Nagpanting ang tenga ni Bryan sa pagkarinig niya sa sinabi ni Maleah. Tiningnan niya ito ng masama. "Are you aware of what you are saying Maleah? Sa harap talaga ng asawa ko?! Hindi ka ba nahihiya!?" Salubong ang dalawang kilay ni Bryan na hinarap si Maleah. "Ang kapal naman yata ng mukha mo." "Bakit naman ako mahihiya Bryan kung alam ko naman na hindi talaga kayo kasal ni Pia!" Tumaas ang boses ni Maleah. Tiningnan din niya ng masama si Bryan. But she is highly motivated and confident na makuha niya muli si Bryan dahil sa dinadala niya. Sobrang saya niya ng nalaman niyang buntis siya. Agad tumingin si Agnes sa anak. Ang mga mata nito ay animo nagtatanong. "Hijo ano 'tong sinasabi ni Maleah? Hindi kayo kasal ni Pia? Ano 'to nagbahay-bahayan lang kayo!?" Pabaling-baling ang tingin nito sa

