"Bakit? Nandito lang naman ako ah. Willing ako na maging ama sa batang 'yan oras na ma prove ko na akin talaga ang dinadala ni Maleah!" Malakas din na wika ni Bryan. Pero nag matigas si Pia. Desidido na talaga siya. "Alam kong sayo yan Bryan. Dahil si K.A mismo nakakita na may nag video sa inyo ni Maleah." Natigilan si Bryan. Kunot ang noo nito at nagtaka. Si Maleah naman ay biglang napaangat ang mukha at tumingin kay Pia. Nagtama ang kanilang mga mata. Hindi mawari ni Pia ang kanyang nakikitang reaction sa mga mata ni Maleah, takot ba o pangamba o kaya ay saya dahil may testigo siya. "Bakit mo nasabi 'yan?" Takang tanong ni Bryan. "Narinig kung nag-uusap si Ian at K.A sa hospital the night na may nangyari sa inyo ni Maleah. Pinuntahan ka daw ni K.A dahil may nakapagsabi sa kanya na ma

