Chapter 21
Gardo Pov
Nandito ako ngayon sa mansion nila parents ko. Matagal na akong nakabukod sa kanila. Si Kuya ang nakatira dito with his family. Si bunso may sarili na din na bahay kasama ang sarili niyang pamilya. Ako na lang ang wala pang sariling pamilya, oh well malapit na akong magkaroon ng sarili kong pamilya. Tyaga lang muna ako ngayon.
"Mabuti naman at naisipan mo pang umuwi ano Gardo?" bungad sakin ni Mommy, ng pumasok ako sa hapagkainan.
"Mabibingi ako sa'yo Mom, kapag nandito ako palagi. Good day everyone." bati ko pa sa mga nasa hapagkainan na.
"Kelan mo maisipang lumagay na din sa tahimik na buhay ha?" heto na naman si Mommy.
"Darating din tayo diyan Mommy. Magdaldal ka na naman kararating ko lang Mommy." reklamo ko.
Narinig ko naman na mahinang natawa si Kuya. Ako lang yata sa magkakapatid ang may hilig sa marahas na trabaho. Businessman kasi ang mga ito na kagaya ni Daddy. Ako yata ang nagmana kay Lolo, mahilig sa barilan at awayan.
"Hello mga kids." bati ko sa dalawang anak ni Kuya. Lumapit ako at kinintalan sila ng halik sa ulo nila. Gan'on din ang ginawa ko sa isang anak ng bunso kong kapatid.
"Why did you just come home now, Tito, you haven't been coming home for a long time. I thought you had forgotten us Tito. It's good that you still memorize the way to go here." daldal ng bunso ni Kuya.
"You inherited from your Lola, madaldal kayo pareho." natatawa kong sabi.
"That's should be Tito, it's not fair that my Lola, the only one who talks a lot Tito. My grandma talks the same thing she is like a parrot now. Opppsss just kidding grandma, love you." humalakhak naman kami sa sinabi ng apo nito.
Paano na lang din kapag may anak na kami ni Nina, baka ganito din kadaldal. Madaldal na nga ang lola madaldal pa ang magiging asawa ko, pati ba naman magiging anak ko madaldal din. Oh Jesus. Sira ang eardrum ko nito.
"Don't say that to grandma, Gecia." suway ng kuya nito.
"I already said it and I said just kidding Kuya." sagot naman ng bunso.
"Hindi talaga maganda Kuya na dito kayo tumira kina Mommy. Maiingayan kayo sa pagtatalak niya araw-araw. Nagagaya na din ng mga bata. Bad influence iyon sa kanila." Turan ko.
"Stress na din ang kasambahay dito dahil kay Mommy." sabi ng bunso naming kapatid.
"Baka nga may aalis na naman dahil sa pagbubunganga ni Mommy. Masipag naman ang mga kasambahay kung bakit magbubunganga pa siya araw-araw. Baka nga mamaya kami na ang susunod na aalis eh." sabi naman ni Kuya.
"Hindi pa kasi magbago si Mommy, baka mamaya si Daddy na ang aalis ng bahay. " sabi ko naman. Naiiling na natatawa naman si Daddy.
"Tigilan niyo akong mga bata kayo. Hindi niyo ako naiintindihan dahil lahat kayo wala dito sa bahay. Sapilitan pa para lang mabuo tayo sa hapagkainan. Hindi niyo ako masisisi kung nagngangawa ako dito sa bahay. Dahil wala naman akong ibang kausap kundi ang mga kasambahay."
"Kausap mo din ako lola palagi kapag uwi ko sa school eh. Hindi ka naman po nag iisa. Marami parin po kayong kasama dito. Magdramatic na naman si Lola eh." singit ng anak ni Kuya na bunso.
"We always visit naman here Lola every weekend, you are not alone po."sagot din ng anak ng kapatid ko na bunso.
Gusto ko na din talaga ang magka-anak. Kung bakit kasi gumagamit pa ng pills si Nina. Kaya ko naman siyang buhayin kasama ang magiging anak namin eh. Sana magustuhan siya ni Mommy at Daddy.
Bakit kaya wala dito ang ampon ni Mommy? I honestly don't like that woman. Bakit pa kasi nag-ampon si Mommy eh, meron naman na kaming mga anak niya. Kakaiba ang nararamdaman ko sa babaeng iyon. Parang may something na ginagawang kababalaghan. Very suspicious.
"Hayaan niyo na ang Lola niyo mga apo ko. Madrama lang talaga siya, madramang madaldal." sabi naman ni Daddy, humagikhik naman ang mga bata.
Tatlo na ang pamangkin ko. At ngayon buntis ang asawa ng bunso kong kapatid sa pangalawa nilang anak. Sana buntis na din si Nina, how I wish. Tatlong buwan na simula ngayon kaya nagbibilang na din ako ng araw. Baka buntis na ito, excited lang ako.
Wala naman okasyon dito naisipan ko lang na umuwi. Nakipag laro sa mga bata at nanood ng movie with them. Sa hapon din na iyon ay umalis na ako dahil dadaan pa ako sa headquarter namin.
****
"Himala naligaw ka yata Boss, hindi ka ba nilagnat at naisipan mong dumaan dito?" biro ni Josh.
"Gago!" natatawa kong sabi.
"Anong balita dito?" tanong ko pa.
"Wala pero ang balita tungkol sayo meron."
"Anong balita tungkol sakin?"
"Kaya pala lagi kang wala dito dahil lagi kang nakapugad sa kinababaliwan mong babae. Namisa na ba siya or you still hatching her para magkababy na kayo?" mapanuring tingin ang ginawad sakin.
"Gago ginawa mo pa siyang inahin na manok. Mind your own business, dude!" sagot ko naman.
"Who is she?"
"Why you ask?"
"Parang hindi naman tayo magkakilala niyan. Naglilihim kana samin."
"True. Simula nakatikim ng fresh mussel nabaliw na siya. Hindi na siya nakaalala pa na may mga mission siya na dapat gampanan." singit ng Isa ko pang kaibigan.
"Leave her alone okay!"
"Ay wow, possessive ang gago!" nagkatawanan ang mga ito.
"Where's Zap, and Nep." tanong ko.
"Zap is in America again. Sinundan ang Girlfriend."
"Girlfriend? Kelan pa nagka-girlfriend ang gagong bakla na iyon?" singit ni Josh.
"Eh, alam mo naman na head over heels in love with that woman. Kapag may pagkakataon sinusundan niya ang babaeng iyon kapag mag ibang bansa. Girlfriend na daw niya at gan'on lang din naman daw sa bandang huli."
"Parang Ikaw lang din diba, Gardo? Kahit wala pang kayo, girlfriend mo na din ang pinipisahan mo ngayon?" natatawang sabi ni Josh.
"Gago! Siraulo! Inggetero, chismoso, palibhasa walang nagkakagusto sayo. Juts ka naman kasi. Walang sarap sa katawan hindi pa masarap." pang iinis ko.
"Tarantado ka!" natatawang suntok nito sakin.
Papasok pa lang kami sa opisina naming lima ng makatanggap ako ng tawag mula kay Serenity. Kaya agad kong sinagot ang tawag nito.
"Yes Serenity?"
"Kuya, si ate Nina tinakbo namin sa hospital. Nan---"
"What happen to her?" nataranta na ako. "Oh sh!t! Pupunta na ako." agad kong pinatay ang tawag.
"I'm leaving. May emergency lang babalik ako bukas. Bye!" hindi ko na sila pinansin pa at agad ng umalis sa headquarter.
Hindi ko na din pinakinggan ang pagreklamo nilang dalawa. Patakbo na akong lumapit sa sasakyan ko. Paharurot na akong nagdrive paalis.
Pagdating ko sa hospital ay agad kong hinanap si Serenity. Tinawagan ko ito dahil naliligaw yata ako dito sa loob ng hospital. Fvck mura ko pa.
Tangina sa ground floor lang pala sila. Bakit nakarating agad ako dito sa third floor, ganito ba ako kabilis tumakbo sa hagdan ng hindi muna inaalam kung saan banda siya naka-confine. Kaya nag elevator na ako pababa. Pagkarating ko doon ay nakita ko na si Serenity at si Manang Mely.
"What happen to her?" tanong ko agad sabay lingon sa nakatulog na dalaga sa hospital bed.
"Basta na lang daw siya nahimatay kanina." sagot ni Manang Mely.
"Kumusta ang lagay niya? Ano ba ang ginawa niya at nahimatay? Hindi ba nauntog ang ulo sa sahig?" usisa ko pa.
"Naagapan naman ni Nanay Cora, daw kanina. Sinuri siya ng doctor kanina. Wait na lang yung resulta." sabi naman ni Serenity na kanina pa nag aalala sa Ate niya.
Magtatanong pa sana ako ng bumukas ang pinto.
"Ano pong resulta doc?" agad kong tanong. Hindi pa ito nakakalapit dito.
"Ikaw ba ang asawa ng dalagang ito?" sabay tingin kay Nina.
"Girlfriend." sagot ko. Tumango naman ang doctor.
"She is 10weeks pregnant." anunsyo ng doctor.
Napanganga ako sa pagkamangha. Pangarap ko lang na sana magka-anak na kami. Here I am Daddy na ako. Sh!t gusto kong magwala sa saya.
"Whooah. Really? She's pregnant? God tatay na ako." masaya kong bulalas.
"Siguraduhin mo lang Kuya na tanggap ka ni Ate na tatay ng anak niya." biro ni Serenity. Tumawa naman ang doctor at si Manang Mely.
"Tanggap man ako o hindi hindi parin maalis sakin na tatay na ako. Don't destroy my happiness serenity." sagot ko naman agad.
"Girlfriend mo na siya? Eh, ayaw niya kayang aminin sakin na boyfriend kana niya. Ikaw lang yata ang nag-imbento na may relasyon kayo eh." sabi pa nito.
"Syempre pakipot ang Ate mo. Gusto niya laging sinusuyo, ginagapang ayon bumigay din naman sakin." sagot ko.
"Parang pinilit mo lang. Pero alam ko naman na may pagtingin din sa'yo si Nina. Boto nga kaming lahat sainyong dalawa eh." sabi naman ni Manang Mely.
"See, Ikaw lang at si Nina ang di boto sakin. No matter what, may anak na kami and soon pakakasalan ko na siya sa ayaw man o sa gusto niya." seryoso kong sambit.
"Wag mo ng sirain ang masayang balita na ito para sakin. Baka magtampo pa ang baby sa loob ng tiyan ni Nina." awat ko na sa sasabihin pa nito.
Madaming bilin ang doctor may mga gamot at vitamins na binigay para sa mag-ina ko. Bago umalis na. Gossh. Ang sarap sa pakiramdam na magiging tatay na ako. God finally. Aalagaan ko ng mabuti ang mag-ina ko sa abot ng makakaya ko.
"Oo na. Sana lang hindi ako itchepwera sa pamilya na binuo niyo Kuya. Ngayon pa lang nalulungkot na ako."
"Dapat masaya ka hindi yung nagda-drama ka. Hindi ka ba masaya samin ng Ate Nina mo? You should know that you are belong to us. Parti ka na sa buhay namin ni Nina kaya hindi pwedeng hindi ka namin kasama sa pamilyang binubuo namin ni Nina. Stop the drama okay." alo ko sa dalagang ito.
"Nandito pa naman kami na nagmamahal sayo Vivi. Marami kaming nagmamahal sa'yo. Kaya wag na magdrama magsaya na lang tayo dahil magkakababy na si Nina at Gardo."
"Baby? Buntis ako?" bulalas ni Nina na siyang nagpagulat saming tatlo.
"Dahan-dahan lang sa pagbangon at pagsigaw Nina. Mahina ang kapit ni baby sa tiyan mo." agad na inalalayan ni Manang Mely si Nina sa pag-upo.
Pwede naman na daw itong umuwi pagkagising niya. Pero mukhang magwawala pa naman kaya mamaya na lang baka makunan pa. Hayzt!
"10 weeks ka ng buntis Ate Nina. Congratulations sainyo ni Kuya Gardo. Masaya ako para sainyong dalawa." lumapit na din si Serenity at niyakap ang Ate Nina niya.
"Talaga?" sabay tingin nito sakin. Ngumiti naman ako sa kanya.
"Kaya ingatan mo ang sarili mo para sa bata. Don't worry I'm here for you. Sasamahan kita sa lahat ng paghihirap mo maging healthy lang si baby paglabas." sabi ko naman.
"Problema na naman ito sa parents ko. Ano na lang ang sasabihin nila sakin? Pariwara na anak dahil nagpabuntis na hindi pa kasal. Sinabi ko naman na sa iyong very conservative ang mga magulang ko. Hindi lang ako mapapalo sa pwet nito, makukurot pa ako sa singit." maktol nito.
Natawa kaming tatlo.
"Bukas na bukas din pakakasalan na kita. Kapag malapit kana manganak papupuntahin mo dito ang parents mo. Para makilala ko din sila. At maipakilala ko din sila sa parents ko."
"Ang bilis naman yata. Saan tayo magpakasal sa kama ulit?" bulalas pa nito.
Natawa na naman kami. Kahit kailan talaga ang babaeng ito.
"Okay ka na ba? Hindi kana nahihilo, o nasusuka? Sabi ng doctor pwede na tayong umuwi. May bahay na tayong matitirhan malapit lang dito sa mansion. Pero sabi ni Kuya Samuel, I mean Sir Samuel pwede parin daw tayong mamalagi sa mansion nila. You can choose Nina kung saan mo gusto tumira." pag iiba ko sa usapan.
"Kahit saan basta safe kami ng baby ko." sagot nito.
"Okay."
Inalalayan ko na itong bumaba sa kama. Inutusan ko si Manang Mely na magbayad na sa counter.