Chapter 17

1302 Words
May pag-alala sa mukha ni Justine ng lumapit siya sa kanyang asawang si Sofia. "Mahal anong nangyari?" Takang tanong ni Justine sa asawa. "Wala mahal, masaya lang ako dahil sa sinabi ng mommy at daddy mo sakin". tugon ni Sofia Tumingin naman si Justine sa mga magulang na para bang inaalam nito kong ano ang sinabi nila kay Sofia. "Ang bagal mo kasi mag kwento anak, kaya sinabi na namin sa asawa mo na maging Presidente sya ng kompanya natin. Magtulungan kayo at ikaw naman na ang CEO Araw araw na kayong magkasama sa Ospina". sambit ng kanyang Ama tumingin naman si Justine sa mahal na asawa at hinalikan ito sa nuo. "Akala ko naman mahal kong napano Kana. Tara na kumain tayo". aya ni Justine sa kanilang lahat "Hay salamat naman kuya, at nagugutom na ako." singit bigla ni Nicole ang bunsong kapatid ni Justine "Kahit kailan patay gutom ka talaga". pang-aasar ni Justine sa kapatid "Tsee!" sagot na lamang ni Nicole sa kanyang kuya Nagtwana naman ang kanilang mga magulang,ganun din si Sofia Nagmukha kasing batang dalawa na nag asaran. After nilang kumain ay sabay na umakyat sa kwarto ang dalawang mag-asawa. Bukas na ang balik ni Justine sa trabaho, kasama ang mahal na asawa. Tinulungan ni Sofia ang asawa na tanggalin ang suot nitong Damit pang opisina. After nun ay binigyan din nya ng pambahay ang asawa para presko na ito tingnan Ilang sandali pa ay sabay na humiga sa kama ang dalawa para magpahinga Humiga sa braso ni Justine si Sofia. "Mahal handa kanaba para bukas?" tanong ni Justine sa asawa "Oo mahal, medyo kinabakahn ako pero andyan ka naman eh. Kaya ko ito". aniya Hindi sila magkasama sa iisang kwarto pagdating sa opisina bukas. May sariling kawrayo si Sofia doon at ganun din naman si Justine Pwede ring magkaroon ng sariling secretary si Sofia at ganun din si Justine. At ang secretary niya ay sya na ang bahalang maghanap para sa kanya. Dahil hindi makatulog ng mga oras na iyon ang mag-asawa ay inaya na lamang ni Justine ang asawang si Sofia na pumunta sa mall. Simpleng suot lang ang isinuot nila gaya ng dati na kong paano nila gusto manamit sa labas. Nang makarating sila sa mall dinala ni Justine ang asawa sa parlor, tumanggi Man si Sofia ngunit huli na dahil pinasok na sya mismo ng asawa sa loob. "Yes sir maam, sir? Ano pong atin?" tanong nang bakla sa kanila Si Justine ang sumagot. "Gusto kong ayusan mo ang aking asawa, yung babagay sa kanya". ani Justine "Sure sir kami na bahala kay ma'am, kahit na maganda na si ma'am pagagandahin namin lalo". nakangiting sambit Nong bakla sa kanila Pinaupo na ng bakla si Sofia sa Parlor chair nito, nagpaalam naman si Justine sa asawa para tumingin tingin sa men's wear. Agad namang sumang-ayon sa kanya si Sofia para hindi na rin ito mabagot kakahintay sa kanya. Samantala nasa kabilang parlor din noon ang mag inang Gretta at Chin Ramos. Palabas na sila ng naturang Parlor ng mapansin ni Gretta si Justine ang kanyang magiging boss. Mabilis na tumakbo si Gretta para habulin ito dahil tila nagmamadali ang boss nya. "Sir sandaliii". tawag ni Gretta kay Justine Noong una ay hindi ito narinig ni Justine pero sa pangalawang tawag ni Gretta ay narinig na nya ito. Nakita ni Justine ang babae, inalala niya ulit kong sino ito dahil naiwan nya ang kanyang salamin sa bag ng asawa. Kilig na kilig naman si Gretta dahil inakala nitong nagustohan ng magiging boss nya ang kanyang bagong look, kaya ito nakatitig ng matagal sa kanya. "Hi sir Justine, ano po pala ginagawa nyo dito?" Kiming tanong ni Gretta sabay pa sweet nito kay Justine Doon na nakilala ni Justine nang makalapit na mismo sa harapan nya si Gretta. "Oh hi Gretta Ramos? May bibilhin lang". tipid na sagot ni Justine akmang aalis na ito sa harapan ni Gretta ng pigilan sya ng babae. Tiningnan naman ni Justine ang kamay kong saan nakahawak si Gretta. Napilitang Binitawan ni Gretta ang kamay ng boss nya. "bakit May kailangan kaba miss Gretta?" Seryosong tanong ni Justine dito. pero bago pa sumagot si Gretta ay sumulpot na ang mommy niya. "Ano kaba naman anak, bakit mo ako iniwan don? Sino ba iyong hinabol mo ha?! inis na turan ng Ina "Mommy si sir Justine sya po ang boss ko". pagpapakilala ni Gretta kay Justine sa kanyang Ina "Anak siya ba ang kinuwento mo kanina sakin?" Galak na tanong ng Ina tumango si Gretta bilang tugon dito. "Hi Sir ako pala ang mommy nang magandang dilag na ito, heheh nice meeting you sir". wika ni Chin kay Justine "Same to you ma'am. Sige po at May bibilhin pa kasi ako". paalam ni Justine sa kanila subalit muling pinigilan ni Gretta si Justine "Yes miss Gretta? May kailangan kapaba?" Naiinis na si Justine dito pero hindi niya pinahalata. "If wala ka pong kasama sir baka gusto mo samahan po kita?" malambing na sabi ni Gretta. "No tnx nalang miss Gretta, kaya ko nang mag-isa. At isa pa May kasama ako iniwan ko lang saglit." tugon ni Justine saka umalis na sa harapan ng dalawa. tinampal ng mahina ni chin ang anak sa balikat nito lumingon naman si Gretta sa ina "My naman masakit ha". reklamo ni Gretta "Swerte mo anak, ang gwapo nga niya, pero bakit simple lang ang suot n'ya? siya ba talaga ang boss mo?" tanong ng Ina kay Gretta "Hindi naman ako pwedeng magkamali no, malay mo mas gusto niya ang simple kapag nasa labas sya. at tama ka mommy gwapo nga nya, kaya nga nababaliw na ako sa kanya eh." kilig na sambit nito "Alam mo ba mommy tinitigan nya ako ng matagal kanina". kilig na kilig na pag kwento ni Gretta sa Ina "Talaga anak? Maganda ka naman kasi talaga anak, at lalo kang gumanda dahil sa ayos mo ngayon".proud na sambit naman ng Ina "Talaga mommy? Sure akong mahuhulog din ang loob ni sir sakin. sisiguraduhin ko iyon mommy". aniya "Dapat lang no, para naman makabingwit Kana ng isang CEO ng kompanya para lalong mainggit sila ate sayo, May pamangkin silang magkakaroon ng ceong asawa balang araw". Muling wika ng Ina na para bang nangangarap sila ng gising After 2 hours sa wakas natapos nang ayusan ng bakla si Sofia. Lahat ng naroon ay namangha dahil malaki ang pinagbago nito. Sakto namang pumasok na rin sa loob si Justine mula sa labas, pagkakita palang sa asawa nya ay para siyang na live at first sight ulit sa asawa. binitawan ni Justine ang dala dala nya saka marahang lumapit sa asawa. "Wow you look so beautiful mahal". sambit ni Justine sa asawa Pumalakpak naman ang mga tao na nasa loob ng parlor na iyon. Para silang nanunuod ng isang sweet movies "Ang sweet nyo naman masama sir, bagay na bagay po kayo sa isat-isa ". Anas ng baklang nag ayos kay Sofia. Pati si Sofia ay hindi nakilala ang sarili, kailan ba siya huling nagayos ng ganito? Nong Highschool lang ata Nong JS prom nila. Pero ngayon masabi niya na mas gumanda sya ngayon at elegante nya tingnan. Nagbayad na si Justine sa bakla saka binigyan ito ng tip. Nagpasalamat naman ang bakla dahil malaki ang tip na binigay ng dalawa. Umalis narin ang dalawa , habang naglalakad sila palabas ng mall ay nakita namn sila ni Gretta at Chin. "Mommy sino iyang kasama ni sir Justine?" Takang tanong ni Gretta sa ina "Oo nga ani ano? nakahawak pa si sir mo sa bewang ng babae ang sweet nila Sigurado kabang walang nobya or asawa ang crush mo na iyan?" balik tanong ng ina ni Gretta. Nakaramdam ng selos si Gretta lalo na at nakita nito kong paano alalayan ni Justine ang babaeng maipasok sa loob ng kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD