"Oo. Iyong nga sana ang ikukunsulta ko kay Tim. Kung ano ang dapat kung gawin. Nakipagkita sa akin si Mr Briones noong isang araw at gusto nyang kunin ang bata. Alex. Hindi ko na kayang mawala sa akin ang anak ko." Mangiyak ngiyak nyang pahayag nya kay Alex. "Sinong Mr. Briones. At sino talaga ang totoong magulang ng bata?" Naguguluhang tanong naman ni Alex. "Anak ni Paula ang bata." Sagot nya. Lalong kumunot ang noo ni Alex. "So. Kinukuha ni Mr. Briones ang apo nya?" Tumatango tango na tanong nya na parang nagegets na ang sitwasyon ng asawa. Bumungtong hininga si Nickz. "No Alex. Hindi apo ni Mr. Briones ang bata dahil sya ang ang tunay na ama." Pahayag naman ni Nickz na titig na titig sa nukha nya. "What? Sino ba kasing Mr. Briones ang tinutukoy mo?" Naguguluhang tanong uli n

