Busy ng oras na iyon si Justine sa kanyang opisina.
Wala siyang katuwang sa ngayon dahil nasa bahay ang kanyang asawa para sa preparasyon mamaya. At isa pa gusto Nadin niyang bigyan ng magandang trabaho ang Mrs niya, hindi bilang secretary niya kundi bilang Presidente ng kanyang kompanya. Ang totoo niyan alam na ito ng kanyang mga magulang at napagkasunduan nila na ilagay sa ganu'ng pwesto ang asawa nitong si Sofia. kahit paano kasi matalino naman ay asawa bukod pa roon marami na itong alam pagdating sa kompanya. Pero isang secreto lang muna ang plano nilang iyon. Kilala niya ang asawa ayaw din nitong ipaalam sa nakakarami kong ano ang katayuan nya sa buhay.
Kaya ngayon ay nag hire siya ng bagong secretary, hindi pa iyon alam ng asawa nya pero mamaya pag uwi ay kanya itong sasabihin.
habang nag pipirma si Justine ng mga dukomento sa mesa niya ay May biglang kumatok dito
"Come in". tugon nya sa taong kumakatok doon.
Pumasok ang isa sa mga empleyado niya si Joseph.
"Bakit Joseph May kailangan ka?" tanong nya sa empleyado
"Sir nasa lobby nadaw po ang bagong secretary nyo, sabi ni Mrs Sabel. Nasa banyo kasi sya kaya pinapasabi lang nito sa akin." anito
"sige pupunta na ako sa lobby." saad ni Justine.
Umalis naman kaagad si Joseph at bumalik sa trabaho nito, habang si Justine naman ay tumayo na sa kanyang kinauupuan
Inayos niya muna ang kanyang suot saka dumerecho na sa lobby.
Hanggang ngayon tinitilian parin siya ng mga kababaihan kapag nakikita siyang dumadaan, pansin iyon ni Justine kahit alam ng mga ito na May asawa na siya. Bukod sa mga luma ay May mga bagong empleyado na hindi alam na sya ay kasal na.
"Goodmorning sir". bati ng mga nakakasalubong niya.
Agad naman niyang binati pabalik ang mga ito. Dahilan para lalong kiligin ang ilang sa mga ito.
"Tumigil na nga kayo, May asawa na iyang boss natin. wag nyo nang pag pantasyahan ang amo natin, ang harot nyo. Hala bumalik na kayo sa mga trabaho ninyo". dinig na saway ng isa sa matagal na sa kompanya nya.
Palihim naman na natawa si Justine saka dumerecho na kong saan naghihintay ang bago niyang secretary.
Nang makita siya ni Justine ay bigla niya itong tinitigan ng matagal, dahil parang familiar ang babae sa kanya.
Kilig na kilig ng oras na iyon si Gretta. Aminin niya unang kita palang nya sa magiging boss nya ay nagustohan na nya ito. Gwapo, macho at higit sa lahat matangkad isa sa mga nagustohan ni Gretta dito. Mas lalo siyang kinilig kong paano siya titigan ni Justine ng matagal, pakiramdam nya ay same feelings ang kanilang nararamdaman.
"Hi sir, ako po si Gretta Ramos, ang bago nyong secretary ". aniya sabay lahad ng kamay nito kay Justine."
doon lang biglang natauhan si Justine ng mag salita ang bago niyang secretary, si Gretta. Hindi niya maalala kong saan niya nakita ito pero sigurado siyang nameet na nya ito before .
"sige miss Gretta, iyon na lamang ang mga rules na kailangan mong sundin. Bukas ang simula mo sa trabaho, agahan mo sana at wag kang mag palate." saad ni Justine sa kay Gretta matapos nitong ipaalam dito ang mga rules sa kompanya kapag nag start na ito sa kanyang trabaho...
Naasiwa si Justine dahil malagkit ang titig sa kanya ng bagong secretary, mukhang mas kailangan nya Atang mag ingat dito lalo na at parang supestekada din ang dating nito.
Nagpaalam na si Justine sa babae at pumasok na sa opisina nya.
"Ang yummy ng boss ko, swerte ata ako sa kanya. Gagawin ko lahat para lang mainlove ito sa akin, wala akong pakialam kong May girlfriend na ito basta sisiguraduhin kong bibigay ito sa akin." bulong ni Gretta sa kanyang sarili habang tinitingnan ang papalayo ng pigura ng amo nya.
Masayang umalis si Gretta sa building na pinasukan nya, agad nitong ibinalita sa Ina ang pagpunta nya sa building na pagtatrabahuhan nya.
"Mommmyyyyyy". pasigaw na sambit ni Gretta ng sagutin ng Ina ang tawag nya. Halata rin sa boses ni Greta na kinikilig ito at para bang May magandang ibabalita sa kanyang Ina.
"Yes mahal kong anak? Mukha yatang masaya ang aking unica hija ah, " Anas ng Ina dito.
"guess what mommy". ani Gretta na gustong ipahula sa Ina kong ano ang tunay niyang nararamdaman ngayon.
"Okey May nanliligaw sa'yong Poging mayaman?" hula ng Ina
"Mommy tama ka, pero mommy sobra pa sa inaakala moooo". aniya
"Ibig sabihin ba anak isa siyang tagapagmana? or CEO ng isang kompanya?" hula ulit ng ina
"Yes mommy siya ang boss ko, ang pogi niya mommy batang bata pa, at alam mo ba mommy Nong una kaming nagkita kanina tinitigan nya ako ng matagal, pakiramdam ko mommy na love at first sight sa akin ang magiging boss ko, sa tingin mo mommy?" Galak na sambit ni Gretta sa ina.
"abay sino ba naman kasi ang hindi mapatitig sayo anak, e gandang ganda mo kaya. Maja ka sakin. Tiyakin mong makukuha ninang magiging boss mo, ng sa ganun mas yayaman tayo. Maiinggit nanaman sakin ang dalawa kong ate haha. Galingan mo anak, kong kinakailangan akitin mo ng makuha mo agad". pautos na wika ni China sa anak na si Gretta."Naku mommy hindi mo na kailangan pang sabihin iyan, dahil talagang gagawin ko po iyan sa kanya. Lalo na at gusto ko rin sya mommy. Excited na akong papasok bukas sa opisina makikita ko nanaman siya".. kinikilig na sambit ni Gretta.
"Sige na umuwi ka kaagad ng maaga dito at mag pasalon tayong dalawa. Kailngan maganda ka bukas at fresh na fresh, paghandaan mo ang muli nyong pagkikita ng boss mo." saan pa ni Chin sa anak
"Coming mommy pauwi na po ako, wait Moko mommy, bibili din ako ng bagong damit ngayon sa mall, gusto ko sexy at ako lang ang maganda bukas sa opisina". anito
"Tama anak, sige hihintayin kita sa labas. Bilisan mo ingat my dear Iloveyou ". ani China sa kanyang Anak
Ibinaba na ni Gretta ang tawag saka nag fucos sa kanyang pag maneho.
Hindi mawala wala sa labi nito ang malapad na ngiti, pakiramdam niya ay higit pa siya nanalo sa lotto.
ITUTULOY