Chapter 20

2053 Words
Chapter 20 Nina Pov Nagtampo na naman ang alaga ko sa mga parents nito. Kaya heto pupunta kaming mausoleum ng Papa nito. Mag-eemot na naman doon. Dadaan na muna kami sa favorite nitong flower shop. May naging ka-close na din kami doon na tindera. Maganda ito at palakaibigan din. "Ano na naman bang problema Serenity?" tanong ni Gardo. "Ewan ko kay Mommy, baka nagsumbong na naman 'yung bakla kong kapatid. Ayon naniwala naman agad ang Mommy kong alien. I hate it. I want my Papa." sabi pa nito. Hinaplos ko naman ang likod nito. "Kahit kailan talaga ang Mommy mo para siyang manananggal. Galit na galit at parang gusto manipsip ng dugo. Ay nakakatakot." sabi ko pa. "Ikaw lang ang natakot." sabi naman ni Gardo. Umirap lang ako. May naalala na naman ako. Bwesit siya kapag ako nabuntis sa ginagawa niya. Ewan ko na lang talaga. Ang hirap niyang iwasan kahit ayaw ko pero gusto ng puso't katawan ko. Napakalandi dios ko day naman. Noong una lihim akong bumili ng pills para hindi ako mabuntis. Mahirap na baka palayasin pa ako ni Mama sa bahay. Pero nakalimutan kong uminom ng dalawang beses na. Pwede ko naman siguro ituloy ulit mayang gabi ang pag inom. Niregla pa naman ako kaya thanks God. Hindi talaga pwedeng mabuntis ako. Pakiramdam ko napakadilekado ang buhay ng lalaking ito. Palaging may masamang nangyayari kapag kasama ko ito. Paano na lang kami ng baby ko kung sakali. Pagdating namin sa flower shop ay hindi namin nakita si Yanna. Palinga-linga pa ako. "Si Yanna, wala siya?" tanong ko sa isang plorisa. "Ay nag resign na po ma'am. Hindi siguro niya kinaya yung pinapakalat nilang chismis dito tungkol sa kanya. Kawawa naman mukhang wala pa naman iyon kamag-anak dito." sagot ng Isa. "Dapat lang naman iyon sa kanya. Malandi naman talaga siya!" sabi naman ng Isa pa. "Paano mo nasabing malandi eh wala naman siyang nilalandi dito na trabahador." "Pinsan na niya mismo nagsabi na nag-uuwi iyon ng lalaki sa apartment ng pinsan niya." "Hindi ba't sabi ni Yanna na boyfriend ng pinsan niya ang inuuwi doon sa apartment nila. Ang pinsan nito ang nag uuwi ng lalaki hindi si Yanna. Inggit lang kayo sa kanya kaya niyo sinisiraan sa lahat." "Kita naman sa itsura niya malandi lalo na sa mga pag intertain sa mga bumibili dito. Akala mo maganda siya." patutsada ng isa pa. "Hoy mga hinayupak kayong mga babae!" malakas kong sigaw sa kanila. Nagulat pa sila sa pag sisigaw ko. Pati si Gardo at Serenity nagulat. "Nagtatanong lang ako kung nasaan si Yanna. Hindi ko sinabing ipahiya niyo siya sa harapan namin! Kababae niyong tao makachismis kayo sa kapwa niyo babae wagas. Kayo, Ikaw, ikaw, ikaw at ikaw na malandi na pumupuna sa muta ng iba. Nakita kita, Ikaw din at ikaw pa. Yung isa nakalingkis sa isang lalaki sa Mall. Yung isa nakikipaghalikan sa public na lugar. Ikaw oo ikaw pahaplos haplos ka sa Isang trabahador dito eh, nakita kita may kasama kang ibang lalaki sa daan holding hands while walking. Ang kakapal niyo ano?!" "Ate ano ka ba." awat sakin ni Serenity. "Ang kakapal ng mukha niyong mam-bash ng kapwa niyo babae. Parang hindi kayo babae ah. Baka nga mas masahol pa kayo sa makati na higad. Imbes na ipagtanggol niyo ang kapwa niyo babae eh, kayo pa mismo ang ng hahamak sa ibang mga kababaihan. Hipokrita kayo! Dapat mga lalaki ang kaaway dito hindi ang mga kapwa babae. Dahil ang mga lalaki kapag mahal nila ang isang babae hindi na sila titingin pa sa iba. Hindi na sila titikim ng ibang babae kung may mga girlfriend at asawa na sila. Dapat hindi na sila nambababae dah----" "Shut up! Ang ingay mo na naman." sabay hila sakin ni Gardo habang takip nito ang bunganga ko. "Yung bulaklak po na dating ino-order po namin dito. Parker family po. Nabayaran na din po namin." rinig kong sabi naman ni Serenity. "Bwesit ka! Bakit natatamaan ka ba? Akala mo ba hindi ko alam na kung sino-sinong hinayupak na babae din ang mga ginagalaw mo! Isinama mo pa ako sa kamanyakan mo! Kapag ako nakakuha ng virus mula sayo igigisa ko yang oten mo!" hampas ko sa dibdib nito. Pumasok na ako agad sa loob ng sasakyan ng makita kong papalapit na si Serenity dito. Alam ko na wala akong karapatan na magselos. Pero kung hindi niya ako pinapakitaan ng kabutihan, wala sana ganito akong nararamdaman sa kanya. Hindi ko dapat ito maramdaman. Hindi dapat ako nakakaramdam ng kilig at saya. Hindi ko dapat maramdaman ang oten nito na kilig na kilig kapag pumapasok sakin. Hindi ko dapat siya nahahawakan at hinahalikan. Bwesit iba na naman ang pinupuntahan ng utak ko. Naging manyak na ang utak ko dahil sa gagong ito. "Bwesit!" gigil kong sambit. Sabay pa silang napatingin sakin. Hindi ko naman sila pinansin. Tahimik ako habang patungo kaming cemetery. Ramdam ko na panaka naka tumitingin sakin si Gardo, mula sa salamin saa harapan nito. Habang si Serenity naman nakayakap sa bulaklak na favorite ng Papa niya. "Ate totoo ba ang mga sinabi mo sa mga nagtitinda ng mga bulaklak doon?" tanong ng alaga ko. "Hindi ang totoo lang doon ay ang Isa nahumaplos sa trabahador nila. Pero kung magulat sila wagas so Ibig lang sabihin ay totoo ang sinabi ko." "Wag kana makipag away ha." sabi pa nito. Tipid akong ngumiti at hinaplos ang ulo ng alaga ko. **** Sumimangot ako ng basta na lang lumabas ang alaga ko at hindi man lang kinuha ang mga gamit niya. Nako, makukurot talaga kita sa singit na bata ka! "Ako na ang kukuha sa mga ito." sabi nito sa tabi ko. "E' di ikaw na. Iwasan mo na din akong lapit lapitan at hawak hawakan, dahil hindi ko deserve ang ganitong treatment mula sayo. Alam ko sa sarili ko na hindi ako pokpok, wala lang ako magawa dahil babae lang din ako. Kahit gaano ko pa ipilit na wag bumigay pero marupok ang katawan ko. Kaya sana tigilan mo na ako. Respeto na lang din sana sakin." seryoso kong sabi. Aalis na sana ako ng pigilan niya ako. Nagulat pa ako ng yakapin niya ako ng mahigpit. "I love you." bulong nito sakin. "I really do love you." Hindi ako makagalaw sa sinabi nito. What? Mahal niya ako? Weee di nga? Totoo kaya? Kinilig ang puso at katawan ko pero agad akong humiwalay sa kanya. "Sinungaling!" Sumunod na ako kay Serenity sa loob habang dala ko ang ilan sa dala namin. Aaminin kong kinilig ako. Sino bang hindi kikiligin e, nag iloveyou na siya sakin. Goodness bukaka to the max na ba ito gabi-gabi. Hello oten na naman ba? Bwesit na utak talaga. Iiling iling akong pumasok na sa loob ng mausoleum. Naglilinis na ako habang si Serenity naman naka dapa na naman sa nitso ng Papa niya. Maya't maya ay nakita ko itong sumimangot. "Bakit?" usisa ko. "Nakalimutan ko yung dala ko. And'on pa naman ang gamit ko naiwan ko sa kwarto ko Ate. Hindi ko nadala dito." nguso nito. "Nandito iniwan mo kaya sa loob ng sasakyan. Basta ka na lang kasi tumakbo papasok dito. Hindi mo alam na madami kaming bitbit na baon." "Talaga? Nasaan?" "Nandito." sabay abot ni Gardo. "Salamat sainyong dalawa. The best talaga kayo. Sana mag-asawa na kayong dalawa." hagikhik nito. Hindi ako nag react. Hindi ko ito pinansin at naglinis na ulit. Kaya lumabas na muna ito napasunod naman ang tingin ko paglabas niya dito sa loob. Sumimangot ako ng makita kong naninigarilyo na naman. Napalingon ito sa gawi ko. Kunwari hindi ko siya nakita. Turn off sakin ang paninigarilyo nito. Pero meron talagang tao na gustong gusto nilang manigarilyo. Isa na ang gagong ito. **** Sa sariling kwarto nito natulog ang alaga ko. May importante dahil siyang gagawin na siya lang ang nakakaalam. Sumang-ayon ako dahil kapag nandito ito sa kwarto ko lagi kaming puyat. Magdamag na nanonood ng pelikula. "Hayyy!" malalim kong buntonghininga sabay higa sa kama. Kada bakasyon ko sa probinsya namin tinatanong kung kelan ako mag-aasawa. Kelan ako magpapa long table daw. Bakit hindi ko pa daw sagutin ang matagal ko ng manliligaw. Hindi na pwede itong manligaw ko dahil may Gardo na ako. Hindi ko alam ang dahilan pero habang tumatagal ang samahan namin doon ko nakikilala lalo ang ugali at pagkatao nito. Umiwas man ako sakanya ay huli na dahil nabihag na niya ang madaldal kung puso. Kada t***k nito Gardo ang binibigkas. Napabalikwas ako ng makita kong bumukas ang pintuan. Syempre hindi na ako nagulat ng makita ko si Gardo sa pinto. Siya lang naman ang mahilig mag tresspassing dito sa kwarto ko eh. "Ano na naman ba ang ginagawa mo dito?" simangot ko. Kahit gustong gusto naman ng puso ko na nandito ito dito. "Of course, it's date time in bed. And I want you, my Ninja." sumampa na agad ito sa kama ko. "Ano ba! Narinig mo naman ang sinabi ko kanina hindi ba? Hindi ako pokpok na basta mo na lang ako gagalawin. Hindi kita boyfriend, hindi rin manliligaw ano na lang ang sasabihin ng mga kasamahan ko dito dahil sa ginagawa mo sakin." "I already said that I love you. I mean it. I really do love you." Sinapo nito ang magkabila kong pisngi. Hinalikan nito ang noo ko. Akala ko pa naman sa labi ko. May papikit pa akong nalalaman. Hindi ko na lang pinahalata na na-disappointed ako na hindi labi ko ang hinalikan nito. "Paanong mahal mo ako?" tanong ko pa. "Hindi ako lapit ng lapit sa'yo kung hindi kita mahal. Hindi ako mag aaksaya ng oras kung hindi kita mahal. Hindi kita hahalikan, yayakapin, pupuntahan dito sa kwarto mo kung hindi kita mahal. Mahal kita sabi ng puso ko. Sinasabi ko ito dahil gusto ko malaman mo. Sinasabi ko ito dahil napakamanhid mo. Para mawala na din lahat ang mga kachat mong lalaki. Nandito na nga ako nakatalik mo na din tapos naghahanap ka pa ng iba. Ayaw mo ba sakin?" malamlam ang mga matang nakatitig ito sakin. Ang gwapo pala talaga nito lalo na sa malapitan. Ang ganda pala talaga ang mga mata nito. Ang tangos ng ilong at ang sarap ng labi niya. Bagay sa kanya ang may buhok sa panga lalaking lalaki. Hindi ko din maiwasan na hindi ito titigan. "Gusto. Mas guwapo ka pa sa mga manliligaw ko eh. Kaya lang bwesit ka at manyak pa. Hmp!" tinanggal ko na ang pagkakahawak nito sa mukha ko. Ngumiti naman ito sakin. "Do you love me too?" tanong ulit nito. "Oo, syempre ano pa nga ba ang isasagot ko?" natigilan ako. Nahiya ako bigla kaya agad akong dumapa sa kama. Natatawa naman itong dumagan sakin. "Wag mo akong daganan. Umalis kana dito pagod ako." sita ko. "Nakakahalata na ang mga kasamahan ko sa ginagawa mo. Ayokong pagchismisan nila ako dito. Baka mapapaaway lang ako." "Alam na nilang girlfriend kita. At sinabi ko na dito ako natutulog minsan. Next time wag ka ng gagamit ng pills, I want to have a baby from you. Kapag nasa lagpas kalendaryo kana mahihirapan ka ng mag kaanak pa. Stop using any pills from now on. Naiintindihan mo ba ako?" "Paano mo alam na nagpi-pills ako?" taka kong tanong. "I have my way. Kaya kapag ako sinuway mo alam mo na ang mangyayari sayo." "Bakit mo ako pinagbabantaan ha? Eh, sa ayoko pa mag kaanak. Lalo na kapag ganito ang sitwasyon ko. Wala tayong label para buntisin mo ako." "Pakakasalan kita. Ang kulit mo girlfriend na kita at boyfriend mo na ako. May label na tayo. Sinabi ko na din na buntis ka sa mga kasamahan mo dito. Kaya wala kang karapatan na tumanggi. It's fix and all done by me. Para legal ang tingin nila satin kahit labas masok ako dito sa kwarto mo. At labas masok ako sa lagusan mo. God I want you my Ninja." landi pa nito sakin. Nagugulat at napapanganga ako sa mga sinasabi nito. Siraulo. Planado kaya niya ito lahat. Ang pikutin ako. Buntis daw ako? Boyfriend ko na siya? Pakakasalan daw niya ako? Anong nangyayari sa lalaking ito? Magtatanong na sana ako ng ipatihaya niya ako. Agad niya akong hinalikan sa labi. Masuyo at may pag-iingat, marahan ang paggalaw ng labi nito na parang sinusuyo ako. Dahil marupok ang katawan ko bumigay na naman ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD