Chapter 16

1053 Words
Tanghaling tapat ng tawagan ni Sofia ang asawa na si Justine sa Ospina nito. Aniya nakauwi na raw ang mga magulang at nasa bahay na ito ngayon Siya nalang ang hinihintay ng mga ito para makapagsimula na silang kumain. Tinatanong ni Sofia kong anong oras ito makakauwi. Nang matapos makausap ni Justine ang asawa ay saka siya nagmamadaling nag-ayos. Pina-cancel din nito lahat ng kanyang appointment ngayon dahil balak din nitong ipasyal ang asawa mamaya after nilang kumain sa bahay. Gaya ulit ng dati ay sa tuwing makakasalubong si Justine ng mga empleyado niya ay agad siyang binabati ng ito. Hindi parin mawawala ang mga babaeng nagpapansin sa kanya at kinikilig kapag siya ay dumadaan sa hallway. Nakarating narin sa wakas sa lobby ng building si Justine kong saan naka-park ang kotse nya, binuksan niya iyon saka pumasok sa loob. Sinimulan narin niyang paandarin ang kotse palabas ng building. Muling tumunog ang celphone ni Justine, nakita niya na ang asawa ang caller.Inihinto niya muna sa gilid ang kotse saka sinagot ang tawag. "Hon nasaan Kana? tinatanong nila mama at papa kong nasaan Kana daw?" boses ng kanyang asawa. "Honey nasa byahe na ako, medyo traffic baka 1pm diyan na ako, pakisabi kila mama at papa okey," anito "Sige hon mag ingat ka iloveyou". malambing na saad ng asawa "Iloveyou hon ". aniya Hinintay ni Justine na ibaba na asawa ang tawag saka niya muling pinaandar ang kotse palayo sa lugar na iyon. Medyo traffic dahil 12noon ng mga oras na iyon. Mukhang aabutin siya ng isang oras sa byahe kahit na kapag normal days, naman ay inaabot lamang sya ng 29 minutes bago marating ang kanilang bahay. Samantala Kausap ni Sofia ang mga magulang ni Justine, mabait ang mga ito at malambing sa kanya. Natutuwa sila kay Sofia dahil mabait ito at maalaga sa loob ng bahay. Bukod pa roon masarap magluto si Sofia at hindi rin maluho sa katawan. Kaya isa iyon sa nagustohan ng kanyang mga Byanan sa kanya. "Hja hindi kapaba buntis?" tanong ng mommy ni Justine na si Amanda "H-hindi pa po mama. Pero sinusubukan na po namin ni Justine ang makabuo". nakangiting sagot ni Sofia sa kanyang biyanan. "Ano ba naman iyan si kuya ang hina naman niya". biglang singit ng dalagang kapatid ni Justine na si Nicole 20 anyos lang ito at kaedad ni Jaya. Closed na rin si Jaya sa kay Nicole minsan narin ang bonding ang mga ito. "Hey ikaw Nicole mag tigil-tigil ka diyan ha. Bata kapa masyado para sa ganitong usapan hala tumulong ka kila manang na maghain don".saway ni Amanda sa anak saka ito inutusan. Nakanguso namang sumunod si Nicole sa Ina saka ito pumunta sa kusina para tulongan sila manang na maghain ng mga pagkain, habang hinihintay nila si Justine. "Abay hina anak bilis-bilisan nyo naman. Gusto ko na magka apo sa inyo". Pakiusap ni Amanda sa manugang "Wag po kayo mag-alala mama, darating din po kami diyan ni Justine. " sagot niya sa kanyang biyanan "Aba dapat lang anak, gusto ko nang magkaroon ng apo na makakalaro. Ilang taon na ang nakalipas ng hindi ako nakahawak ng baby, aba galing-galingan nyo naman". anito Maya-maya pa ay biglang bumalik ang daddy ni Justine na mula sa banyo. "Oh ano na pinag-uusapan nyo?" tanong nito ng makaupo na sa tabi ng asawa "Itong anak mo nga kausapin mo nga iyon, baka kasi nahihiya pa dumeskarte dito sa asawa kaya hindi pa makabuo-buo eh". Sambit ni Amanda sa asawang si Philip "Jay naku Amanda, pinapangunahan mo naman ang mga bata, hayaan mo silang dumeskarte muna. Saka bata pa naman sila pwede na sila mag baby kong handa na talaga sila, malay mo mas May inuuna silang ibang bagay na pinagkakaabalahan. Gusto mo tayo nalang muna ang gumawa". pabirong wika ng asawa . Natawa naman si Sofia dahil literal na mapagbiro ang nyang lalaki. "Huy ohilipi tigil-tigilan mo ako, kong noon sana pumayag ka dumagdag tayo ng isa eh edi tatlo sana anak natin, ngayon kapa gagawa e wala na akong matres'! Inis na sambit ni Amanda sa asawa "Itong misis ko pikon nanaman sa akin, palibhasa walang dilig kagabi". anito "Hoy philipi mag dahan_dajan ka naman sa pananalita mo, nakakahiya sa manugang mo aba". "Haha ayos lang mama, naiintindihan ko po kayo. " sambit na lamang ni Sofia sa mga ito. "Ah basta anak, wag n'yong madaliin ang pag gawa, hayaan mo itong mama mo gusto lang kasi nitong magkaroon agad ng apo sa tuhod para May makalaro, Basta mag fucos na muna kayo sa mga ginagawa nyo, lalo na ang kompanya balak na ata ng asawa mo na ikaw ang gawing Pres sa company". nagulat si Sofia sa narinig mula sa kanyang byanang lalaki. "po?! pero bakit po ako? Hindi po ba si mama ang pres at kayo ang Chairman? Si Justine naman po ang CEO. Pero bakit po ?" naguguluhang tanong ni Sofia Si Amanda na ang sumagot. "Alam mo kasi Sofia anak, gusto ko nang mapahinga sa bahay, May sakit ako sa puso't bawal akong mapagod, sinabi na itong ng doctor ko. Kaya gusto kong ipasa sayo ang posisyong iyon para dalawa na kayo ng asawa mo ang mag aasikaso non, kasama syempre ang papa mo". anito "Pero andiyan naman po si Nicole ". sabat pa ulit ni Sofia "Hay naku ate Sofia, wala akong hilig diyan, balak ko mag model kapag Naka graduate na ako, sa tingin ko mas okey kong ikaw ang hahawak Nong company kasama si kuya, alam namin na matalino ka at kaya mong gampanan ang tungkuling ibibigay nila mama at papa sayo." Nakangiting sambit ni Nicole na bigla nalang lumabas mula sa kusina. "Pero secretary po ako ng asawa ko". muling sambit nito "Wag ka mag-alala madali lang naman ang makahanap ng bagong secretary ng asawa mo basta ang magiging papel mo na sa Ospina ay president na. Wag mo sanang sirain ang tiwala namin sayo anak". malambing na sambit ng byanang lalaki Maluha-luha namn si Sofia dahil pinagkatiwalaan siya ng kanyang mga byanan. Hindi niya ito inaasahan. "ma, pa, maraming salamat po sa tiwala nyo sa akin, pangako po hindi ko po sisirain ang tiwalang binigay nyo po sa akin. Mas galingan ko po sa trabaho ko bilang katiwala nyo". maluha-luhang sambit ni Sofia. Sa ganong Ayos siya naabutan ng asawang si Justine. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD