Chapter 9

1603 Words
Macky's Bar "Anong nangyari dyan." Tanong ni Ron kay Macky ng makita si Alex na nakaub-ob na sa mesa dahil sa kalasingan. Macky's shrugged his shoulder before he answer him. "Hindi ko nga din alam e. Narinig ko lang kanina na tinawagan nya iyong grupo at may pinaiimbistigahan sya mukhang galit na galit. Tapos iyan. Ginawang tubig ang alak." Sabi naman ni Macky. He took a deep sigh Naiiling si Ron it was as if the trials that come into their lives seem to coincide. Si Jef. Wala paring balita kay Samantha. Si John. Hindi makausap ng matino dahil sa problema sa pamilya at kay Ariana. Si Tim may problema din kay Crissa. Itong isang 'to kaya. Madalang lang nilang makitang maglasing si Alex. Sa kanilang magkakaibigan parang ito ang may pinaka malawak na pag iisip. At wala silang alam na pwedeng maging problema nito. "Anong kayang nangyari dito?" Nagtataka nyang tanong. Naupo sya. Like Macky, he just quietly watched his friend who fell asleep due to intoxication. They both seem to fall into the deepest thoughts of what the reason behind it. "Ihatid mo na kaya?" Sabi ni Ron kay Macky. As he broke the silence. Kaya siya tumungo ngayon sa Macky's Bar dahil dito sila palaging nagmeeting na magkakaibigan tungkol sa business nila. At may usapan silang mag uusap sila ngayon para sa opening ng Sky Branch nila sa bandang North. Pero malabong mangyari dahil lasing na lasing nga ang CEO nila. "Ikaw nalang bro. May kikitain pa kasi ako." Sabi naman ni Macky. Naiiling nalang si Ron. Wala sya magagawa kundi mag uwi ng lasing. Pinagtulungan nilang magkapatid na isakay ito sa kanyang sasakyan. Naiiling sya sa itsura nito. Parang pasan nito ang daigdig. Oras na din nya para umalalay sa mga ito. Dahil noong mga panahon na nangailangan siya ay hindi sya iniwan ng mga ito. It's pay back time ika nga. Tulog na tulog parin ang kaibigan nya ng dumating sya sa bahay nito. Napakunot sya ng noo dahil bukas ang ilaw ng bahay nito. Nagtaka sya. May bisita yata sya. Sabi nya sa isip. Maliit lang ang bahay ni Alex kaya kitang kita nya ang ilaw nito sa loob. Nagtataka nga sila kung bakit mas ginusto nitong magpatayo ng maliit na bahay samantalang afford naman nitong bumili ng mansyo. Hindi mo aakalain na ang nakatira doon ay isang milyonaryo. Alaalalay na ni Ron si Alex ng kumatok sya sa Pintuan nito dahil parang may tao sa loob. Shit! Mahina nyang mura dahil napakabigat nito. He heard a footstep approaching the door so he adjusted the hanging of Alex's arm around his neck "May tao nga." Sabi nya sa sarili at literal na napanganga sya ng makita kung sino ang babaeng nagbukas ng pintuan. He could not help himself not to look at her from head to toe Because the dress she wore belonged to Alex. May nakabalabal lang na towel sa tapat ng dibdib nito. He silently cursed himself because she seemed embarrassed by the way he looked at her. "Im sorry." Sabi niya ng makabawi ng pagkabigla. Nagyuko ito ng ulo kasabay nag pag atras ay ang pagluwag nito ng pagkaka bukas ng pintuan para mas madali nyang maipasok ang kaibigan. "Ipapasok ko na sya sa kwarto nya." Sabi nya sa babae. Mabilis naman sya nitong inunahan para mapagbuksan sya uli ng pintuan ng kwarto ng kaibigan and seemed he got the idea why his friend was getting drunk. And from what he saw in the room- parang nagamit na iyon. He turn to Nickoline. "P-pwede ba sya dito?" Alanganin nyang tanong dito. Nakita nya ang pag iwas ng tingin nito. "Y-yes po. Kwarto naman po nya ito." Kiming sagot nito sa kanya. Alanganin nyang binagsak ang katawan ng kaibigan sa kama nito. Dahan dahan na lumapit naman ito sa kama at napansin nya ang malungkot na titig nito kay Alex. "Pasinsya na. Nalasing e." Paliwanag naman ni Ron kay Nickoline. Tumingin naman ito sa kanya pero nag iwas din agad ng tingin. Lihim nyang pinag aralan ang itsura nito at parang gusto nyang mapamura sa kaibigan ng makita ang mga marka sa may bandang leeg ng babae. Alam na alam nya ang mga iyon. Para namang napansin nito ang kanyang pagtitig doon dahil parang tinaas nito ang neckline ng damit. He averted his eyes and he cleared his throat to remove the unpleasant silence that envelops them. Parang naiilang pa itong lumapit sa paanan ng kaibigan at saka tinanggal ang sapatos nito. Tahimik lang nyang pinapanood ang kilos ng babae. "Ehm. G-gusto nyo pong magkape muna?" Rinig nyang tanong ng babae sa kanya kaya napatingin sya sa mukha nito. "A yes. Kilangan ko nga yan." Nakangiti nyang sagot dito. Nauna itong lumabas sa kanya. Hindi agad sya sumunod dito. Tinitigan uli nya ang kaibigan na para bang makikita nya ang kasagutan sa mukha nito. Bantulot syang lumabas. Nakahanda na ang kanyang kape na nakapatong sa center table ng salas. Nginitian nya ang dalagang nakatayo na para bang hinihintay nalang ang paglabas nya. "Upo ka." Sabi nya dito dahil nanatiling nakatayo ito. Kinuha nya ang kanyang kape at tahimik na humigop doon. Napansin nya ang paglalaban ng mga daliri nito na para bang kinakabahan sa kanya. "Natatakot kaba sa akin?" Nakangiti nyang tanong sa dalaga. Tumingin ito sa kanya. Hindi nya alam kung natural lang ang pamumula nito ng pisngi. Nakita na din nya ito ng ilang beses pero hindi pa nya ito nakikita ng malapitan. "K-kinakabahan lang po ako." Nahihiyang amin nito sa kanya na hindi makatingin ng deretso sa mga mata nya. Napatawa sya pero mahina lang. "please don't be. Pasinsya kana kung ganon akong tumingin sa iyo a while ago. Nabigla lang ako dahil hindi ko alam na may maganda palang bisita si Alex." Sabi nya sa dalaga. "Kailan kapa dito?" Tanong nya na parang pinagaan ang boses. "Kaninang umaga lang po." Mahina namang sagot nito sa kanya. Tumango tango sya. "S-Sir Mr--kuya." Napangiti sya dahil parang hindi nito alam ang itatawag sa kanya sa sobrang nerbyos yata nito. "Emm. A-alam ko pong marami po kayong gusto itanong kung bakit po ako naririto. Emm..." "It's okey Nickoline. Pasinsya na kung medyo nailang ka sa akin. Nabigla lang talaga ako. Hindi mo kailangang magpaliwanag sa akin." Nakangiti nyang putol sa sasabihin nito sa kanya. "Salamat po." Sagot nito. "Inomin mo na ang kape mo baka lumamig na iyan." *. *. * Ceiling ng bahay ang unang tumambad sa paningin ni Alex ng magising sya. Napaungol sya ng maramdaman ang pagkalam ng kanyang sekmura. Madilim pa sa labas pero papaliwanag na. Tulala syang napatitig doon pero saglit lang dahil parang may naalala sya na ikinakunot ng kanyang noo. Tumingin sya sa tabi nya pero walang ibang tao doon. Kaya kahit na parang umiikot ang kanyang paligid ay pinilit nyang bumangon para hanapin kung nasaan ang kanyang hinahanap. Tinungo nya agad ang kabilang kwarto dahil kitang kita naman nya ang salas nya kung nandoon ito pero wala doon ang hinahanap. Dahan dahan nyang binuksan ang pintuan para hindi sya makalikha ng inggay. Napabuntong hininga sya ng maaninag na may nakahiga doon. Parang nabunutan sya ng tinik sa dibdib. Sinira nya uli ang pintuan at bumalik sa kanyang kwarto para maligo. Pagkatapos nyang maligo ay nagtungo sya sa kusina para magluto ng kanilang agahan. At kagaya ng routine nya araw araw ay nagwalis sya sa kanyang bakuran dahil may mga puno ng mangga doon na medyo makalat dahil nangalaglag ang maliliit nitong bunga at dahon. Natapos na syang nagwalis ay tulog parin ang babae kaya sinimulan nyang maglinis sa salas at kusina. Mabilis lang iyon dahil maliit lang naman ang kanyang bahay. Kinuha nya ang laundry basket sa kwarto para maisalang nya iyon sa kanyang washing machine. Natigilan pa sya ng makita ang nakabuhol na damit na nakahalo doon. Parang nanikip ang kanyang dibdib na napatitig doon. Ito ang damit nya na sinuot nya kahapon kay Nickz. Ipinilig nya ang ulo para iwaksi ang alaalang gustong pumasok doon. Isinalang nya iyon sa loob. Pagkatapos nyang lagyan ng sabon at fabric conditioner ay pinaandar na nya iyon saka uli sya bumalik sa kusina. Nagkagulatan pa sila ng bigla syang pumasok dahil nandoon na din pala ito sa kusina. Nagtama ang kanilang mga mata. Ramdam nya ang pagbilis ng t***k ng kanyang puso. At sabay silang napakislot ng marinig nila ang tunog ng nabasag na baso. Sabay pa silang napatingin doon. Nabitawan pala nito ang hawak hawak nitong baso. "s**t! Don't move. Are you okey?" Nag aalala nyang Tanong dito. "Huh?" Naguguluhan namang tanong nito sa kanya. "Don't move. Kukunin ko lang ang walis." Sabi nya at mabilis na hinagilap ang walis at dustpan. "S-sorry." Mahinang sabi nito. Kaya napalingon uli sya dito. "Tsk! Don't move Nickz. Baka may maapakan kang bubog." Bawal nya sa babaeng parang ipinipili ang paa kung saan walang bubog. Tumigil naman ito na pataingin sa kanya. Agad nyang inimis ang nagtalsikang bubog. "Use my slippers baka may hindi pa ako napulot na bubog." Sabi nya at mabilis na tinanggal ang slipper na suot para ibigay dito. "Wag na." Tanggi nito pero ipinilit nya. "Wear that Nickz kung ayaw mong ako ang magsuot nyan sayo." Sabi nya sa dalaga. Hindi naman na ito nagsalita. sinuot nalang nito ang mga iyon. Kita nyang halos kalahati lang ng paa nya ang paa nito. "Maigi na yan kaysa makaapak ka ng bubog" sabi nya habang nakatingin sa magaganda nitong paa. Umakyat ang tingin nya at nakita nyang damit parin nya ang suot nito at iniwas nya ang mata ng umakyat na ang kanyang paningin sa dibdib nito dahil alam nyang wala itong suot na bra. Halata naman kasi dahil sa tayong tayo nitong n****e. Gusto nyang murahin ang sarili dahil kung ano ano ang napapansin ng kanyang mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD