Chapter 26
Nina Pov
Kinaumagahan ay sa garden sila nag-almusal lahat. Ang ganda rin dito may outdoor kitchen at ang ganda ng pagkakaayos.
'Napakaganda naman dito' sa loob-loob ko.
Sa di kalayuan ay ang malawak nilang swimming pool. Maraming mga magagandang halaman na sigurado akong sa ibang bansa pa nila ito nabili. Gaya sa garden sa mansion nila Serenity. Mayaman e, kaya abroad sila bumibili ng bulaklak as if walang magagandang bulaklak dito sa Pilipinas.
Gano'n lang siguro kapag mayayaman sosyalan lahat. Natural lang dahil may pera sila e. Kahit nga mga aso, pusa, kabayo etcetera, sa ibang bansa binibili. Kulang na lang pati babae sa ibang bansa nila bibilhin, tsk!
Kahit no pansin ang Mama ni Gardo sa akin ayos lang dahil magiliw naman ito sa anak namin ni Gardo. Paano ba naman kasi pabibo ang anak ko, di papatalo, di padadaig, biglang hyper at pasikat na bata. Aba dinaig pa ako eh. Ako nga mahiyain pero itong anak ko kinabog ako pakitang gilas.
Kaya aliw na aliw sila sa bata. Attention seeker ang anak ko. Natawa ako sa isipan ko.
Dahil tapos na ang umagahan namin ay sinabi ko kay Gardo na maglakad lakad lang muna ako dito. Pero bumalik ako sa kanya at tinanong kung ayos lang na maggala ako dito sa garden nila.
Natawa naman ito sa tinanong ko. As usual, kinuha na naman nila ang baby ko. Si baby naman feeling close na sa kanila. Itsepwera na ako ng sarili kong anak si Gardo na lang talaga ang nakadikit sa akin.
Habang nagmumuni muni ay napadpad ako sa dulo. Parang green house kung tawagin nila ito. Ang tanim dito ay mga gulay rin. Akala ko wala sila tanim na gulay dito at lahat binibili pa nila sa supermarket.
Lakad lang ako ng lakad na halos nagkanda ligaw-ligaw na ako. Na-amaze lang kasi siya sa ganda ng lugar. Buti nasundan ko pa rin ang dinadaanan ko. Pagkalagpas ko sa greenhouse ay nagulat ako sa pagharang ng kapatid ni Gardo na babae sa'kin.
Kahit ramdam ko na ayaw niya ako ay binati ko pa rin siya. Masamang tingin naman ang igiwad sa akin at umirap.
"Don't call me sis, I'm not your sister. You are disgusting, hindi ko alam kung bakit ikaw ang nagustuhan ng kuya ko!" pagalit nitong sambit sa akin.
"Maka-disgusting ka naman sa akin e, pareho lang din naman tayo ng kinain kanina. Kahit noong dinner kagabi ibig lang sabihin na same lang ang nasa loob ng katawan natin ngayon. Same lang din ng lugar at hangin ang nilalanggap natin. Walang disgusting dito kundi ang mga hayop na masama ang ugali lang ang meron," mahaba kong sagot sa kanya. Naging seryoso ang mukha ko kailangan kong humanda para sa sarili ko. Huwag ka matakot self.
Hindi ko pwedeng hayaan na lang ang sarili ko na insultuhin ng mga mayayamang inggrata na tulad ng babaeng ito.
"What tinawag mo akong masamang hayop?" nanlilisik na ang mga matang sinugod ako.
"Wala akong sinabi na ikaw, wala akong binanggit na pangalan. Ikaw lang 'tong nag-assume na masamang hayop ka nga. Huwag mong saluhin ang hindi para sa'yo. Feeling mo kasi para sa'yo nga iyon, kasalanan mo na 'yon!" sarkastikong sagot ko agad at hinanda ang sarili sa pananakit nito.
