MAAGANG nagising sina Justine at Sofia Kinabukasan. Sabay narin silang naligo para sabay silang makababa para makapag almusal. Nakahain narin ang kanilang almusal ng oras na iyon. Papasok kasi sila work ngayon pero hindi sila maaaring sumabay dahil May dadaanan pa si Sofia pag alis niya ng bahay. Pupuntahan pa nito ang kanyang kapatid para kamustahin ang lahat nito.
Ito kasi ang unang beses na hindi sila magkasama matulog sa bahay, inaya naman nito ang kapatid na sa kanila na tumira pero ayaw nitong sumama. Lalo na at ayaw niya daw iwan ng kapatid ang bahay na ilang taon na nilang tinirhan. Kahit na patay na ang mga magulang ay ayaw parin umalis ni Jaya doon.
Naunawaan naman niya ang kapatid pati ni Justine ,kaya napagkasunduan nila na kapag weekends don sila matutulog para makasama ang kapatid.
Pagkatapos kumain ng dalawa ay masayang nagpaalam ang mag-asawa sa isat-isa.. magkikita nalang ang mga ito sa opisina.
Dumerecho si Sofia sa bahay ng mga magulang, sakto at pagpasok niya palang sa gate May gate ay palabas narin ang kapatid, nakabihis na ito at handa ng pumasok sa school.
"Uy ate magandang umaga. May kailangan kaba?" tanong ng kapatid ng makita sya.
"Wala naman gusto lang kitang kamustahin dito. Kamusta ang tulog mo na wala ako ha?" usisa nya sa kapatid
"Ayos lang naman ate, nga pala papasok na ako, pumasok ka nalang sa loob ate kong May kailangan ka doon". saad ng kapatid.
"Sige na sabay na tayong umalis, derecho narin ako sa opisina para magtrabaho. Mag ingat ka sa school mo okey? Wag pabayaa. ang sarili mo, kapag May kailangan ka lalo na sa mga bayarin wag kang mahiyang mag sabi sa ate mo". nakangiting turan niya sa kapatid
"Ate naman, wag na. Kaya ko naman at isa pa May pera naman na iniwan sakin si mama iyon nalang ang gamitin ko, sapat na iyon para makatapos ako ng aking pag-aaral. Ikaw ang sarili mo muna ang alalahanin mo, lalo na at May asawa Kana ate ,bigyan nyo nalang ako ng pamangkin sapat na ako doon". natatawang sambit ng kapatid
Natawa narin si Sofia dahil sa sinabi ng kanyang bunsong kapatid.
"Darating din kami diyan ng kuya mo kaya, sa ngayon kailangan muna naming magtrabaho kahit na pag-aari nila ang kompanya na tinatrabahohan namin
Hindi sapat iyon para maging feeling reyna ako sa bahay nila. Kailangan kong kumita sa sarili kong sikap. Kaya ikaw Jaya wag ka muna mag boyfriend hangga't di mo natapos ang pag-aaral mo. I mean pwede naman pero wag kang bumigay kaagad maliwanag ba?" bilin nito sa kapatid
"Opo ate, alam ko po ang limitasyon ko, at isa pa pag-aaral talaga ang priority ko ngayon". anito
Habang naglalakad silang dalawa at sakto namang nakasalubong nila ang kanilang tita. Sina Chin at Marian.
Mukhang kakagaling lang ng mga ito sa pag jojoging
Huminto ang mga ito sa harapan nila mismo at lumapit pa.
Akmang lalampasan na ng dalawa ang kanilang tita ng bigla silang pinigilan ng mga ito.
"aba Naka uniform, ang isa papasok ang isa naman sa trabaho. Wow May ipagmamalaki narin. Pero teka Sofia anong trabaho mo?? janitress?? na pilit pinaganda ang suot na uniform para sabihin na mataas ang posisyong inaplayan mo?" mataray na sambit ng kanyang tita Chin
"Wala na kayong pakialam don tita kong ano man po ang trabaho ng ate ko, pwede Ho ba malalate na kami sa aming mga papasukan". sabat ni Jaya
"Wow malakas din ang loob mo Jaya na sumagot ngayon sa amin ah, May paaral aral kapang nalalaman eh gagaya Kadin naman sa ate mo na lalandi ng maaga, ang malas lang din kasi mukhang sa lalaking wala rin sa buhay ang pinatulan ". baling sa kanya ng tita chin nya
natawa nalang din ang Tita Marian nila dahil sa sinasabi ng kapatid sa pangkain niya.
Imbes sagutin ang dalawang tita ay nilampasan nalang din nila Kaya at Sofia ang dalawa kahit na pilit parin silang sinisigawan.
"mga bastos!" sigaw pa ng tita chin nya.
Hindi na lumingon ang dalawang magkapatid at dumerecho na sila sa kanilang paglakad
"Ate sa totoo lang gustong-gusto ko na silang patulan kahit na tita natin sila. kaya lang May pag galang parin ako sa kanila dahil iyon ang tinuro nila nanay satin. Nakakainis ang hirap mag timpi". ani Jaya
"Hayaan mo na sila Jaya, darating ang araw na kakarmahin din ang mga iyan, hindi sa lahat ng oras nasa ulap sila at nanatili tayong nasa lupa na tinatapak-tapakan lang. balang araw makakaganti din tayo sa mga iyan basta ikaw aral ka ng mabuti para May maipagmamalaki ka sa kanila". Paalala muli ng kapatid sa bunso nito
Sa wakas nakarating na sila sa sakayan, bago sumakay ng taxi si Sofia ay pinasakay nya muna ang kapatid sa jeep.
Kumaway naman si Jaya ng makaalis na ang jeep palayo sa kanya.
Saka naman pumara ng taxi si Sofia para pumasok sa Opisina. Tinawagan pa sya ng asawa para alamin kong nasaan na sya. Sinabi niya dito na papunta na ito ngayon sa office. Ibinaba na nito ang tawag saka nag abot ng bayad sa driver , saka sinabi dito kong saan sya ibababa.
Makalipas ang 30 minutes ay nakarating narin si Sofia sa building kong saan naghihintay ang kanyang asawa. Nasa 17tj floor pa iyon , hindi niya kakayanin kong mag hagdan sya kaya naghintay nalang sya na May nabakanteng elevator.
Nang mga oras na iyon kasi ay punoan ang elevator dahil oras talaga ng dating ng mga empleyado. Hindi nakasiksik si Sofia kaya ko choice siya kundi maghintay pa ng ilang minuto.
Habang naghihintay si Sofia ng elevator ay napansin nya sa kabila ang pinsan na si Gretta. Nagtaka si Sofia at pilit tinakpan ang mukha ng sa ganun ay hindi siya makita at nakilala nito. Dahil alam ni Sofia ang mangyari kapag nagkita sila dito. Kukutyain nanaman siya ng pinsan. Hilig pa naman Nong mamahiya sa public.
"Arghh nakakainis late na ako, sana lang hindi magalit ang pogi kong boss sa akin. Sayang naman naipit pa ako sa traffic arghh.. kakatress, balak ko pa naman pumasok ng maaga para mauna ako sa boss ko hays". dinig niyang bulong ng pinsan. Halos magkatabi lang silang dalawa pero dahil natakpan ng envelope ang mukha ni Sofia kaya hindi sya nakilala ng pinsan
"Mukhang hindi trabaho ang pinunta ng pinsan dito, kundi paglalandi sa boss nya. Naku malas ng boss nya at ito pa ang naging katrabaho nya.. sana lang wag bumigay ang boss nito sa pinsan
Sa wakas May elevator na, May iilang sakay doon pero kasya namn sila. Mas pinili ni Sofia na sumakay sa likuran para di sya gaanong mapapansin doon
Bago iyon ay pipindutin na sana nya ang 17th floor ng maunahan siya ni Gretta.
Hindi tuloy maiwasang mag isip ni Sofia kong saang department ang kanyang pinsan. Ibig sabihin kasi iisang floor lang sila. At ang alam ni Sofia ang 17th floor ay sakop iyon lahat ng asawa niya.
Kinakabahan si Sofia , maaring si Gretta ang bagong secretary ng asawa, wag naman sana dahil hindi niya iyon papayagan. Dahil kilala nya ang pinsan, hindi ito titigil hangga't di nakukuha ang gusto nito ,wala itong pakialam kahit na May nasasagasaan silang iba. Mahalaga dito ay makuha talaga ang gusto nya. Kinakabahan tuloy si Sofia.Sana mali lang ang naisip niya..
ITUTULOY