Tahimik na nakahiga si Alex sa isang cottage at nakatakip pa ng bimpo ang kanyang mukha para hindi sya masilaw sa liwanag. Masakit kasi sa mata lalo na at kulang sya sa tulog at napadami din ang inom nya kagabi. Samantalang ang mga kasama nya ay masayang naghuhuntahan sa katabing cottage kung nasaan siya Nababagot na sya at gusto na nyang umuwi sa Maynila pero hindi nya mahindian ang kapatid ni Tim na spoiled sa kanilang magbabarkada. Actually birthday nito kahapon at dito sya sa Siargao nag daos ng kanyang kaarawan. Dapat kaninang umaga pa sya nakauwi pero kinulit sya nito na magstay hanggang mamayang hapon kaya pinagbigyan nalang nya ito pero hindi nya maiwasang makadama ng pagkabagot. "Pareng Alex. Magsisimula na ang budol fight come on." Rinig nyang tawag sa kanya ni Ron kaya napat

