Chapter 19
Nina Pov
"Ate Nina, dalian mo! Magsasara na ang sinehan sa Mall!" sigaw ni Serenity sa labas ng kwarto ko.
Manonood kasi kaming tatlo nila Gardo ng sine na request ni Serenity, para ma-experience din daw nito ang manood sa sinehan. Kahit may malawak naman silang theater room dito sa mansion.
Ako nga tatlong beses lang ako nakapanood ng pelikula sa sinehan dati. Ang nakakatawa pa ignorante ako sa lahat noon. Pati ang dumaan sa pinto ng grocery store dati na may bakal. Sabi ng Tita ko noon ang tawag sa gate na 'yon ay turnstiles rotary gate at may back flaps pa. Tumango na lang ako kahit hindi ko naintindihan.
Napagalitan pa ako ng ibang namimili dahil hindi ko alam paano makapalabas. Hirap itulak at hilaan na stuck ako sa gitna. Kaya ang ginawa ko gumapang na lang ako para makalabas. Tinawanan na lang ako ng mga pinsan at Tita ko. Bata pa naman ako noon kaya for experience lang naman.
"Heto na! Heto na! Lalabas na! Hindi makawait 'yan ha? Hindi aalis ang Mall kapag ma late tayo may next time pa naman hindi ba?" pagbubunganga ko. Alas otso ng gabi palang naman.
Nagulat pa ako ng matiim na nakatitig sakin si Gardo. Nakakakaba naman ang titig ng gagong 'to. May balak na naman ba niya akong kainin. Ay letse siya!
"Bakit pangit ba ang suot ko?" nguso kong tanong.
"Mediyo maayos naman. Sigurado ka bang mabango ka ngayon?" sabay lapit sakin at inamoy ang leeg at ulo ko.
"Siraulo ka pala eh! Para ka ng aso na ulol diyan! Gusto mo lang naman mananching diyan!" sabay hila ko na kay Serenity. Humagikhik naman si Serenity na sumunod sakin.
Hindi ko alam kung anong palabas ang papanoorin namin. Si Serenity naman ang gustong manood ng pelikula. Na-isip lang niya na sumubok manood sa sinehan dahil sa pelikula na pinanood namin sa laptop nito. Madalas na itong sa kwarto ko natutulog dahil madalas na din kasing pinapagalitan ng mommy niya. Lalo na kapag wala ang Daddy nito. Kaya pagbigyan ang dalagitang kulang sa aruga sa pamilya.
"Sana 'wag horror ang panonoorin natin. Makakalbo ko kayong dalawa kapag horror ang pinili niyo." sabi ko agad habang naglalakad na kami sa Mall patungong sinehan.
"Hindi talaga horror Ate baka magsisigaw sigaw kapa sa loob ng senihan. Baka matakot mo pa Ang mga manonood."
"Yeah that's right, senyorita! Makasigaw pa naman siya wagas abot hanggang kabilang planeta ang sigaw niya. Kakarindi." tumawa pa ang mga ito.
Umirap na lang ako.
****
Senihan
Sa likod ang pinili ni Serenity dahil masyado daw maliwag at masakit sa mata kapag sa harapan kami uupo. Nagdala pa nga ito ng sunglasses para daw maproteksyonan ang mata.
Si Gardo sa gilid ako sa gitna at si Serenity sa kaliwa ko naman. Oh, cartoon naman pala ang panonoorin namin. Napangiti ako dahil peborit ko parin talaga ang manood ng cartoon.
"Anong title ng papanoorin natin Vivi?" tanong ko dahil si Gardo nakahawak sa ticket namin.
"Inside Out, Ate." sagot naman nito agad sakin. Napatango na lang ako.
Nagsimula na ang palabas. Pero parang napanood na namin ito dati pa.
"Napanood na natin ito dati diba?" tanong ko.
"Part 2 ito Ate."
"Okay." sabi ko na lang.
Nakapokos ako sa pinapanood ko. Tawa ako ng tawa sa part na nakakatawa. Ako yata ang pinakamalakas tumawa. Pero wala ako pakialam dahil nakakatawa naman kasi talaga.
"Nina stop laughing so loud. Naririnig dito sa loob ng senihan ang pagtawa mo. Para kang mangkukulam diyan makatawa." bulong sakin ni Gardo.
"Bakit ba nakakatawa naman talaga kasi." ingos ko at hindi ko na siya pinansin.
Pero nagvibrate ang phone ko kaya nilabas ko na muna ang cellphone ko at tinignan ang nag message o tumatawag. Oh, message lang pala ng isang kachat ko. Nakapukos na ako ngayon sa cellphone ko at nakalimutan ko ng manood. Pero nagulat ako ng biglang nawala sa kamay ko ang cellphone ko. Inagaw na pala ng magaling na lalaking ito. Pakialamero talaga.
"Ang cellphone ko Manong." inis kong sabi. Nakita ko itong ibinulsa sa bulsa ng pantalon nito sa kabilang side niya.
"Manood kana muna hindi yung nagse-cellphone ka. Baka akalain pa nilang bini-video mo ang palabas sa harapan. Magmulta ka pa."
"Eh, di akin na ng maitago ko na."
"Mamaya muna kukunin manood kana wag kang makulit. Hindi ko kakainin ang cellphone mo. Ikaw lang ang kakainin ko." bulong nito sa punong tainga ko.
"Kadiri ka!" palo ko sa hita nito. Umayos na ako ng upo at humarap na sa malaking screen sa harapan.
Maya't maya ay kinakapa ko na ang hita ni Gardo para kunin ang cellphone ko. Marahan ko din pinipisil pisil Ang mga hita nito. Pataas sa hita nito hanggang dumapo ang kamay ko sa isang matigas na bagay. Bulsa ng pantalon na yata niya ito. Dinakot ng kamay ko ang matigas na bagay na iyon. Kinapa ko pa dahil parang ang cellphone ko o wallet nito ang nakakapa ko.
'Hmmm... bakit parang hindi naman cellphone o wallet ang nakakapa ko? Kinapa ko pa talaga ulit at pinisil pisil iyon sa ibabaw ng pantalon nito. Matigas at mediyo mainit pa. Baka nag init na ang cellphone ko sa bulsa nito. Hinaplos haplos ko pa kung anong hugis yung nakakapa ko.
Pinalo na ng katabi kong lalaki ang kamay ko ng akmang lalamasin ko na naman ang nakapa kong matigas.
"Fvck! What are you doing ha?!" bulong nitong parang nahihirapan pa huminga.
"Kinukuha ko lang ang cellphone ko." sagot ko.
"Cellphone ba o ang oten ko ang kinukuha mo? Do you miss my oten ha?" bulong nito.
"Cellphone ang nakakapa ko. Siraulo ka!"
"Oten ko ang nilalamas mo. Yang kamay mo walang alam sa mga hugis makamanyak lang." bulong ulit nito sakin.
"Wag kang bastos." napalakas yata ang boses ko.
"Ang ingay naman Ate eh." reklamo ni Serenity.
"Ang kuya mo kasi kinuha ang cellphone ko." sumbong ko naman.
"Hayaan mo muna. Manood na lang muna tayo Ate." sagot naman nito habang nakatutok ang paningin sa harapan.
Ngumuso akong humarap ulit sa pinapanood namin. Magpokos na muna ako dito sa pinapanood namin. Mamaya ka lang sakin Gardo ka! Tatamaan ka sakin. Gigil na inis ko sa isipan ko.
Natapos din sa wakas ang pinapanood namin. Alas diyes ng gabi natapos ang palabas. Kaya may time pa kami na maglakad lakad sa Mall.
****
Nagutom kami paglabas ng sinehan. Dahil wala man lang nakaisip na bumili ng popcorn at soft drink kanina.
Kakain sana kami dito pero pasara na ang mga restaurant at mga stall sa loob. Kaya naisipan naming sa labas na lang kami kumain. Habang palabas na kami ng Mall ay may biglang humila kay Serenity. Napasigaw ito sa gulat. Ako naman tumakbo kaagad sa tabi ni Serenity.
"Tangina ka!" suntok at tadyak agad ang ginawa ko sa lalaking nakabonet. Hindi nito alam na kasama ko si Serenity. Nakaiwas ako sa pananadyak nito sakin habang hila nito si Serenity.
"Ate!" malakas na sigaw ni Serenity.
"Tangina kang babae!" sigaw nito sakin.
Pero agad ko itong sinuntok sa tagiliran nito. Dapat pokos Nina, wag ka matakot at papasindak alaga mo na ang kinukuha nila. Sabi ko pa sa isipan ko. Suntok ulit sa mukha ang ginawa ko. Kahit masakit sa kamay dahil ang tigas ng mukha nito ay ayos lang. Basta para sa alaga ko ibubuhos ko lahat ng makakaya ko. Mailigtas ko lang ang alaga ko sa masamang tao.
Nabitawan niya si Serenity dahil sa paniniko din ni Serenity sa lalaki. Agad ko naman hinala palayo ang alaga ko. Nakita kong nakikipaglaban na si Gardo sa mga kaaway na gustong kunin si Serenity.
"Takbo Serenity." malakas kong sabi. Napasigaw kaming dalawa ng may nagpaputok na.
Marami din ang mga taong nagsigawan agad nagtakbuhan na palabas ng Mall. Sana walang madamay na inosenting mga tao.
Agad kaming dinaluhan ni Gardo at iginiya sa safe na lugar. Dito kami sa gilid at nagtatago sa pader. Sunod-sunod na ang barilan. Natatakot man ako ay kinakaya ko na lang para sa alaga ko.
"Ayos lang kayo? Hindi kayo nasaktan?" nag aalalang tanong ni Gardo. Sabay pa kaming tumango ni Serenity.
"Ouch fvck!" mura ni Gardo. Natamaan ito ng bala ng baril.
Kita kong may dugo na sa braso nito. Lagi na lang braso nito ang natatamaan. Baka mamaya matanggal na dahil sa tadtad sa bala. Kawawa naman ang braso nito iisa na lang ang gagamitin kapag minasahe ang dede ko. Mahalay ka talagang utak ka! Boyset!
"May tama ka Gardo. Magtago ka dito. Ayos ka lang ha? Kaya mo pa ba? Wag kang mamamatay dahil kailangan pa kita este, kailangan ka pa namin ni Serenity. Lakasan mo ang loob mo." daldal ko na. Dahil nag aalala din naman ako sakanya. Nakita kong tipid ito ngumiti sakin.
"Boss ayos lang kayo?" tanong ng isang lalaki. Ito yata yung tauhan nila Serenity.
"Boss, dito tayo dumaan nakaabang na ang sasakyan sa labas ng Mall. Dito tayo dadaan para sa kaligtasan niyo boss."
May tatlo pang mga lalaki ang nag escort sa amin palabas ng Mall. Nakayuko lang kami para hindi kami makita.
"Dapa!" sigaw ng mga kasamahan naming mga lalaki. Agad kaming dumapa.
"Gumapang kayo Nina at Serenity, para makaalis tayo dito sa loob." utos ni Gardo kaya pagapang na kaming umaalis doon. Habang ang mga kasamahan namin ay nakipagpalitan ng putok ng baril. Natumba ang Isa naming taga pagligtas. Nagulat pa kami akala ko patay na. Pero bumango parin at nakipagbarilan.
"Bilisan niyong gumapang malapit na sila sa atin." sigaw ng lalaki. Habang si Gardo naman ay nakikipag palitan din ng putok ng baril sa mga kalaban. Habang naka agapay samin ni Serenity. Mailigtas lang niya kami.
"Kaya mo pa ba ha Serenity. Makakaalis din tayo dito tiwala lang. Hindi ka namin pababayaan." nag aalala kong sabi kay Serenity.
"I'm okay Ate." sagot nito.
"Tumayo na kayo. Bilisan ang paglalakad dali. Wag na lumingon. Dali takbo!" sigaw ni Gardo samin ni Serenity.
Patakbo na kaming lumabas sa exit ng Mall. Kahit nanginginig pa ang katawan ko sa takot kinaya ko. May sasakyan na doon sa labas nakaabang.
"Ma'am Serenity, ma'am Nina pasok dali." sigaw ng lalaking madalas na kasama ni Gardo sa lahat ng oras.
Napasigaw na ulit kami ng paulanan nila ng bala ang kinaroroonan naming sasakyan. Nagyakapan kami ni Serenity sa loob ng sasakyan. Nanginginig ang katawan naming dalawa sa takot. Kaya ko 'to God kailangan kong maging matatag at matibay para kay Serenity.
Umandar na ang sasakyan at wala pa sa loob si Gardo. Nag aalala ako sa kanya baka mapuruhan siya.
"Manong si Gardo bakit wala siya dito sa loob. Ayos lang ba siya ha? Bakit hindi mo hinintay na makapasok muna siya dito? Bakit mo iniwan?!" sigaw ko na.
"Kailangan ko daw na i-uwi na kayong dalawa para sa kaligtasan niyo. Wag po kayong mag aalala ma'am nasa kabilang sasakyan po siya. Nakasunod sa atin para hindi tayo masundan ng mga kalaban. Relax lang po kayo ma'am." sagot naman nito agad.
"Okay! Galingan mong mag drive para safe kaming makauwi ng alaga ko. Pukos na sa pagda-drive." sabi ko na lang.
"Yes ma'am."
Hindi na ako umimik pa. Nakahinga din kami ni Serenity ng maayos dahil pakiramdam namin safe na kami. Salamat din dahil may harang ang sasakyan namin hindi pumapasok ang bala sa loob. Ang galing naman na sasakyan ito. Puri ko pa dahil nakalimutan ko na ang tawag sa sasakyan na ganito.
Nakahinga kami ng tuluyan ng alaga ko ng makapasok na kami sa exclusive subdivision kung saan kami nakatira.
"We are safe now baby ko." yakap ko pa kay Serenity. Tumango lang ito at yumakap sakin.
Paglabas namin ng sasakyan ay nasa labas ng Bahay ang Daddy nito. Kita ko ang pag aalala sa mukha nito. Baka naitawag nila agad dito at naghingi sila ng back up. Pero ng tumingin si Serenity sa kaniya ay binago agad nito ang expression ng mukha.
"Good Evening po Sir." bati ko agad sa Daddy ni Serenity. Tumango lang naman ito at bumaling kay Serenity.
"Starting tonight, I won't allow you to go out, specially at night. Naiintindihan mo ba ako Serenity? Alam mong bata ka palang may banta na ang Buhay mo. Sana hindi mo iyan nakakalimutan." sermon ng Daddy nito.
"Pasensiya na po." sagot naman ni Serenity.
"And Nina." Napatayo ako ng maayos at napatingin sa daddy ni Serenity. God sana wag na muna niya ako sesantihin.
"Hindi lahat ng gusto ng alaga mo ay sasang-ayon ka. Alam mo dapat ang nakakasama o nakakabuti sa alaga mo. Especially ang paglabas labas niyo dito sa Bahay. Kahit marami pa kayong bodyguard kung natangay ang alaga mo maililigtas niyo pa ba siya." sermon din nito sakin.
"Pasensiya na po sir. I-memories ko pa yan Sir." sagot ko naman.
"Ang kapakanan mo lang ang inaalala ko Serenity at sana makinig ka kahit sa akin man lang. Naiintindihan mo ba?!"
"Yes po." sagot naman ni Serenity.
"Magpahinga na kayo." sabi ng Daddy ni Serenity at iniwan na niya kami dito. Hindi man lang tinanong kung kumusta si Serenity or nasaktan ba.
Inakay ko naman na ito agad patungong bahay ng mga kasambahay. Maganda at malinis din ang Bahay ng mga kasambahay dito. Second floor din iyon. Mga lalaki Ang sa second floor at babae naman dito sa baba.
Tinawagan namin si Gardo kung nasaan na. At ang sabi ay nasa hospital daw. Sinabi nitong safe siya kaya nakahinga kami ng maluwag ni Serenity.