Chapter 18
Nina Pov
Isang linggo akong nasa loob lang ng kwarto ko. Hindi ako makalakad at nahihirapan akong umihi. Masakit sobra ang binti ko lalo na ang p********e ko. Wala akong pinapapasok dito sa loob na kahit na sino. Sinabi ko lang na may sakit ako. Kaya nag pabili ako ng gamot ko para sa sakit sa katawan at ulo. Isama pa na nilagnat talaga ako ng bongga.
Tangina kung alam ko lang na ganyan ang s*x hindi na sana ako bumigay pa. Kaso dahil sa masarap ang sipsip at kain ng lalaking iyon sa katawan ko bumigay ako. Makasigaw pa ako ng sige pa ibaon mo pa. Bwesit! Masarap naman talaga kaso magdusa sa bandang huli.
Ang kama ko putol na ang haligi. Saan kaya ako hihiram ng ibang kama para may maayos parin akong higaan? Siguro itapon na lang ito at sa sahig na lang ako matulog may kutson naman ako. Problema talaga ang ang dala ng gagong iyon sakin.
Maka-bayo naman kasi parang wala ng bukas. Gusto sagad na sagad parang hayop umatungal sa sarap. "Eh, Ikaw parang kambing?" tanong din ng isipan ko. "Tangina!" mura ko lang.
Makukurot ako ni Mama nito kapag nalaman niyang nagpaiyot ako. Grabi naman kaprangka ang utak ko. "Make Love kasi iyon, talik, niig, o s*x bakit iyot pa ang naisip ko." buntonghininga ko pa.
Nakakatayo naman na ako. Nakakalakad na rin. Pero sabi ni Manang Cora magpagaling pa ako dahil may sinat pa ako. Kaya dito lang talaga ako sa loob ng kwarto ko. Isang linggo na nakakahiya man sa mga kasamahan ko ay wala naman ako magagawa kung masakit pa ang pekpek ko. At may sinat pa ako. Kay Serenity lang naman talaga ang focus ko.
Pero para fair naman sa mga kasamahan ko ay tumutulong din ako sa pag lilinis, paglalaba, at pagluluto pati na ang pamamalengke. Kaya wala silang masabi sakin dahil lahat basta may free time ako tumutulong ako kahit hindi na nila ako utusan. Napapagalitan na din ako ni Manang Cora, pero gusto ko ang ginagawa ko.
Hindi naman nila masasabi na sipsip ako sa amo namin dahil wala naman ang amo kapag tumutulong ako. Kung meron nga ang amo namin e, nagtatago na ako.
Gulat pa ako sa pagmumuni muni ng biglang may kumatok sa pinto ko. Hindi ako gumalaw para tignan ang kumakatok.
"Ate Nina it's me, Vivi!" sigaw ng nasa labas. Kaya agad akong tumayo at mabilis na lumapit sa pinto.
Pagbukas ko ng pintuan ay nagulat pa ako dahil kasama nito si Gardo. Nakita ko pa na parang ngumiti sakin. Pakiramdam ko namula ako, sana hindi mapansin ni Serenity.
"Ayaw mo ba kami papasukin Ate Nina ha?"
"Pasok!"
"Totoo pala na nasira ang kama mo. Anong ginawa mo at nasira 'yan? Hindi ka naman mabigat ah." sabi ni Gardo sabay lapit sakin at binuhat ng bahagyan.
Humalakhak naman si Serenity ng paluin ko sa ulo si Gardo. Gagong 'to ah! Siya ang nakasira tapos kunwari walang alam. Kaya sinakyan ko na lang.
"Eh, may nakita akong daga na malaki eh. Kaya nagtatalon talon ako sa kama ko dahil dumagan sakin ang daga. Sino ba naman ang hindi matatakot 'no!" humalakhak naman ito.
"Daga?" ulit ni Serenity.
"Yes, Daga. Pwede din Rat or mouse na pinsan ni rat." sagot ko.
"Kaya ka nagkasakit dahil kinagat ka ng daga Ate?"
"Nagkasakit ako dahil sa nerbyos dahil sa pagdagan sakin ni Daga."
"Get it. Mabuti hindi ka nakagat Ate. You are safe from the rat biting."
"And oh, bumili kami ni Kuya Gardo ng kama mo. Para kapag gusto ko makitulog dito kasiya tayo sa kama Ate." masayang sabi ni Serenity.
"Hindi ka pa nga nasasanay na mag-isa tapos makikitulog ka sakin. Baka magalit Mama mo."
"Na. They don't care about me. So okay lang na matulog ako dito anytime I want. Deal."
"Okay deal. Para walang mag tresspassing na Daga dito. Baka Ikaw ang makakapag-alis sa daga na nagte-tresspassing dito."
"Ako na ang bahala Ate kakaratehin ko sila. Rat is bigger than cockroach and rat has no wings. Gagamitin ko lang ang walis tambo ayos na. Kaya make sure Ate no cockroach here ha?" natakot pa ito bigla.
"No worries walang cockroach dito may pang spray naman ako. Daga lang talaga ang hindi natatablan. Saksak at palo ang gusto para mawala na dito. Scary kaya nagkasakit ako." irap ko kay Gardo.
Tumawa naman ito na naiiling sakin. Pinapasok na nila ang bagong kama ko ng mailabas na ang kawawang luma kong kama. Doon parin ang pwesto ng bago kong kama. Maganda at mukhang mamahalin pa. Siguradong matibay na ito kahit magludagan pa kaming dalawa ng gagong lalaking ito sa ibabaw ng kama.
"Matibay na ito Ate, kahit tumalon talon tayong dalawa sa ibabaw ng kama hindi na po masisira." masaya namang bulalas ni Serenity. Parang nababasa talaga nito ang utak ko eh 'no?
"Kaya pwede na kayong lumabas ng makapagpahinga pa ako ng kunti."
"Wala ka naman na lagnat Ate, kunti na lang." sabay sapo sa mukha ko. "At may pinaluto akong peborit mong pagkain. Namiss po kita kaya sabay na tayo nila Kuya Gadong kumain dito."
"Hayna---"
"May problema ba?" duet pa na sabi ng dalawa.
"Sabi ko lang haynako, may problema agad!" irap ko.
"Ayaw mo ba kaming makita? Hindi mo ba kami namimiss?" inosenting tanong naman ng gagong ito.
Kagabi dito na naman kaya natulog ang gagong 'to nagdede lang magdamag bwesit siya. Kailangan ko na yata gumamit ng push up bra. Lantang gulay na ang dede ko. Kahit may lock sa loob paano ba nito nabubuksan ang pintuan ko. Hinampas ko siya sa dibdib. Humagikhik naman si Serenity.
"The food is here." anunsyo ni Serenity.
Inayos na ni Gardo Ang lamesa ko. Alam na alam talaga ng gago ang mga gamit ko dito. Feeling may Ari ng kwarto ko. tsee!
"Bakit?" sabay tingin sakin ni Gardo.
"Wala!" nguso ko.
"Namiss mo lang matusok eh!" bulong nito sakin.
"Tangina ka!"
"Eyyyy... ang sweet ayeeeh!" masayang sabi ni Serenity.
"Sweet na pala sayo ang pagmumura ko ano?"
"Kain na tayo!" baliwang sabi ni Serenity. "Salamat po sa paghatid ng pagkain dito mga Ate." sabi pa ni Serenity sa ibang kasambahay.
Kuhol at susó na ginataan at sinabawan ang pinaluto nila. Tapos may vegetables salad pa with salmon. Sure akong sa kanila iyon. May adobong baboy at prito na galonggong with rice.
"Nasaan ang paborito ko?" tanong ko.
Sabay pa nilang tinuro yung kuhol na sinabawan. Ngumuso ako. Paksiw na bangos at sinigang na buto ng baboy ang favorite ko. Tapos sasabihin nila na kuhol ang favorite dahil nag uulam ako ng gan'on. Grabe sila sakin.
"Nag uulam lang ako ng ganyan pero hindi ko peborit. Masarap at gusto ko ulamin, lahat ng ulam gusto ko kainin. Pero may peborit lang ako at hindi kuhol iyon." reklamo ko.
"Hayaan mo na. Kumain kana pumayat kana ng kunti." sabi naman ng gago.
Gusto ko sana magdabog kaya lang nakakawalang respeto naman iyon sa pagkain.
Makwento si Serenity, parang namiss nga niya ako kakwentuhan. Sinabi pa na mamaya dito ito matulog. Um-oo na lang ako agad. Sasabat pa sana si Gardo ng inunahan ko na siya.
Panaka naka na tumitingin sakin si Gardo. Hindi naman ako makatingin sa kaniya ng diretso. Nahihiya parin yung pakiramdam ko kapag nandito ito sa tabi ko. O, kaya ay malapit lang ito sakin. Nanginginig at nag-iinit katawan ko. Gago kasi kung ano-ano pinapa-experience sakin.
"Ate." tawag sakin ni Serenity.
"Hmm."
"Ano 'yung pasalubong na binigay ni Kuya Gardo sa'yo?"
"Bakit babawiin na ba niya? Hindi ko pa nga nakikita ang laman ng paper bag na inabot sakin."
"Nagtatanong lang naman kung ano binigay ni Kuya, high blood agad eh. Kumain na nga Ate." nguso pa ni Serenity.
Kumakain na pala ang dalawa ako na lang ang nakatunganga pa. Layo lipad ng utak ko nasa gilid na ng earth kunti na lang mahuhulog na ako.
"High blood nga siya palagi. Kaya nagmumukha na siyang matanda kay Manang Cora." Biro ni Gardo.
Lumingon ako sakanya iirapan ko sana ng mapansin ko na iba ang kulay ng mata nito. Light brown. Original kaya ito or may nilagay na kulay sa mata. Baka ngayon ko lang napansin na light brown nga ang kulay ng mga mata nito. Paano kapag gabi na nandito ito madilim kahit sobrang dikit na dikit mukha naman hindi ko parin nakikita ang kulay. Pinilig ko ang ulo ko.
"Light brown ba dati ang mga mata mo? Original ba 'yan?" wala sa sariling tanong ko kay Gardo.
"Uh oh." sagot lang nito.
"Yes Ate, ang tagal niyo ng magkasama na dalawa ngayon mo lang napansin? Saan ka po ba nakatingin sa mga muscle ba ni Kuya Gardo? Ay aminin." tukso sakin ni Serenity. Pinalo ko siya sa braso.
"Ikaw nga may crush sa binata na anak ng may-ari ng Osmeler flower shop eh. Tinukso ba kita?"
"Wag ka ng mandamay ng ibang tao. Ang importante nakatingin ka sa muscle ko." nagkatawanan sila ni Serenity. Sumimangot naman ako.
"Ewan ko sainyo!" sabi ko na lang at kumain na.
Napapatingin sila sakin dahil sa kuhol lang ako nag uulam halos iyon nalang ang kinakain ko. Mukhang nandidiri pa sila sa inuulam ko. Pakakainin ko sana si Serenity pero baka magka-allergy pa. Kasalanan ko pa. Kaya kay Gardo ako nagbigay ng laman ng kuhol.
"Kainin mo yan! Ikaw din Serenity ng may ambag naman kayo sa akin sa kakaasar niyo! Hmp!"
"Ayoko baka magka-allergy ako niyan." tanggi nito agad.
"Kaya Ikaw na lang ang kakain." pilit ko kay Gardo.
"No way! Ayoko din niyan. Ikaw na lang ang kakain. Enjoy your food." tanggi din nito. Pero nag lagay parin ako sa Plato nito.
"Kainin mo 'yan! Bakit kapag tahong kumakain ka. Kamag-anak din naman ng tahong ang kuhol ah." pilit ko pa.
"Kahit na! Hindi ako taga probinsya and never eat that before." tanggi parin nito.
"Kaya itry mo na ngayon. Ang aangas niyo tapos itong kuhol lang tiklop kayo! Oh, kain na! Malinis yan, hindi nakakalason, hindi rin nakakamatay. Bagong experience mo dito sa kwartsyon ko." pilit ko pa.
Natatawa lang din sa tabi si Serenity. Kaya binalingan ko siya.
"Pasalamat ka may allergy ka. Kapag wala ako na ang susubo ng kuhol sa bunganga mo." sabi ko naman.
"Kaya thanks God, talaga Ate." hagikhik naman nito.
Wala ng nagawa si Gardo ng isubo ko sakanya ang laman ng kuhol. Natawa naman si Serenity sa reaksyon ng mukha ni Gardo. Uminom ito agad ng tubig pakiramdam ko nga hindi niya ito nginuya eh. Nilunok nito ang laman ng kuhol. Tatlo 'yong binigay ko.
"Anong lasa ha? Masarap ba?" tanong ko habang nagpatuloy sa kinakain kong kuhol.
Umiling iling lang ito. Kaarte naman ng lalaking ito. Richs kid.
Nagpatuloy na kami na kumain. Masaya na akong nakikipag-usap sa kanila. Tapos na kaming kumain ng mapansin kong namumula ang leeg at pisngi ni Gardo. Nagkakamot na din ito ng katawan. Halla, may allergy din yata ang lalaking ito.
"Uy! Ayos ka lang ba? Makati ba? Halla, may allergy ka din yata sa kuhol. Bakit sa fresh tahong wala naman. Anong gagawin ko? Katigas at kapal ng balat mo nakakakuha ka pa ng allergy?" Taranta ko ng sabi.
"Uy! Serenity anong gagawin ko. Mamamatay na ba siya? Hoy! Ayos ka lang? Halla. Teka tatawagin ko si Manang Cora." taranta na ako.
"Okay lang ako." sagot nito. Pero pakiramdam ko hindi siya okay.
"Kailangan mo ng maipagamot Kuya Gadong. Tara na baka mahirapan ka na niyan makahinga." sabi naman ni Serenity.
"Halla, sorry!" sabi ko na lang na natataranta.
Ganito din si Serenity dati. Halos hindi ako mapakali at sobrang nataranta noon. Ngayon kay Gadong naman. Malay ba namin na may allergy din siya.
"Tawagin mo yung driver ko Ate. Idala na natin si Kuya sa hospital. Wala ang family doctor namin. Nag out of town." sabi naman agad ni Serenity.
Nagmadali naman na akong lumabas at nakasalubong ko si Tatay Thomas. Sinabi ko agad ang nangyari kay Gardo. Ito na ang tumawag sa driver ni Serenity. Inakay na namin ni Serenity na ilabas sa kwarto ko si Gardo. Dahil sa inis ko nakurot ko tuloy siya sa tagiliran.
Napaigik naman siya sa ginawa ko. Kasalanan naman nito kung bakit siya nagka allergy eh. Hmp.