Chapter 22
Nina Pov
Tinutoo nga niya ang sinabi nito kahapon sa akin. Gusto ko na lang ulit mahimatay baka sakaling nananaginip lang ako. At heto pa may regalo ang mag-asawa sa amin ni Gardo na bahay.
Double celebration daw pa-blessing ng bahay at kasal namin na dalawa. Bakit naman agad-agad? Kahit sana simple lang kung nandito din ang mga magulang ko, mas masaya pa sana. Pero wala din ang mga magulang ni Gardo, kaya patas lang. Mga kasambahay lang kasama namin at ilan sa mga kaibigan ni Gardo.
Hindi naman nito kailangan na magmadali. Kahit kailan talaga ang gagong ito nakakainis. Parang kabute na kapag may maisipan ay gagawin agad. Kagaya na lang kapag gusto niyang magdede sa akin, hindi pa nga ako naka-oo, naka-supsop na sa u***g ko. Ay dios ko lang talaga. Ang bilis naman na ikakasal na kami.
"Uy, Gardo, hindi pa naman ako nag-i love you sa'yo ah. Bakit mo ako pinapakasalan agad?" bulong ko.
"Dahil sabi mo nga kahapon baka mapalo ka sa puwet at makurot sa singit ng nanay mo. Ako lang dapat ang pumalo sa puwet mo at sumipsip sa singit mo." Malandi nitong bulong din sa akin.
"Ay bwesit ka, bastos!" Sabay hampas ko sa kanya.
Natatawa naman itong inakbayan niya ako. Nagulat pa ako ng may tumikhim sa harapan. Nandito na pala si Father.
"Sigurado ka bang Pari itong magkakasal sa'tin ha? Parang pinulot mo lang kasi sa kangkongan. Pinaglalaruan mo lang ba ako ha?" bulong ko ulit ng hindi ako makatiis.
"Sorry po father, maingay lang talaga misis to be ko. Maraming trust issue sa buhay," rinig kong pa-umanhin ni Gardo sa Pari.
Tumahimik na lang ako.
Simpling seremonya lang ang naganap. Pagkatapos ng simpling kasal namin ay bendisyon naman sa bahay na regalo ng mag-asawang sina Ma'am Claudia at Sir Samuel. Maganda ang bahay bungalow style at fully furnished na din. Ewan ko lang kung ilan ang kwarto sa loob. Para sana may kwarto pa rin dito si Serenity.
Mga tauhan, kasambahay at mga kaibigan na din ni Gardo ang mga bisita. Wala man lang akong kaibigan na kasama. Paano nasa probinsya ang mga kaibigan ko. Magtatampo panigurado ang mga iyon dahil hindi ko sila sinabihan na kinasal na ako. Pinikot lang naman ako ni Gardo eh. Tapos nagpapikot naman ako.
"Alam mo Gardo, pakiramdam ko pinikot mo lang talaga ako," sabi ko pa. Natawa ang mga nakarinig sa sinabi ko.
"Shhh... you should happy and celebrate our wedding day, hindi 'yong kung ano-ano pa ang sinasabi mo," sagot naman ni Gardo.
"Nam-budol ka naman pala bro, akala ko ba mahal ka ng pinakasalan mo?" singit ng isang lalaki. Baka kaibigan ni Gardo ito.
"Ah. Eh. Manong, wala pong singitan sa usapan. Makinig ka na lang po muna sa sinasabi ni father. Usapang bagong kasal lang po ito," sabad ko agad. Nagwiwisik na sa paligid si father kaya may oras na itong sumingit sa amin ni Gardo.
Tumawa naman silang dalawa ni Gardo.
"I like you Miss Nina. Baka pwede pa kitang masulot kay Gardo, mas mabait at mapagmahal ako kesa sa kanya," kindat pa ng kaibigan nito sa akin.
"Neptune, shut up!" suway agad ni Gardo.
"Neptune? Pangalan yata 'yan ng isa sa planeta 'di ba?" usisa ko pa.
"Kaya naman pala bet mo ako pareho pala tayong N ang simula ng pangalan natin. Paano na lang kaya kapag tayong dalawa ang nagkatuluyan? Tapos magiging pangalan ng anak natin ay Mercury Nana, Pluto Nuno, Venus Nine. Yay! Hindi pala tayo bagay mas bagay ako kay Honey Bunch ko." sabay kapit ko kay Gardo na mukhang naiinis na sa sinabi ko.
Humalakhak naman ito na parang naaliw pa sa pinagsasabi ko.
"Nina, stop talking to the stranger. Tara na sa loob," hila na niya sa akin.
Kahit papano maganda pa rin naman ang kinalabasan ng simple naming kasal. Maraming nag ayos sa venue at may catering pa. Sana talaga nandito ang parents ko. Kaya lang rush naman kasi ang kasal namin.
As if, naman na lalayo ako at itatago ang anak namin. Nakakasawa kaya 'yung gan'on lalo na sa mga nababasa ko sa pocketbook. Nako, ayoko ng gan'on tatakas lang ako kapag may masama ng mangyayari sa'min ng anak ko. Safety ng anak ko ang mahalaga. Pero kung aalagaan naman kami ni Gardo bakit pa kami lalayo ng anak namin 'di ba?
"Hindi ka ba masaya, Ate?" tanong ni Serenity.
"Masaya ako syempre. Naiisip ko lang ang mga magulang ko. Sana nandito din sila. Kaso nagmamadali palagi si Gardo. Wala sa ayos at plano ang gusto niya," simangot ko.
"Kapag sa simbahan na daw kayo maku-kompleto lahat Ate, atat lang kasi si Kuya Gardo. Nakabakod na siya agad sa'yo," sabi naman nito.
"Ano pa nga ba. Kawawa naman ang baby ko kapag walang tatay. Baka paglaki niya bungangaan ako, dios ko!" sabay tampal ko sa noo. Tumawa naman ito.
"Excuse me for awhile Serenity, hihiramin ko lang saglit ang ate mo. Ipapakilala ko lang siya sa mga kaibigan ko," paalam ni Gardo kay Serenity.
"Sige po kuya."
"Siguraduhin mong matino ang mga kaibigan mo ha? Kung hindi, pigilan mo ang bunganga ko baka mabaril ko sila ng kadaldalan ko," sabi ko agad kay Gardo. Humalakhak naman ang alaga kong si Serenity.
"Ikaw talaga. Dapat mag-behave ka eh, baka mapano pa ang anak natin. Ayokong magmana ang baby natin sa kadaldalan mo. Mabibingi ako panigurado ng wala sa oras," na-stress na agad ito hindi pa nga nakakalabas ang anak namin.
"Magtiis ka. Pinakasalan mo ako eh!" ingos ko.
"Ano pa nga ba kung sana hindi ka nagbaliw-baliwan hindi sana ako na-inlove sa'yo," sagot naman ni Gardo.
Hinampas ko siya na ikinatawa naman nito. Pa-akbay na ito ng papalapit na kami sa pwesto ng mga kaibigan ni Gardo. Mukhang mga bigatin at nakakatakot din ang arwa ng mga kaibigan ni Gardo.
"Hey bros," agaw pansin ni Gardo sa mga kaibigan nito. "Thanks for coming."
"Siya na ba ang asawa mo, bro?" tanong ng isa.
"Hindi mo po ba ako nakita na kasama ni Gardo sa harapan kinakasal po kanina lang?" singit ko agad.
"Likod lang kasi ang nakita ko at diretso na ako dito sa venue," sagot nito.
"Mukha pong dismayado ka? Pangit ba si Gardo at ako ang pinakasalanan niya? Hindi ba kami match sa mukha at tindig? Kung hindi nga kami bagay baka maghihiwalay din siguro kami?" wala sa sariling sabi ko.
Humalakhak ang mga kaibigan ni Gardo. Sinuway naman agad ako ni Gardo. Wala lang nang-aasar lang sa kasal namin ni Gardo. Ito na lang ang gift ko sa kanya ang asarin ito.
"Nina, behave! Hindi pa nga kita naipapakilala feeling close ka na sa kanila. Sa akin ka lang dapat maging close hindi sila," suway nito agad sa akin.
"She is nice bro."
"May katapat ka na ngayon, bro."
"She's funny."
"That's why, i like her," sabi naman ni Neptune.
Puri nila sa akin. Natuwa naman ako. Ganito lang ang ginagawa ko para mapagtakpan ang mahiyain kong ugali.
"Pinikot ka ba niya Mrs...?"
"Nina ang pangalan ko po. Kung nahahabaan kayo sa Nina na ibigkas, pwede din Ni or Na short for Nina. Ikinagagalak ko po kayong makilala kahit hindi pa niya kayo naipakilala sa akin ni Gardo," humalakhak na naman sila.
"Parang gan'on na din po iyon pinikot niya ako at sabay kasal agad. Mas mabilis pa siya sa express way. Hindi na ako nakapalag pa," biro ko.
Oh 'di ba masaya sila. Ganito din ang sinabi ko sa driver noong unang dating ko dito. Umakbay sa akin si Gardo at bumulong. Natawa naman ako sa sinabi nito. Huwag ko daw siya ipahiya sa mga kaibigan niya.
Isa-isa na silang nagpakilala sa akin, kakamayan sana nila ako pero si Gardo ang nakipagkamay sa kanila. Natatawa na lang ako sa kanya. Mapag-angkin din talaga ito masyadong possessive. Pero gustong gusto ko naman dahil nararamdaman kong mahal niya talaga ako.
Dahil biglaan ang pagpapakasal namin ni Gardo ay walang ni Isa ang nakabili ng regalo kaya pera na lang ang binigay nila. Oh, ang mag-asawang amo ko lang pala ang may regalo ito ay ang bahay na titirhan namin ngayon ni Gardo. Stay-out na kami sa trabaho namin sa mansion ng mga Parker.
Simple ang decorations ng venue pero masasabi kong maganda kahit rush lang. Sigurado akong nag-over time sila sa pag-aayos sa deco dito.
Pinayagan naman ng mga amo namin na magsaya ang mga kasamahan ko sa trabaho sa mansion. Parang lahat sila rest day sa araw na ito dahil nakisaya sila sa kasal namin ni Gardo.
Masaya at maingay ang lahat. Lalo na ang dalawang emcee na kwela din sa pagsasalita sa harapan. May mga palaro pa pero hindi ako pinayagan ni Gardo na maki-join dahil buntis daw ako