapin ko Just please, don't act like there's nothing happened." He said as if he was begging her.
A tears rolled on her eyes. Nanginginig ang kanyang mga labi kaya kinagat nya iyon. "I-I know what was going on you then. Kaya alam kong hindi mo din ginusto ang nangyari."
"No. Please. Mas matatanggap ko kung magalit ka sa akin. Sinira kita. Pinagsamantalahan." Nakita nya ang pag agos ng luha nito sa mata. "Na kahit ang sarili ko ay kinasusuklaman ko." Yumugyog ang balikat nito.
Sinapo nya ang mukha nitong nakayuko at inangat iyon. Basa ang mukha nito at walang tigil ang pagdaloy ng mga luha nito sa mata. "Look at me Alex." Malungkot nyang hiling dito.
Nagtama ang kanilang mga matang luhaan.
"Kalimutan na natin ang lahat Alex. Masakit sa akin pero sa isang banda ay nagpapasalamat ako dahil ikaw iyon. Kaya please. Wag mong pahirapan ang sarili mo." Madamdamin nyang sabi nito habang ang mga daliri nya ay pinupunas ang luha sa mukha nito.
"Then marry me Nickz." Bulong nito.
Nanigas ang katawan nya sa sinabi nito.
"A-Alex--"
"Kung ayaw mong pakasal sa akin ay isusuko ko ang aking sarili sa Autoridad." Determenadong sabi nito na titig na titig sa mga mata nya.
Alam nyang seryoso ito. "Hindi mo kailangang gawin 'to Alex." Sabi nya dito.
"Sorry Nickz pero hindi ko kakayaning mabuhay ng tahimik sa kabila ng ginawa ko sayo. Ginusto ko man o hindi ang nangyari hindi na non maibabalik kung ano man ang kinuha ko. I have to pay for my sin."
"Pero hindi ako papayag na makulong ka." Nahihirapan naman nyang sabi dito.
"Then marry me. Hayaan mong ibangon ko ang dignidad na pilit kung kinuha sayo."
Napaungol sya sa sinabi nito at napapikit pa ang kanyang mata. "Mas magiging kumplekado lang lahat Alex." Giit nya dito.
"You only have two choices Nickz. At kahit na ano ang magiging desisyon mo ay maluwag kung tatanggapin." Titig na titig ito sa mga mata nya.
Shit anong gagawin nya.
Nagkatitigan sila.
Biglang pumasok sa isip nya ang kanyang pamilya.
Pag nalaman ng mga ito ang nangyari. Maaaring gamitin ng mga ito iyon sa lalaki. At lalong hindi papayag ang mga ito na sa kanya pakasal ang lalaki dahil hindi sya kayang pasunurin ng mga ito.
"Kaya mo ba akong pakasalan ngayon?"Matiim nyang tinitigan ang reaction nito.
"Huh?" Tanong naman nito na parang nabigla sa sinabi nya.
"Mayaman ka Alex at alam kung kaya mong gawan ng paraan para makasal tayo ora mismo." Seryoso nyang sabi dito.
"Pero kailangan pa nating humarap sa pamilya mo Nickz." Naguguluhang sabi naman ng lalaki.
Napailing naman sya. "Gusto kong makasal na tayo pag humarap na tayo sa kanila."
"Seryoso kaba? Kung ngayon na ang gusto mo tanging papel lang ang makakaya kung ibigay sayo." Sabi ng lalaki. Na para bang hindi sang ayon sa kanyang gusto.
Napabuntong hininga sya.
"Okey na iyon. Pakasalan mo uli ako pag mahal mo na ako." Sabi nya na pinilit na ngumiti dito.
Nakita nyang natigilan ito saglit. "Are you sure about it? I mean. I can give you a wedding that every woman dreams of." Naninigurado nito sa kanya.
"Sure ako Alex."
"Mayroon ka bang rules or any ground na gustong-- you know."
Napaisip naman sya.
"Wala, bukod sa gusto kong dito tumira and--" napakagat sya sa kanyang labi.
Nakita nya ang pagkunot nito ng noo. "And?"
"W-wala akong alam sa gawaing bahay. But I can learn, right?" Nahihiya nyang sabi dito.
Nakita nya ang pag ngiti nito. "Hindi na ako nagulat doon." Sabi nito.
Hindi nya maiwasang mapasimangot sa sinabi nito.
"Ganito nalang. Saglit lang at kukuha ako ng bondpaper." Sabi nito at saka na pumasok sa kwarto.
Napaupo naman sya sa salas at nag iisip kung ano ang pwede nya iset na rules sa pagitan nila ng lalaki pero walang pumapasok sa kanyang isip.
Medyo matagal ito sa kwarto kaya napadukdok sya ng ulo sa armrest ng sofa.
"Sorry natagalan ako. Anytime now. Darating na si Attorney at daladala ang marriage contract and I want you to wear this." Sabi nito at binigay sa kanya ang nakapaper bag.
"Ano ito?" Takang tanong naman nya pero napa "oh" nalang sya ng makita ang dress na kulay pink. Napatingin sya dito.
"Actually I bought that for you noong unang natulog ka dito." Paliwanag naman nito sa kanya. Kaya napatango tango nalang sya.
"And this. It's a blank paper but I already signed it. Ikaw na ang bahala kung ano ang gusto mong ilagay dyan. Ipakita mo nalang sa akin pag nakapagset kana ng rules na gusto mo. magiging valid yan pag pinermahan mo na." Sabi nito at inabot ang papel sa kanya.
Nagtataka naman syang napatingin dito. "Ikaw. Wala ka bang isusulat?" Tanong nya.
"Wala" sagot nito. Nagtama ang kanilang mga mata. Hindi nya alam kung ilang sigundo iyon pero alam nyang medyo nagtagal iyon. Para bang nagkaroon sila ng lihim na kasunduan.
Ito ang unang nagbawi ng tingin. Tumikhim muna ito bago magsalita. "Magbihis kana. Baka malapit na si Attorney." Sabi nito sa kanya.
*. *. *
Malungkot na nakatitig si Nickz sa suot suot na singsing. Ang sabi ni Alex ay ito daw ang tanging alala nya sa kanyang ina na namatay noong pinanganak ito.
Nalulungkot sya dahil alam nyang hindi iyon nakalaan sa kanya kundi sa babaeng mamahalin sana nito.
Tapos na ang kasal nila at hindi na Nickoline Salverio ang kanyang pangalan kundi Nickoline Alvarez na.
Nalaglag ang kanyang mga luha ng maalala ang dating pangalan. Hindi na sya Salverio na kahit kailan ay hindi nya naramdaman na naging isa syang Salverio.
Marangya syang namuhay dahil sa kanyang lola na nakapagbukas pa ng fund para sa kanya bago ito namatay. Kund hindi siguro hindi nya alam kung tutustusan sya ng kanyang ama. Nakatime deposit iyon at hindi ito pwedeng pakialaman ng kahit na sino maliban sa kanya. Sya din ang nagpapasahod sa kanyang yaya na galing sa monthly allowance nya kaya ito lang ang nag aasikaso sa kanya. Ito na ang namulatan nyang nag aalaga sa kanya mula pa noon ang kwento nito ay ang lola daw nya ang nahired dito at pinaghabilinan nito ng mamatay nga ito.
Pero ngayon may asawa na sya. Magiging masama ba syang anak kung makaramdam sya ng tuwa dahil sa wakas ay makakalaya na sya sa poder ng ama. Na may iba ng mas may karapatan sa kanya. Iyon ay ang kanyang asawa.
"Regret?" Anang tinig. Mabilis nyang pinalis ang luha at saka tumingin uli dito.
"Umalis na si Attorney?" Hindi nya sinagot ang tanong nito.
"Kanina pa." Mahinang sagot naman nito sa kanya.
"Nagsisisi kana bang mas pinili mong pakasal sa akin?" Seryosong tanong nito.
Pinilit nyang tumawa. "Nagsisisi ka dyan. Natutuwa nga ako. Atlest ngayon hindi na kita susundan sundan kahit saan dahil kasama na kita sa iisang bubong." Biro nya dito.
Pero seryoso parin ang mga mata nitong nakatingin sa kanya na para bang inaarok nito kung seryoso sya.
"Kung umiiyak man ako ngayon dahil iyon sa takot na baka isang linggo lang ako dito ay pinapaalis mo na ako dahil sa hindi ako marunong sa gawaing bahay." Napangiwi nyang sabi dito.