"Gaga ka! Wala kang respeto sa pamilya ng asawa mo. O, totoo kayang asawa mo si Kuya Gardo, baka lang pinikot mo siya? Malandi ka!" sigaw na nito sa akin.
Nakailag ako sa akmang pananampal niya sa akin. Ang bayolente naman pala ang bunso nilang kapatid. Kakaiba sa lahat ng magkakapatid. Ito lang ang may asal mabangis na hayop, ang mga kuya niya tamang mga tupa lang mababait.
Gaga lang na babae. "Ang magulang n'yo lang ang pwede kong irespeto. Pero kapag ang mga kapatid ni Gardo ay bastos sa akin never ko silang irerespeto," ganting sagot ko rin sa kanya.
"Aba't anong pinagmamalaki mo?" sinugod ulit niya ako at sa pagkakataon na ito ay hindi ko siya nailagan. Akala ko sasampalin niya ako ulit hindi naman pala. Sinabunutan ba naman niya ako kaya napasigaw ako sa sakit.
Ang higpit ng sabunot niya sa'kin kung wig lang ang buhok ko kalbo na ako ngayon. Masakit na sa anit dahil sa pabigla-bigla nitong paghila sa buhok ko. Kaya gumawa ako ng paraan para maipagtanggol ang sarili ko.
Si Gardo lang ang pwedeng sumabunot sa akin wala ng iba. Dahil ang sabunot ni Gardo sa akin ay hindi masakit dahil nakahawak lang sa buhok ko kapag kinakabayo niya ako. Ay sh!t bwesit! Mura ko sa sarili ko.
Nakakuha ako ng pagkakataon malakas ko siyang siniko sa tiyan nito. Napaigik ito sa ginawa ko. Kaya nabitawan nito ang buhok ko. Dahil nainis ako ay gusto ko rin siya sabunutan ng makaganti man lang.
Kaya ginawa ko rin ito sa kanya. Wala na akong pakialam kung magalit sila sa akin. Pinagtatanggol ko lang naman ang sarili ko. Napasigaw ito sa ginawa ko. Binitawan ko lang siya ng maalala na baka sikuhin din niya ako baka gumaya din sa ginawa ko.
Padabog kong binitawan ang buhok nito. Hindi ito makapaniwala sa ginawa ko. Akala siguro nito hindi ko siya papatulan. Ngumisi lang ako kahit natatakot ako sa susunod nitong gagawin.
Kung ako lang ay ayaw ko ng away, ang sakitan, pero ang ginagawa nito sa akin ay hindi pwedeng palampasin. Kailangan ko din iganti ang sarili ko.
"Walanghiya ka talagang babae ka! Hindi ka nababagay sa Kuya ko. Kaya gagawin ko ang lahat magkahiwalay lang kayo," galit na galit nitong sigaw sa akin.
Sana may makarinig sa amin dito ng matigil na ang babaeng baliw na ito.
Iiwas na lang ako kisa makipagbasag ulo sa babaeng ito. Wala naman akong mapapala kundi sakit ng ulo at katawan lang. Umilag ako ng akmang susuntukin niya ako. Tumakbo ako para makalayo dito pero na haplot niya agad ang buhok ko.
Napasigaw na naman ako dahil halos mabali na ang leeg ko sa pagkakahablot nito sa buhok ko. Malakas niyang hinala ang buhok ko kaya nawalan ako ng balanse. Napasalampak ako sa damuhan. Iyon naman ang ginawa nitong pagkakataon para mas lalo niya akong masaktan.
Malakas niya akong sinampal sa magkabilaang pisngi ko. Halos mabingi ako sa lakas ng pagkakasampal niya sa'kin. Lintik lang ng walang ganti. Kinaya kong tumayo para ipagtanggol ang sarili ko.
"Ganyan ang nararapat sa hampaslupang katulad mo. A gold digger, b!tch!" sigaw nito sa akin habang dinuduro duro niya ako.
Dahil sa galit ko sa sinabi nito kumuha ako ng lakas para makaganti sa kanya. Nakita ko na susugurin na naman niya ako kaya hinanda ko ang sarili ko. Sinugod ko rin ito at agad ko itong tinadyakan sa tiyan. Napaatras siya sa ginawa ko. Sinugod ko ulit malakas na suntok sa mukha ang pinakawalan ko.
Hindi pa ako nakontento lumapit pa ako at sinampal rin ito. Hindi rin ito nagpatalo tinadyakan rin niya ako ayon at tumilapon na naman ako sa damuhan.
Susugurin na naman niya sana ako ng makarinig kami ng malakas na sigaw. Nakakatakot at nakakataas balahibo ang galit na galit nitong pagsigaw.
Napalingon ako at si Gardo iyon kasama ang parents nito. Mabibilis na hakbang ang ginawa ni Gardo, makalapit lang sa kapatid n'ya. Napasinghap ako ng makita kong malakas nitong sinampal ang kapatid niyang babae. Hinablot pa nito ang braso at galit na galit niya itong tinignan.
"Gerardo! Wag mong saktan ang kapatid mo!" sigaw ng Mommy nito pero hindi ito nakinig.
"Sino ka para saktan ang asawa ko? Sino ka para gawin ito sa kanya? Maganda ang ipinapakita niya sa'yo tapos ganito ang igaganti?!" malakas na sigaw ni Gardo sa kapatid.
Nakakatakot naman ito magalit. Ngayon ko lang nakita na ganito kagalit si Gardo.
"Never ko pang sinaktan ang asawa ko. Kahit sa kadulo-duluhan ng kuko niya hindi ko magawang saktan, tapos ikaw na sampid lang dito nagawa mo siyang saktan. Hinding hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa asawa ko, b!tch!" galit na galit nitong binitawan ang pagkakahawak nito sa braso ng kapatid.
Gulat na gulat naman ang reaksyon ng kapatid nitong babae. Bakit niya tinawag ito na sampid?
Tinulungan naman ako ng ama nito na makatayo. Agad akong nilapitan ni Gardo at inispeksyon ang mukha ko ang katawan ko. Sabay halik sa noo ko.
"Ano ba ang ginawa mo Nina, at sinaktan ka ng anak ko?" galit na tanong ng ginang.
Umiling lang ako. Pero si Gardo galit na tumingin sa kanyang ina. "Wow, Mommy at nagawa mo pang pagbintangan ang asawa ko ngayong kitang kita naman ang ginawa ng ampon mo!" galit na sabi ni Gardo. Salamat sa kanya dahil pinagtatanggol niya ako.
Ampon ba talaga ang babaeng ito?
"Shut up Gerardo! Alam mo naman kung gaano kabalahura 'yang asawa mo! Kaya hindi ako magtaka na----"
"Maingay lang ang asawa ko pero hindi siya basagulera na kagaya ng ampon mo, Mom! Sige ipagtanggol mo pa ang sampid na babaeng iyan na anak ng sindikato! Ipagtanggol mo pa Mommy ang babaeng iyan at hahayaan ang kawalanghiyaan niyang pinaggagawa. Sa katatanggol mo sa ampon mo hindi mo namamalayan bagsak na ang negosyo n'yo!" galit na sagot ni Gardo sa ina nito.
Namutla ang kapatid nitong babae ng tumingin ako sa kanya.
"Stop it, Gardo, ina mo ang pinagsasabihan mo ng ganyan," suway ng ama nito.
"Asawa ko ang inaaway nilang dalawa. Kung ayaw n'yo sa kanya, okay lang sa akin. Magpakatao kayo hindi 'yung porke ayaw n'yo e, may karapatan na kayong bastusin siya lalo na ang saktan siya. Remember asawa ko siya at ako ang makakabalan n'yong lahat kapag sinaktan n'yo pa ulit ang asawa ko!" galit nitong sabi sa pamilya nito.
Agad na niya akong inakay palayo doon. At sa oras din na iyon ay umuwi na kami at hindi na nagtagal pa sa bahay nila.