Visit
Nina Pov
Sa totoo lang mabigat ang pakiramdam ko na sumama kay Gardo sa bahay nila. Hindi naman ako takot sa parents nito. Parang may kakaiba lang kasi akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag.
Paranoid lang siguro ako dahil first time namin ni baby Genina na umapak sa bahay ng ama nito. Kinakabahan talaga ako.
"Gardo---"
"Hon, ang itawag mo sa akin Nina," putol ni Gardo sa sasabihin ko.
"Hon, din dapat ang itawag mo sa akin. Bakit tinawag mo rin akong Nina?" nguso ko.
"Hon."
"Hon," panggagaya ko sabay irap sa kanya. Mahina naman itong tumawa.
"Kinakabahan ako first namin ni baby ang umapak sa bahay n'yo. Excited ba ang baby ko na makagala sa bahay ni Daddy?" kausap ko pa sa anak namin na kalong ni Gardo, kiniliti ko pa ang kili-kili ng makulit naming baby.
Humalakhak naman ito sa ginawa ko. Ang sarap-sarap sa pandinig ang mga tawa nito. Nakakagigil kaya pinupog ko ng halik sa mukha nito. Tuwang tuwa naman ang baby kulit namin.
"I suddenly miss your kisses like that on me," sabi ni Gardo na nakatitig sa mga labi ko.
Sumimangot ako, akala mo naman walang halik ito araw-araw basta may pagkakataon. Nakikisipsip pa nga ito tuwing gabi inaagawan ang baby namin sa gatas sa dede ko. Siraulo pala 'to, e. Sa bottle nagdede ang anak namin tuwing gabi tapos ito sa akin siya nagdede. Ay bwesit siya. Laspag na ang dede ko kaya push up talaga ang mga suot kong bra.
Iginapang ko ang aking kamay at bahagya na kinurot ang tagiliran nito. Napaigtad naman ito sa ginawa ko sabay tingin sa akin. Inirapan ko naman ito.
"Akala mo hindi ka nakahalik ng isang taon! Inggetero ka!" bulong ko sa kanya. Natatawa naman itong kinabig ako at mabilis na hinalikan ako sa labi.
"Ma, maa, mama." Humawak pa ito sa kamay ko na parang inilalayo niya ako sa daddy nito.
"Pareho kayong inggetero at inggetera. Pareho pa kayong seloso at selosa, magsama kayong dalawa na mag-ama." marahan ko na pinisil ang matambok na pisngi ng anak ko at gano'n din ang ginawa ko sa ama nito.
Humagikhik naman ang anak ko sabay yakap sa ama nito. Favorite talaga nito yakapin ang ama. I feel you anak favorite ko din yakapin ang lalaking iyan. Sabi ko naman sa isipan ko.
Bahagya na nawala ang kaba ko dahil sa presensya ng mag-ama ko. Pero bumalik ang kaba ko double pa yata ang nararamdaman ko ng i-anunsyo ni Gardo na nandito na kami sa bahay nila. Hindi lang pala bahay kundi mansion na kasing laki din ng mansion nila Serenity. Pero mas malawak lang at malaki ang bahay nila Serenity kumpara sa mansion nila Gardo.
Pero hindi maikakaila na malawak at malaki din ang bahay nila. Mayaman din pala ang angkan nila Gardo. Pero bakit wala siyang sinabi sa akin. Bakit pinili nitong maging bodyguard at driver ni Serenity? Anong dahilan kaya nito?
Lumingon ako sa kanya tipid lang din itong ngumiti sa akin. Ginagap nito ang kamay ko. Humawak rin si baby Genina sa kamay ko. Gaya-gaya ang bata, kaya napangiti ako sa kanya.
"Relax hon," pang-aalo ni Gardo sa akin.
Sobrang kinakabahan kasi ako. Normal lang na kabahan ako kasi first time kung makapunta sa bahay nila. Idagdag pa na mayaman naman pala ang angkan nila mas lalo akong nahiya.
Sana hindi pakitang tao ang mga kapatid at hipag ni Gardo sa akin noong binyag ni baby Genina. Baka kapag nagkataon pagtulungan nila ako dito.
'Nako, ikakasa ko talaga ang armalite kong bunganga. Walang makakapigil sa akin kapag ako ang inapi n'yo,' sa loob-loob ko.
Papasok na ang sasakyan namin sa loob ng mansion nila. Ang lawak din ng bakuran nila. Ang ganda rin at talagang hindi nagpapatalo kong sa pagandahan ang pag-uusapan. Hindi ko rin maiwasan na mapanganga kagaya sa unang dating ko sa mansion nila Serenity.
May mga nagkalat rin na mga security guard sa paligid. Ganito rin ba kayaman at ka-impluwensiya ang pamilya ni Gardo na kailangan pa ng ganito karaming tauhan na nagbabantay sa paligid? tanong ko pa sa isipan ko.
Pagkatigil ng sasakyan ay may agad ng nagbukas sa pinto ng sasakyan namin. Kaya bumaba na rin ako. Bumati ang mga tauhan nila ng nakababa na kami ni Gardo.
Nakita kong papalapit na ang mag-asawang panganay na kapatid ni Gardo, sa'min. Nakangiting sumalubong sa akin si ate Almera. Ang ganda talaga nito, simple elegant. Yumakap at beso muna ito sa akin bago agad na lumapit kay Gardo. Masaya niyang kinuha si baby Genina.
"Hello cutie pie," halik pa ni Ate Almera sa bata.
"Ta taa," tuwang tuwa na sambit din ng makulit na bata.
"Oh my, you heard it, she call me tata," bulalas naman nito. Napangiti naman ako halatang nagpapabibo na naman ang bata.
"Nagpapakitang gilas na naman po siya ate, pabibo," hagikhik ko.
Nauna na silang naglakad papasok sa mansion nila. Inakbayan naman ako ni Gardo habang sumusunod kami sa kanila.
"Welcome baby Genina and Tita Nina," masayang bulalas ng mga bata sa amin ng anak ko.
Nagpapalakpak naman sa tuwa ang anak ko. Marunong na rin makipag-sosyalan ang bata. Binaba ni Ate si baby Genina at agad namang niyakap ng mga pamangkin ni Gardo.
Dito kami matutulog ng isang gabi, iyon kasi ang request ng mga magulang ni Gardo. Kaya mag-isa lang si Mama sa bahay. Okay lang naman daw iyon sa kanya. May security guard naman at alam ko na safe siya sa bahay.
Pagkapasok namin sa loob ay bumati lahat sa akin ang mga kasambahay nila. Nahiya man ako ay bumati rin ako pabalik sa kanila. Nang makita ko ang parents ni Gardo ay agad din akong bumati sa kanila. Magiliw pa rin naman akong binati ng ama ni Gardo pero 'yung nanay niya tumango lang sa akin.
Agad na itong nagtungo sa mga batang naglalaro sa malawak nilang sala. Ang ganda ng bahay nila at nakakahiyang umapak sa sahig. Sobrang linis at ang kintab pwede na mag slide ang mga ipis at daga sa dulas ng sahig nila.
"Let's go sa kwarto natin. Hayaan mo muna ang bata sa kanila. Sure akong hindi niya tayo hahanapin. I want you to kiss me just how you do to baby Genina," bulong nito sa akin.
Siniko ko ito. Natatawa naman itong iginiya ako sa paakyat sa hagdan. Hindi na siya nagpaalam basta na lang niya ako hinila paakyat sa hagdan. Bahagyan pa akong nagulat ng may makasalubong kaming magandang dalaga. Mukhang magkaedad kami or baka mas matanda ako sa kanya.
"Hey sis! Marga long time no see. By the this is my wife Nina," pakilala nito sa akin. Ngumiti lang ito at kumaway bago nagmadaling bumaba.
Napalingon pa kaming dalawa ni Gardo sa inasta nito sa aming dalawa.
"Don't mind her, she is a spoiled brat kaya ganyan umasta ang bunso naming kapatid,"
Nagulat naman ako sa sinabi nito. May bunso pa pala silang kapatid na babae. Akala ko tatlo lang silang magkakapatid.
"Akala ko tatlo lang kayong magkakapatid?" usisa ko.
"Siya ang bunso babae. May sariling mundo kaya ayaw sumama noong binyag ni baby Genina."
Tumango na lang ako sa sinabi nito. Mukha ngang maldita ang babae. At parang may kakaiba akong nararamdaman sa babaeng iyon. Sure akong hindi kami magkakasundo na dalawa.
Kapapasok pa lang namin sa loob ng kwarto nito ay sinunggaban na niya agad ako ng mapusok na halik sa labi. Dios ko naman, hindi man lang niya ako hayaan na igala na muna ang paningin sa kwarto nito. Parang hindi ito nakahalik ng isang taon. Makahalik wagas.
Hinampas ko siya sa braso pero mas pinailalim nito ang paghalik sa akin. Kaya kinurot ko na siya sa tagiliran ng mariin. Ayon nabitawan niya ang labi ko. Marahan ko naman hinaplos ang kinurot kong tagiliran nito sabay ngiti ko sa kanya.
"Mamaya mo na ako halikan ng makapugtong hininga na halik hanggang sa mawalan ako ng hininga. I-tour mo muna ako sa malawak mong kwarto. Baka maligaw ako dito, pagtawanan mo pa ako," simangot ko kunwari. Napatawa naman ito ng mahina sa sinabi ko.
Nag-astang tour guide ko naman ito. Napahagikhik ako sa kalukuhan naming dalawa dito sa loob ng kwarto nito. Para kaming mga timang.
"This is your husband closet. Pwede tayo maghabulan dito na parang mga naglalandiang mga daga. Pwede rin tayo dito gumawa ng baby boy, because this place is safe for us to make love," malandi nitong bulong sa akin.
"Ay siraulo ka, inihambing mo pa ang sarili natin sa daga," natatawa kong sambit. "Sa ibang sulok mo naman ako i-tour," sabi ko naman agad at binaliwala ang sinabi nitong gagawa kami ng baby boy dito.
Nakita kong binuksan niya ang isang kabinet. Nakita ko ang mga iba't ibang klase ng mga necktie, senturon, sombrero, mediyas and underwear nito at kung ano-ano pa. Very organized ang pagkakaayos ng kabinet nito.
Kumuha siya ng boxer briefs nito at iniladlad sa harapan ko. Namula ng bahagya ang mukha ko sa ginawa nitong pagladlad sa underwear nito sa mukha ko.
"This is my underwear. You can smell it, touch it and even wear it, I don't mind," kindat pa nito sa akin. Humagikhik naman ako.
"Pakalandi mo!" natatawa kong sabi.
Malambing naman niya akong niyakap. Iginiya siya nito sa ibang sulok ng kwarto nito. Parang isang bahay na ang style ng kwarto nito at ang daming pasikot sikot. Talagang maliligaw ako dito kapag nagkataon.
Ang daming kaartehan e, sa kwarto nga namin sa probinsya ang isang square room namin ay nando'n na lahat ng kabinet, kama at mga abubot na nakasabit sa dingding. Nasa labas pa ang banyo, ito namang kwarto nito bongga yayamanin.