Chapter 19

1287 Words
Sa WAKAS nasa 17th floor na sila, nagmamadaling lumabas si Gretta ng elevator pagkabukas noon. Sumunod naman si Sofia sa kanya. Sa presidential hall dumaan si Sofia kong saan mga matataas lang ang dumaan doon Hinarang siya ng ng isa sa mga guard na nakatoka sa pwestong iyon. "Ma'am bawal po kayo dito". sambit Nong guard sa kanya. "Bakit bawal?" Takang tanong ni Sofia "CHAIRMAN AT CEO lang ang pwedeng dumaan dito ma'am. Ang empleyado doon mismo sa harapan ang daan". anito Tama nga si Sofia nakalimutan niya hindi niya nga pala sinabi sa asawa na ipakilala na sya. Dahil ang gusto nya manatiling secreto ang namagitan sa kanila ng asawa. May iilang nakakaalam lalo na ang mga matatagal na sa kompanya. Pero ang mga baguhan dito ay literal na hindi sya kilala lalo na nito h guard na kaharap nya Ang mga nakakilala lang kay Sofia ay ang HR, Iilang employees na May edad na at yung dalawang guard na nasa baba nakatoka. Pero meron ding nasa harapan na kilala sya, pero tikom ang bibig nito dahil alam nitong secreto ang pagkakilanlan ni Sofia. "Sorry nagkamali __ sasabihin na sana iyan ni Sofia ng lumapit ang guard at sinabihan ang kasamahan nito. "Kabaro, padaanin mo si ma'am diyan". anito "Sorry sir hindi ba't bawal ang empleyado dito?" Takang tanong Nong guard tumingin muna ang guard kay Sofia na para bang hinihingi ang permiso nya na sabihin ang kanyang pagkakilanlan. Tumango si Sofia saka nagsalita ang matandang guard. "Ano kaba siya si Mrs Sofia ang asawa ng boss natin". anito Lumaki ang mata ng bagohang guard at humingi ng sorry "Ayos lang iyon basta wag nyo munang ipakalat sa iba na asawa ako ni Justine. Maliwanag ba? iilan lang ang nakakaalam dito. Ayaw kong May nakakilala pa sakin. Maliwanag ba?" utos ni Sofia sa kanila "Masusunod ma'am". sabay na sambit ng dalawa pumasok na si Sofia at dumerecho sa kanyang pwesto. Pero bago sya makarating doon ay madaanan nya muna ang pwesto ng ibang mga empleyado lalo na sa HR department at It department. ibang babae ay naagaw ang attention ni Sofia, at hindi maiwasang mag bulong-bulungan para pag usapan sya. "Bago ba sya?" girl 1 "Parang familiar siya, pero di ko lang maalala kong sino"? girl 2 "Maganda sya ha". girl 3 mga bulong-bulungan nila na nadidinig naman ni Sofia. Nilampasan nya lang ang mga iyon saka pumasok sa kanyang pwesto. Sinabi na ng asawa nya kong saan sya puwesto ngayon. Dahil isa na syang presidente ng kompanya. Sa sunod na Linggo ay magkakaroon na ng announcement para ipaalam sa lahat ang bagong patakaran at bagong boss ng mga ito. Nakapaskil na ito sa bawat department kaya handa narin ang iba roon at excited nang malaman kong sino ang bago nilang boss na kailangan nilang galangin SAMANTALA Nakapasok narin si Gretta sa loob kong saan makakaharap na niya ang kanyang boss na pinapantasya nya. Nagpaganda pansiya ng husto para mabilis siyang mapansin ng boss nya. Kumatok siya ng makarating siya sa opisina ng boss nya. "CO'm in". tugon ng boss nya. Mabilis na pinihit ni Gretta ang seradura saka dere derecho ng pumasok sa loob. "Goodmorning sir". kiming bati niya kay Justine ang kanyang boss. "goodmorning din, nasa table mo na ang dapat mong gawin. Kapag May clients tawagan mo agad ako dito sa loob". aniya kay Gretta bigla namang nainis si Gretta dahil ni hindi manlang sya tinitigan ng matagal ni Justine Nagpaganda pa naman sya ng husto. "Sir gusto nyo ba ng kape? ipagtimpla ko kayo". alok ni Gretta "Thanks pero nagkape na ako, sige na magsimula Kana sa trabaho mo". utos ni Justine sa kanya Muling nainis si Gretta dahil pakiramdam nya tinataboy sya ng boss niya palabas. wala nang nagawa si Gretta kundi lumabas at umupo sa kanyang pwesto bilang secretary ni Justine Nagpaalam muna si Gretta sa boss na pupunta lang sya sa banyo. Pero ang totoo n'yan gusto lang nitong mag retouch dahil pakiramdam nya hindi sapat ang kanyang ayos para titigan sya nito ng matagal Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkita ang dalawang magpinsan Ang mas malala pa nakita ni Greta si Sofia na nag pupunas ng salamin sa banyo. "Sofia asa my dear cousin". sambit ni Gretta dahilan para lingunin ni Sofia ang pinsan "So dito Kadin pala nag tatrabaho bilang janitress? ows akala ko ba nakatapos ka ng collage? pero bakit sa pagiging janitress ka napunta? Nakakahiya ka nama, isang mababang uri" pang iinsulto muli ni Gretta kay Sofia Kong kailan nag iingat si Sofia saka naman sya nakita ng pinsan sa ganu'ng kalagayan. "Wala kang pakialam kong ano man ang trabaho ko Gretta, kong kinakahiya mo akong pinsan mo, wag ka mag alala hindi ko rin naman inaaring pinsan kita". hirit ni Sofia dito "Mag ingat ka sa pananalita mo Sofia, baka ipatanggal kita sa amo mo dito mawalan ka ng trabaho, gusto mo?" panakot ni Gretta sa knya. "Hindi ako natatakot sayo Gretta, kong ako sa'yo ikaw ang mag-ingat, wag mo akong takutin dahil matagal na akong hindi takot sayo". ani Sofia "Ang yabang mo ahh"! Singhal ni Grettaa at akmang sasampalin nito si Sofia ng inunahan na sya ni Sofia. "Wag na wag mong padapuin yang kamay mo sa mukha ko, baka mahawaan ako ng kagaspangan ng ugali mo". ani Sofia Galit na galit si Gretta dahil sa ginawa ni Sofia sa kanya. Ito ang unang beses na nasampal sya ng pinsan. Naging palaban na rin sya ngayon. "Pagbabayaran mo itong ginawa mo sakin Sofia makakarating ito sa itaas". aniya "Wala akong pakialam! Iharap mo pa siya sa'kin". ani Sofia sabay hagis ng basahan na ginamit nya pamunas sa salamin kanina. "Ikaw"! galit na sigaw ni Gretta gusto pa sana nitong gumanti kaya lang lumabas na si Sofia nang natatawa. GALIT NA galit si Sofia. Pumasok sya ng hindi manlang kumakatok sa pinto. "Miss Gretta hindi kaba marunong kumatok bago pumasok?" ani Justine ng magulat ito sa biglang pagpasok ni Gretta "Sorry sir May ereport lang po sana ako". mangiyak-ngiyak na sumbong nito. "Tungkol saan miss Gretta?" tanong ni Justine sa kanya "Sir yung janitress natin sinampal ako sa banyo, ito sir namumula pa ang pisngi ko". parang bata na sumbong ni Gretta pinakita pa nito kay Justine na nasaktan talaga sya ng sobra. "miss Gretta May nagsabi naba sayo na kapag May problema or complain ka sa HR ka magsabi? Hindi ba't CEO ako? Sa tingin mo ba miss Gretta ihahandle ko pa ang ganyang case?" ani Justine biglang napahiya si Gretta dahil sa sinabi ni Justine sa kanya. "Lumabas Kana miss Gretta at doon ka sa HR magsabi , please wag mo nang uulitin ito..Ang kailngan mo lang ereport sakin is tungkol sa trabaho mo bilang secretary mo". ani Justine Inis na lumabas si Gretta at dumerecho sa HR department, hindi nito hahayaang hindi magbayad ang pinsan sa ginawang pananampal sa kanya.. kailangan itong mapatanggal sa kanyang trabaho. "Anong kailangan mo miss Gretta?' Bungad sa kanya ng HR "May ereport ako ma'am, at gusto ko sanang paalisin sya sa trabaho nya". ani Gretta "Dipindi iyan sa reason mo miss Gretta. Anong ginawa sayo at bakit kailangan siyang paalisin?" tanong ng HR sa kanya "Sinampal po ako ng janitress nyo sa banyo at tinapunan ako ng basahan sa mukha ". anito maya-maya pa ay naiiyak na si Gretta "Okey sino ang pangalan ng janitress na tinutukoy mo? para kausapin namin sya at alamin ang side nya". saad ng HR sa kanya "Sofia Ang pangalan nya". ani Gretta Tiningnan ng HR ang pangalan na banggit ni Gretta pero walang janitress doon na Sofia ang pangalan, kong mayron man isa lang ang Sofia na kilala nya ang asawa ng CEO na boss nila. ITUTULOY #Real
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD