Chapter 24

1837 Words
Ibang bansa Gardo Pov "Huwag na huwag kayong gumala sa labas, hon okay?" paalala ko sa asawa ko. "Bakit bawal ba?" taka nitong tanong. "Dilekado lalo na't wala ako dito na kasama n'yo. Nandito naman si Nanay Norie kasama n'yo ni baby, hindi kayo mababagot. Mamaya dadalaw din daw dito ang magkasintahan." "May panganib ba sa buhay naming mag-ina, kaya bawal lumabas?" curious na naman ito. Matanong pa naman ito pero hindi n'ya pwedeng malaman ang trabaho ko. Lalo na't mainit ang grupo namin sa mga mata ng kalaban. Ayaw ko na mapahamak ang mahal ko sa buhay lalo na ang mag-ina ko. "Just follow what I said Nina. Para sa safety n'yo ni baby ang inaalala ko. Hindi mo alam ang disgrasya sa labas kahit anong ingat mo pa," mariin ko na sabi. Magsasalita pa sana ito ng unahan ko na siya. "Wag ka ng tanong nang tanong pa, Nina! Kung gusto mo ilabas o ipasyal ang anak natin tapos may nangyaring hindi maganda sa inyo ng bata. Sinong sisisihin mo, ako? Si Nanay? O sino? Dahil sa katigasan ng ulo mo kaya ka minsan napapahamak. Ang dami mo ng tanong simple lang naman ang bilin ko, hindi mo pa rin iniintindi. Ilang paalala pa ba ang gusto mong marinig bago ka makinig sa akin," inis ko ng sabi sa kanya. Nagdabog na ito at sumimangot iniwan na niya ako sa kwarto. Bumuntong hininga ako ng malalim bago ko pinagpatuloy na ilagay sa duffle bag ko ang ilang gamit na dadalhin ko patungong ibang bansa. Mamaya na kasi ang alis ko. Hindi ako pwedeng umalis na may tampo ang asawa ko. Ayoko kasing mapahamak sila sa labas lalo na't may mga umaaligid na tao sa paligid. Iyon ang napansin ng security guard ng bahay namin. Mabuti na 'yung nag-iingat kisa hindi. Ganito ako ka-advance mag-isip. Lumabas na ako ng maayos ko na ang gamit ko. Mamayang gabi pa naman ang alis ko. Nagtungo ako sa kusina at naabutan ko ang asawa ko na busy sa ginagawa. Yumakap agad ako sa likuran nito. Nagulat pa ito sa ginawa ko. Hinalikan ko pa siya sa pisngi niya para hindi na magtampo. "Sana maintindihan mo na ginagawa ko ito para sa kaligtasan n'yong mag-ina ko. Kayo na ang priority ko ni baby at hindi ko kakayanin kapag may masamang mangyari sa inyo. Naiintindihan mo ba ako ha?" mahinahon ko pa na sabi kay Nina. Tumango lang ito. "Nagtatampo ka?" tanong ko. "Ayaw ko na umalis ng may inis at tampo ka sa akin. Trabaho ang pupuntahan ko doon hindi babae," saad ko pa. "Sorry, sa inasta ko kanina," mahina nitong sabi. Gumaan ang pakiramdam ko sa narinig. Bihira lang ito mag-sorry sa akin at aminin ang mali niya. I'm glad na sa wakas ay nag-sorry din ito. Hindi na ako mahihirapan pang suyuin ito. Nakinig na siguro kay Nanay, dahil sa mga sermon niya kay Nina. Pinaharap ko ito sa akin at sinunggaban ko ng malalim na halik sa labi. Tumigil lang sila sa paghahalikan ng marinig na nila ang iyak ng anak nila. "Kakain ka pa ba dito ng tanghalian?" maya't maya ay tanong nito. "Yes hon. Mamayang hapon pa ang alis ko. Gusto ko ng tinola na manok, hon," request ko pa. "Sige. Adobo sana ang lulutuin ko na ulam pero okay na rin ang tinola para makahigop ng sabaw si baby Genina," saad nito. "Thank you." Yakap ko pa sa kanya bago tinungo ang kinaroroonan ng mag-lola. Bugnutin na naman siguro ang baby namin dahil hindi makuha ang gusto. ***** Nina Pov Dalawang linggo ng wala si Gardo dito. Laging nakabisita rin dito si Serenity at ang boyfriend nitong si Axer. Masaya ako dahil nakita na niya ang ina niya at may mga kapatid pa pala ito sa ina. Pero ilang buwan na ay hindi pa nito inaamin na siya ang anak nito. Ewan ko sa trip ng batang iyon. Busy ako na nakikipaglaro sa anak ko sa bakuran namin nang may humintong sasakyan sa harapan ng gate namin. Hindi naman kataasan ang gate ng bahay namin, kita pa rin ang mga sasakyan o tao sa labas na dumadaan. "Come here baby, may bisita yata tayo," nakakatuwa lang dahil nakakalakad na ang baby ko. Napapagod na si Mama sa pag-aalaga dahil malikot na. "Ma'am Nina, may bisita po kayo?" anunsyo ng security guard namin. Ewan ko ba kay Gardo kung bakit may security guard pa itong kinuha. Wala naman yatang masasamang tao dito at safe naman dito. Subdivision din naman ang lugar na ito. Marami na rin kaming mga kapitbahay. Para daw sa safety namin kaya nahihiwagaan na talaga ako sa kanya minsan. "Sino po kuya?" sagot ko agad at kinarga na ang baby ko bago lumapit doon sa gate. "Ang parents po ni Boss Gardo," napanganga ako sa gulat. Dumagundong na ng mabilis ang dibdib ko. Sa kaba, takot at hiya, pero mas nanaig pa rin sa akin na makilala sila. Nandito naman si Nanay na aagapay sa akin kung sakali. "Papasukin mo na sila kuya," utos ko na. Naghintay na akong pumasok sila sa loob ng bakuran namin. Ang baby ko naman malikot at nagpumilit na bumaba. Kaya binaba ko na muna para maglakad lakad sa bermuda grass. "Daa.. da da da," salita ng anak ko. Hindi pa niya nabibigkas ang Mama puro dadada lang. Napapasimangot ako minsan kapag tuwang tuwa si Gardo sa pagtawag ng dada ng anak namin. Hindi maipinta ang kasiyahan sa mukha nito. Nagsisigaw pa sa tuwa dahil dada ang unang binigkas ng anak namin. "God, is that our granddaughter?" bulalas na tanong ng ginang. Masaya naman ang bata na lumapit sa mag-asawa na parents ni Gardo. Natutuwa talaga ang anak ko kapag nakakakita ng bagong mga tao. Pero hindi naman ito 'yung matagal na magpapakarga. Babalik pa rin ito sa akin o kay Gardo. "Hello magandang tanghali po," bati ko kaagad sa mag-asawa. "Hello. Your name is Nina, right?" magiliw na tanong ng matandang lalaki sa akin. Ito ang mas hawig ni Gardo. "Opo," sagot ko agad. Ang matandang ginang naman ay nakatuon ang paningin sa bata. "Baby, lapit kana kay Lolo at Lola, dali," utos ko pa sa bata. "Da.. da da daaa," nakataas pa ang mga kamay na masayang naglalakad papalapit sa mga Lolo at Lola nito. Napaupo sa paglalakad pero bumangon pa rin naman ito. Tuwang tuwa naman ang mag-asawa habang pinapanood ang apo nila. Cute ito at bibo, malusog pa ang mga pisngi. Kaya nahirapan ng buhatin ni Mama dahil mabigat na. Kinarga naman ng lolo nito ang baby masaya naman nagpakarga ito. "Ilang taon na siya hija?" tanong ng matandang lalaki. Ang ginang ay tahimik lang na nagmamasid sa paligid. Sana pumunta sila Serenity dito. Nahuhuli ko pang nagtataas ito ng kilay na parang may hindi nagustuhan na nakita sa paligid. "Isang taon at kalahati na po sir," sagot ko. "Pasok po kayo sa loob," anyaya ko pa sa kanila. Sumunod naman sila sa pagpasok ko sa loob. Nakakakaba naman ang ganito bakit itinaon pa nila na wala si Gardo dito. "Nasa ibang bansa po si Gardo, ma'am and Sir, si Mama lang po ang kasama ko dito," pagbabalita ko kahit hindi naman sila nagtatanong. "Oh, anak may bisita ka pala. Sino sila?" tanong agad ni Mama ng makita niyang may kasama akong papasok sa loob ng bahay. "Mga magulang po ni Gardo, Mama," sagot ko. Natataranta ako na hindi mawari. Sana hindi sila maarte o magsungit. Mukha pa naman masungit ang ina ni Gardo. "Ay aba, mabuti naman at nakadalaw kayo dito. Pasok kayo sa loob pasensiya na ang bahay simple lang at hindi pang-sosyal. Teka lang at magtitimpla lang ako ng maiinom n'yo," sabi ni Mama at agad na umalis sa Sala. Nahihiya man ako ay hinarap ko pa rin sila. Kahit hindi sila nakikipag-usap sa akin at nakatuon ang pansin nila sa anak ko ay ayos lang. Ang mahalaga lang naman ay may kasama sila dito para hindi naman ako magmukhang bastos. "Bakit ngayon n'yo lang sinabi na may anak na pala kayo ni Gardo? Balak n'yo bang ilihim ito sa amin ng mahabang panahon?" nagulat ako sa kaseryosohan ng ina ni Gardo. "Ewan ko po kay Gardo, ma'am, lagi po siyang tinatanong ni Mama kung kelan niya ipapaalam po na may anak at asawa na po siya," nahihiya ko na sagot sa kanila. Hindi makapaniwala ang ginang na tumingin ito sa akin. "Asawa? Meaning to say, kasal na kayo ni Gardo?" hindi ito makapaniwala na tanong ng ginang sa akin. Mahina akong tumango. "What!" malakas na bulalas nito. Nagulat pa ang anak ko mabuti at hindi umiyak. "Lower your voice, darling, ginugulat mo ang bata," suway ng asawa nito. Nakita ko si Mama na palapit na dito may dalang inumin. "Bakit hindi n'yo sinabi sa amin na kasal na kayo ng anak ko!" nahimigan ko ang pagkainis sa boses nito. "Wag ka sa anak ko magalit dapat sa anak mo. Dahil tapos ko ng napagalitan ang anak ko at wala akong karapatan na pagalitan ang anak mo. Ang inis mo ay dapat sa anak mo lang wag sa anak ko. Dahil pati kami hindi namin alam na ikinasal na pala sila. Dahil binuntis ng anak mo ang anak ko," mahabang lintya ni Mama. "Baka lumandi siya kaya nabuntis ng anak ko," masungit na sabi ng ginang. "Ay aba, alalahanin mong babae ka rin. Sigurado akong lumandi ka rin bago mo naging asawa ang asawa mo ngayon. Parang ako lang din nagkaroon ng boyfriend bago ko nakilala ang asawa ko na ama ng mga anak ko. Kaya 'wag na 'wag mong sasabihin 'yan sa anak ko. I-judge mo siya kung malinis ka dahil ako may bahid din naman akong dumi sa katawan, pero nahuhugasan din naman kapag nakaligo na ako," hindi paawat na sagot ni Mama. "She is right, darling. Pag-uwi ng anak natin saka mo siya kakausapin. We don't know the reason why our son never tell us that they already get married," singit ng asawa nito. "Hmp!" irap pa nito. "Sabihin mo sa asawa mo na kapag nakauwi na siya ay pumunta kayo sa bahay. Aasahan ko kayong dalawa," pagalit na sabi ng ginang. "Kung ganyan ka umasta sa anak ko hindi ko siya papayagan na pumunta sa bahay n'yo. Baka api-apihin n'yo lang siya doon," pagalit din na sabi ni Mama. "Mama, awat na po. Normal lang naman po na magalit sila na parang ikaw din po, dahil wala kaming sinabihan tungkol sa kasal namin. Sobrang rush po kasi iyon. Pasensiya na po kayo," paumanhin ko sa kanila. Tumango lang naman ang tatay ni Gardo habang ang nanay nito ay nakahalukipkip. Maya't maya ay dumating si Serenity pero wala si Axer. Nagulat pa ito ng makita ang parents ni Gardo. Kaya sa bandang huli ay dito din sila kumain ng pananghalian. May biniling ulam si Serenity kaya dagdag na iyon sa ulam naming lahat. Hindi naman akward ang hapagkainan dahil may makulit at bibo kaming kasama na bata. Idagdag pa si Serenity na kakwentuhan ng ina ni Gardo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD