Chapter 23

1481 Words
Binyag Nina Pov One year na ang baby Genina namin. Ang likot-likot na niya. Nahirapan na si Mama na habulin ang makulit naming baby. Hindi ako gaano nahirapan sa paglilihi dahil sa palaging paggabay at pag-alalay ni Gardo sa akin. Masaya pa nga ito noong naglihi ako dahil hindi daw ako madaldal. Naging malambing kasi ako at gusto ko palaging nakayakap kay Gardo. Pati trabaho at negosyo hindi na naasikaso dahil sa akin. Umaalis lang siya noon kapag importante na meeting. Pero ngayon kasama ko na si Mama taga bantay sa anak namin ni Gardo. Pwede na itong magpukos sa trabaho niya. Nandito din mga kapatid ko at si Papa para sa binyag ni baby Genina. Ewan ko lang kung darating din ang family ni Gardo. Mas mabuting 'wag na lang muna silang pumunta dito. Hindi pa ako handa na makilala sila. I mean, nakakaramdam kasi ako ng kakaiba kapag pinag-uusapan ni Mama at Gardo ang parents nito. Dito na din sa bahay bininyagan ang baby namin. Sosyal ang venue para kay baby ginastusan talaga ng bongga ni Gardo para sa anak namin. Hindi ko mapigilan kaya hinayaan ko na lang para naman ito sa anak namin, eh. Tapos na ang binyag nasa reception na kami lahat. Sa harapan lang naman ng bahay namin. Nasa kasiyahan na kami ng may mga sasakyan na nagsidatingan. Kinabahan ako bigla baka ang pamilya na ni Gardo ang mga ito. "Titinignan ko lang baka mga kapatid ko na ang mga iyan," sabi ni Gardo sa akin. Tumango na lang ako. "Akin na si baby Genina," sabi ko. "Okay lang para makita nila agad na may anak na talaga ako. Hindi kasi sila naniniwala kaya kaming dalawa na ni baby ang sasalubong sa kanila," ngiti nito sa akin. "Behave kay Didi okay," halik ko pa sa anak ko. Masaya naman itong nagkakawag kawag sa bisig ng ama niya. "May ibang bisita pa ba kayo anak?" tanong ni Mama. "Opo, pamilya ni Gardo pero hindi ko sigurado kung kasama ang parents niya," sagot ko. "Sabihin mo lang sa akin anak kapag inapi ka ng pamilya ni Gardo, ako makakalaban nila," seryosong sabi ng Mama ko. "Ikaw talaga Norie kung ano-ano na naman 'yang sinasabi mo. Huwag mong dalhin dito ang ugali mo sa probinsya baka ikapahamak mo pa," sermon ni Papa kay Mama. "Ay aba, kung para sa anak ko kahit magkagyera pa hindi ako susuko. Lalaban ako kahit hanggang sa p*****n ganyan ko kamahal ang mga anak ko. Ipaglalaban ko sila, ipagtanggol sa abot ng aking makakaya," ayaw patalo na sabi ni Mama. "Awat na Ma, masyado ka naman po advance mag-isip. Hindi ka na nahiya sa mga bisita nila ate," singit ng Isa kong kapatid. Magsasalita pa sana si Mama ng papalapit na sa pwesto namin sila Gardo. Kita ko na karga ng isang babae ang anak namin. Tuwang tuwa naman ang bata mabuti hindi umiyak. "Nay, Tay, mga kapatid ko po at mga hipag," pinakilala pa nito isa-isa ang mga kapatid at hipag nito. Pati ang tatlo nitong pamangkin. Magiliw naman na nakipagkamay ang parents ko sa kanila. Pati ako binati din nila at siyempre pinuri ng slight. Mukhang mababait naman ang dalawa nitong hipag simple lang din sila. "Nasaan ang parents mo hijo?" tanong ni Mama. "Naka-out of town po sila next month pa daw po ang uwi nila kaya mga kapatid ko lang po ang nakadalo," sagot agad ni Gardo. "Ay mabuti naman ng hindi ko maaway." "Mama!" suway ko agad. "I mean para makilatis ko kung mabuti ang pakikitungo niya sa'yo anak. Gan'on naman ang ibang mga byenan kapag ayaw sa asawa ng anak nila pagmamalditahan. Aba, kahit simple lang ang buhay natin ayoko pa rin naman na makikitang nasasaktan ang anak ko ano!" daldal ni Mama. Na touch naman ako kay Mama, pero nakakahiya pa rin sa mga bisita. "Pagpasensyahan niyo na po ang Nanay ko. Sige na kumain na po kayong lahat," nahihiya ko pa na sabi sa kanila. "Normal lang na react ng isang magulang 'yan kaya ayos lang sa amin Nina," ngiti ng kapatid ni Gardo. "Salamat po," bahagyan pa yata akong namula sa pagkapahiya sa bisita ni Gardo. Nag-iyak na si baby kaya agad kong kinuha nang iniaabot nito ang kamay sa akin. "Samahan mo na sila sa lamesa nila, hon," sabi ko pa kay Gardo. "Ayos ka lang?" sabay haplos sa ulo ko. "Ayos lang kami ni baby," tipid ko na ngiti sa kanya. Nag-kiss siya sa ulo ko pero nagreklamo ang baby namin. Kaya nag-kiss din si Gardo sa ulo nito. "Kailangan dapat patas daw sabi ni baby, inggetera na rin siya," bungisngis ko. Tuwang tuwa naman ang bata ng panggigilan ito ni Gardo. Ang lakas pa humalakhak nakakatuwa. Nadagdagan ang kasiyahan ko ng dumating ang baby namin. Naging mas mahal na namin ang isa't isa. Hindi pa rin naman nawawala ang pagbubunganga ko sa kanya at ang pang-iinis nito sa akin. Sabi nga ni Gardo bumalik daw ang kaingayan ko noong lumabas na si baby. Sabi pa na kailangan na raw niya ulit akong buntisin para bumalik daw ang kalambingan ko. Natawa na lang kaming dalawa ni Mama. "Pagpasensyahan mo na si Mama, hon. Alam mo naman siya mukhang mabait pero malala pa siya sa akin. Puntahan mo na ang mga kamag-anak mo," taboy ko na. "Ayos lang. Prangka lang talaga si Nanay at mana ka sa kanya," bulong pa nito sa akin. Natigil lang kami ng nabubugnot na ang baby namin. Mukhang naiinitan na sa suot nitong damit. Kaya nagpaalam na muna akong palitan ang damit ni baby. May picture naman na kaming lahat. Busy ako sa pagpapalit ng damit ng anak ko ng may yumakap sa akin sa likuran ko. "Nakaabot pa po kami ni Axer ate. Hello cutie pie potato. Ang ganda-ganda mo mana ka kay Tita ganda," masayang bulalas ni Serenity at tumabi ng higa sa anak ko. Tuwang tuwa naman ang anak ko ng makita siya. Masayang inaabot ang kamay sa mukha ni Serenity. "Kumain ka na ba?" tanong ko. "Hindi pa po. Dumiretso lang ako dito ng maipakilala ni Nanay ang pamilya niyo sa akin. Gusto ko kasi agad makita ang baby ko," sabay halik sa pisngi ni Genina. Siya na ang nagbuhat nang tapos ko na itong mapalitan ng damit. Nauna na rin silang lumabas agad naman akong sumunod. Naluka ako ng naglalaro na sa gitna ang mga bisita namin. Sino na naman kaya ang may pasimuno nito. Si Gardo at mga kaibigan nito ang ilan sa sumali, pati mga kapatid nito sumali sa trip to Jerusalem na laro. Puro lang mga lalaki ang naglaro. Tawang tawa ang mga asawa ng mga kapatid ni Gardo. "Sumayaw po kayong lahat bawal ang lakad-lakad lang. Pwede ikembot ang pwet at taas wagayway ang mga kamay. Ma-disqualified ang robot sumayaw." sabi ng emcee at si Axer iyon. Pasaway din na isa. "Magaganda ang papremyo ng baby Genina namin. Ang mananalo secret muna ang premyo," tawanan ang mga bisita namin. Pasaway talaga minsan ang lalaking ito. Tuwang tuwa naman ang baby namin sa pagtawag sa pangalan niya. Nagpapalakpak pa na nakatingin sa Didi nito. "Ayan na may sasayaw naman na siguro sa tugtog na ito. Budots dance music please," sabi pa ng emcee. "Ganito ang sayaw n'yo dapat," nagdemo pa si Axer na ikinahalakhak naming lahat. "Ate, patigilin mo na si Axer," siya pa yata ang nahihiya sa pinaggagawa ng boyfriend niya. Pero natatawa naman itong nakatingin sa boyfriend niya na proud na proud pa. "Happy lang para masaya," dagdag pa nito. Kantyawan tuloy ang mga tao at game na game din ang mga naglalaro sa gitna ng bulwagan. Wala din mga hiya pero ang iba na bisita na sumali ay mediyo nagkahiyaan pa sila. "Sa mga talo bawal ang alak sa inyo tamang tubig na lang muna kayo. Healthy na hindi pa kayo malalasing iwas palo pa sa mga misis n'yo," humalakhak na naman ang mga bisita. "Para sa winner lang ang imported na alak from Quezon province sponsor by my friend. Second best spirit in the world ang alak na ito. The "Top 79 spirit in the world" number two ang lambanog kahit i-search niyo pa para maniwala kayo! Hati kami sa winner ang lambanog na premyo kung ayaw niya naman pwedeng sa akin na lang," sabay tawa nito. Tumawa na naman ang mga bisita. Magaling din talaga ito mag-host napaka-energetic at nakakatawa ang mga banat nito. "Gusto ko ang lambanog, go Gardo galingan mo. Sa labas ka matutulog kapag natalo ka," pangche-cheer ko na ikinatawa ng lahat. Saktong tumigil ang tugtog ayon talo siya. Halakhakan ang mga tao ng matalo si Gardo. Sumimangot agad ako ng kakamot-kamot na lumapit ito sa akin. "You distracting me hon, ayon talo," sabay tawa nito. Natawa na lang din ako na akala nito tutuhanin ko ang sinabi ko. Dagdag katatawanan lang naman iyon para masaya lalo ang party ng anak namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD