Napatingin si Nickz sa kanyang cellphone ng mag vibrate iyon. "Kailangan ko na pong mauna sa inyo." Paalam nya ng mabasa kung sino ang magtext. Tutal tapos na din naman ang pag uusap nila tungkol sa proposal ni Mrs Rodriguez kay Madam Grace. Nakatanggap na kasi sya ng text mula sa bangkero na sinakyan nya papunta sa Isla. Hindi nya alam kung bakit pa sya kinailangan ni Madam Grace sa pagdedesisyon kung tatanggapin ba nito ang offer sa kanya e hindi naman sila partner sa negosyo nito. "Pero maaga pa Nickz. Ayaw mo bang maligo muna tayo sa dagat?" Pigil ni Crissa sa kanyan na para bang ang tagal na nilang magkakilala. Alanganin syang ngumiti dito. "Pasinsya na pero kailangan ko na talagang umalis." Nakita nya ang bahagyang paglungkot ng mukha nito. "Kailan ka namin pwedeng puntahan?

