Chapter 27

1517 Words
Nina Pov Umuwi kami agad dahil sa nangyari. Ang warfreak naman ng babae na iyon. Buti na lang nakaganti rin ako. Aba, hindi pwedeng hayaan ko lang na saktan ako ng hindi gumaganti. Baka ibitin pa ako ni Gardo ng patiwarik kapag hinayaan ko ang sarili ko na sinasaktan ng iba. Para saan pa ang tinuro nito sa akin kung hindi ko gagamitin di ba? "Kaya naman pala gano'n na lang kagalit sa akin ang babaeng iyon. Ampon n'yo pala siya, baka may gusto sa'yo ang babaeng iyon kaya galit na galit sa akin," bumuntong hininga ako. "Si Mommy lang naman ang may gusto na ampunin 'yon dahil nga wala kaming kapatid na babae. Pero habang lumalaki at nagdalaga kakaiba ang mga kilos kaya inimbestigahan ko siya. At iyon nalaman ko ang lahat. Bahala na sila Mommy kung maniniwala sila sa akin o hindi," "Naramdaman mo rin na may gusto siya sa'yo?" usisa ko. "Natural lalaki ako. Pero hindi ba siya nahiya na magkagusto sa akin e, kapatid namin siya. Gamit n'ya ang apelyedo ng mga magulang ko!" nahimigan ko ang pagkainis nito habang nagsasalita. "Kaya naman pala nagbanta pa siya sa'kin na gagawin daw niya ang lahat mapaghiwalay lang daw n'ya tayo," nguso ko. "Ano ang dapat natin gawin para hindi n'ya tayo mapaghiwalay?" tanong ko pa. "Mamalagi ka sa loob ng bahay, alagaan ang anak natin at paligayahin mo ako gabi-gabi. Bahay, trabaho lang din ako," sagot nito agad. "Aalagaan lang kita ipagluluto, at ipaglalaba, ekis muna sa paliligayahin kiss muna bago---" nag-smack kiss siya sa labi ko na ikinagulat ko. Sinamaan ko siya ng tingin. "Siraulo ka talaga. Hindi ko sinabing halikan mo ako!" simangot ko. "Sabi mo kiss muna kita. Madali lang naman ako kausap kaya ayan nag-smack kiss na ako. Kulang pa ba?" tanong nitong ngingiti-ngiti pa. Umirap ako. "Nakarinig ka lang ng kiss akala mo magpapahalik na ako sa'yo. Easy to get talaga 'yang labi mo! Kong saan-saan na lang humahalik wala kang disiplina na labi," inis ko na sabi. Humalakhak naman ito sabay kabig sa'kin. Humalik ito sa noo ko. Busy ang baby namin sa kandungan ni Gardo naglalaro sa bigay ng pinsan niya na laruan. "Ano bang dahilan bakit ka niya sinaktan?" tanong ni Gardo maya't maya. "Di ba nagpaalam ako sa'yo na maglakad lakad. Tapos kamuntik na akong naligaw pero nahanap rin ang tamang daan. Pabalik na ako sa garden ng harangan ako ng kapatid mo. Pinagsalitaan ako ng hindi maganda pero hindi ko siya pinansin. Ang nasa isip ko ay ayaw ko ng away kaya umiwas na lang ako. Ayon nagulat na lang ako ng sabunutan n'ya ako mula sa likod. Pakiramdam ko nabali ang leeg ko," bahagya ko pa ginalaw ang ulo ko. Napangiwi ako ng maramdaman ko ang sakit sa leeg ko. "Ang sakit ng sampal n'ya kabilaan pa. Hindi man lang ako nakaganti ng bongga. Dapat hindi ka muna pa dumating ng masapak ko rin sana," irap ko. "Pasalamat ka nga at dumating ako agad. Paano kung napuruhan ka ha? You don't know what she---" "Oo na, salamat! Huwag ka lang mag-english pa. Pinapasakit mo lang lalo ang ulo ko," awat ko na sa pag-english nito. Mahina naman itong tumawa. Kaya naman pala ang sosyal niya kapag nagsasalita ng english sobrang yaman rin pala ang angkan niya. Kaloka. Inaaway-away ko siya noon pinag-isipan ng kung ano-ano. Kayaman naman pala ng hinayupak na lalaking ito. "Bakit hindi mo sinabi na sobrang yaman n'yo pala? Di sana nakapag-gown ako ng hindi nanlait ang mata ng nanay mo sa akin?" inis ko pang sabi. "Hindi naman na kailangan na sabihin ko pa ang bagay na iyan sa'yo. Dahil hindi ko naman pagmamay-ari ang bahay na iyon. Kapag okay na ang lahat uuwi na tayo sa totoong bahay natin. Kahit isama mo pa ang buong pamilya mo ayos lang sa akin. Ang mahalaga ay masaya ka," malumanay naman nitong sabi. "Okay na sa akin ang bahay natin. Mas maganda 'yung gano'n lang kalaki para mas mapalapit pa rin tayo sa isa't isa. Huwag na 'yung sobrang laki dahil magsasayang ka lang ng pera," sabi ko naman. "Hayaan mo na ako. I just want the best for you and our baby. I want my queen and my princess to be pampered. Kaya wala kang karapatan na umangal," "Bahala ka na nga diyan sa gusto mo. Huwag ka lang magpapasok ng mga kamag-anak mo na hindi ko ka-close sa bahay mo," sabi ko na lang. Dinaan niya muna ako sa clinic para mapa-check up niya ako. Umayaw ako pero makulit ito para daw matignan kong may bali sa katawan ko. Para mabigyan rin ako ng ointment para sa pasa sa pisngi ko. Pagkatapos ng check up ay nag-take out na kami ng pagkain namin bago umuwi na ng bahay. Pagkauwi namin sa bahay ay agad sumalubong si Mama. Tuwang tuwa naman na nagpakarga ang anak namin. "Lala," sambit pa niya sa Lola niya. "Ang cute-cute talaga ng apo ko. Nag-enjoy ka ba doon ha?" magiliw na tanong ni Mama sa bata. Tumango naman ang bata. Kaya napangiti kami sa ka-cute'an ng batang malikot. Nauna na kaming pumasok ni Gardo sa loob dahil nagturo na maglaro sa palaruan sa labas ang bata. Pagpasok namin sa kwarto ni Gardo ay agad niya akong sinunggaban ng mapusok na halik sa labi. Napadaing ako sa sakit ng labi ko pero tumugon rin naman ako sa halik nito. Pinalo ko na siya sa braso ng hindi na ako makahinga sa malalim at makapugtong hiningang halik nito sa akin. Lumambot naman na ang paghalik nito sa akin. Pinaliguan niya ako ng munting halik sa buo kong mukha. "Next time mo ng halikan ang buo kong katawan masakit pa," nasambit ko ng nakakuha ako ng lakas at hindi na hiningal. "Of course, not now, hindi pa malakas ang katawan mo. Be ready," bulong nito sa punong tainga ko. Hindi pa nakontento bahagyan pa nitong kinagat iyon. "Nilalandi mo na naman ako nakakainis ka. Kapag ako bumigay dito mapapalo tayo ni Mama, mahiya ka naman kay Mama," simangot ko. Nangingiti naman itong inakay ako paupo sa may sofa sa kwarto namin. Nilagyan n'ya ng ointment ang pasa sa pisngi ko. Meron pa sa braso ko mga kalmot ng babae. Maya't maya ay tumayo ito at nagtungo sa likuran ko. Marahan niyang minasahe ang likod ng ulo ko, sa leeg, at balikat ko. Hindi ko naman mapigilan na mapaungol sa sarap ng masahe nito sa likod ko. "Stop moanîng, hon! Tinitigasan ako dito baka bigla kitang maangkin ng wala sa oras, kahit nandito pa ang Mama mo," banta nito. Gagawin pa naman nito ang sinabi. "Masarap naman kasi ang pagmasahe mo sa balikat ko. Gumagaan ang pakiramdam ko at ang sarap sa feeling. Ang sarap mo magmasahe hon," pinalandi ko pa ang boses ko para asarin ito. "Fvck!" mura ni Gardo. "Bawal ang magmura, uy. Maririnig ka ni baby Genina," suway ko agad. "Tara sa condo ko. Ewan na muna natin ang mag-lola dito. Hindi pwede na dito kita angkinin, mai-iskandalo ang nanay mo kapag narinig n'ya ang maingay mong ungol," tumayo na ito at hinila ako palabas ng kwarto namin. Hindi na ako nakaangal pa. "Ma, lalabas lang kami saglit ni Nina. Babalik rin po kami agad, may importante lang po kaming pupuntahan," paalam agad ni Gardo kay Mama. Nalibugan na talaga ito hanggang kiss at sipsíp lang kasi ang nagagawa nito. Hindi na nahiya kay Mama. "Sige mag-iingat kayo. Ako na ang bahala sa bata," sagot naman ni Mama. "Bye baby namin pakabait ka kay Lola, okay. Bye Ma," tumalikod na ako agad. Agad na kaming sumakay ng sasakyan. May mga nakasunod pa rin sa amin na tauhan ni Gardo. Kaya naman pala may mga tauhan bigatin rin pala ang hinayupak na ito. Bago kami lumabas ng kotse nito ay sinuutan muna niya ako ng sombrero at sunglasses. Gano'n rin ang suot nito. Noong last week lang nagpa-ear piercing kaming tatlo ng anak namin. Same kami ng style at kaliit. Sa may taas ng tainga ko pinalagay ni Gardo same lang rin sa kanya. May kakornihan rin pala ang lalaking ito, may nalalamang pang couple earrings. Ngayon naman couple cap at sunglasses. Napakapit ako ng napapatingin ang ilan sa mga taong nasa labas ng lobby. Pero si Gardo wala naman pakialam sa mga taong nasa paligid nito seryoso lang siya na naglalakad. Kaya ginaya ko rin ang style nito. Couple kami, eh. Kaya kung seryoso siya dapat gano'n rin ako. 'Yung paghanga ko sa paligid nawala. Dapat maging formal lang ang itsura ko. Para naman maka-level ako ng konte sa estado ng buhay ni Gardo. Ngayon lang naman ako magpaka-trying hard. "50?" bulalas ko ng pindutin ni Gardo ang level 50. Ganito kataas ang building na ito dito sa Manila? "Magugustuhan mo ang condo ko. Maganda ang tumingin sa tanawin sa taas. Nakakarelax lalo na sa gabi," sabi naman nito sa'kin. Hinapit niya ako sa bewang para magkadikit ang aming katawan. "Matigas pa rin ang alaga ko. Gusto na niyang tumuklaw agad kaya mag-ready kana mamaya," malanding bulong nito sa akin. Hinampas ko naman siya sa dibdib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD