THIRD PERSON's P O V
" Doon ka sa likod ng bahay, walang naka bantay! " Utos ni Jose kay Fatima gamit ang mga earpiece para may kontak sila sa isa't isa
" Okay! " tugon naman nang inutusan niya at sumunod na nga ito
" Bakit ka ba sunod nang sunod, Jose!? Doon ka nga sa kabilang side ng bahay! " dinig nilang pa singhal na sambit ni Luisa sa kanya
" Loves naman oh! Hindi mo pa kasi ako kini- kiss e! Baka huling misyo na natin ito, sige na! " ungot namang tugon ni Ernesto
" Yuck! "
" Eewwww! "
" Ano ba 'yan! Nakaka umay! Alam ng marami kaming nakaka rinig e! "
Kanya- kanyang komento naman ng mga kasamahan ni Magda, tawa lang naman siya nang tawa.
Pati ang Bossing nila at sina Melchor at Rudy na nasa 'opisina' ay natatawa rin. Naka- monitor naman sila lagi sa bawat misyon nila. Pata ma timbrehab nga kung nasa panganib sila.
" Dapat talaga sa inyo hindi nag sasama sa iisang task! " sambit naman ni Jose na siyang pinaka leader nila kapag nasa misyon.
Malaking bahay kasi ang papasukin nila kaya kailangang marami silang susugod ng bahay ng isang Senator. Para madali lamang ang kanilang maging trabaho kahit napag- aralan na nila ang pasikot- sikot ng bahay.
" Ernesto, doon ka sa kabilang side, h'wag kong maririnig na nag lalambungan na naman kayo. Masakit sa tainga. " utos at bilin ni Jose kaya natawa na lang ang ibang kasamahan nila
Sumunod naman ang pobre at pakubli- kubli sa mga puno na lumapita siya ng pwesto. Tahimik naman dahil tanghaling tapat ang napili nilang oras na gawin ang misyon para makasama si Magda. Dahil nga may trabaho siya sa gabi ay hindi siya pwede tsaka sa madaling araw.
Kapag naman kailangan talaga ng ganoong oras ay naiiwanan na lamang siya sa kanilang 'opisina' kasama ang kanilang Bossing. Para hintayin ang kanilang pagbabalik.
" Okay na rito, clear! " wika ni Fatima
" May lumalakad pang mga gwardya sa gawi ko. " saad naman ni Luisa
" Clear na rito! " turan naman ni Ernesto
" Clear here! " saad ko naman naka antabay kasi si Jose sa kalsada kung may darating
" Okay, maya- maya kapag nag- clear na kay Luisa, pasukin n'yo na. Alam n'yo na kung saan- saan ang mga secret doors. " tila maka pangyarihang sambit ni Jose
" Roger! " halos sabay- sabay naman nilang tugon sa pamamagitan pa rin ng earpiece para mabigyan ng signal na ang ibig sabihin ay 'okay'.
Tahimik lamang silang nag masid sa paligid, hanggang sa marinig nila ang hinihintay na tugon ni Luisa. Kaya naman dahan- dahan na silang pumasok sa loob ng bahay na kanilang target ngayon pag nakawan.
" Ouch! Muntik na ako roon! " bulalas na wika ni Fatima ng may tumamang bala malapit sa kanila
" Sh!t! Naka pasok na ba kayo Magda at Ernesto sa loob ng library!? " tila kinakabahang usisa naman ni Jose, dahil nagka- ingay na sa paligid ng mga pvtok ng b@ril
Ibig sabihin kasi ay may nakakita sa kanila sa loob ng bahay.
" Oo! Nilalagay na namin sa sako ang mga pera at alahas! " tugon naman ni Ernesto sa mabilis na kilos gayundin si Magda
" Gumawa kayo nang paraan para makalabas iyong dalawa ng hindi nila nakikita. " utos pa ni Jose
" Roger! " sabay namang saad nila Luisa at Fatima.
Gumawi naman na si Jose sa malaking puno kung saan naka parada ang mga motorcycle na dala nila. Sumakay siya sa isa para kung bumalik ang mga kasamahan niya ay madali na silang makaka alis.
" Ouch! " daing ni Luisa
" Loves? Mag- iingat ka! Aanakan pa kita ng sampo! " saad naman ni Ernesto habang palabas na sila ni Magda sa pinto sa likod bahay
" Eewww! "
" Hmmmpp! Sinabi ng walang mang- iinggit e! " inis na wika naman ni Fatima
" Hindi na talaga kayo pwedeng pag samahin sa task. Nakaka rimarim! " tila nandidiri ngang saad naman ni Jose, nangisay pa nga ang katawan nito.
Kaya nagka tawanan na naman silang magkaka samahan kahit nasa gitna nang putukan.
Ilang sandali pa ay kanya- kanya na sila nang sakay sa motorsiklo para makalayo.
Subalit, hinahabol pa rin sila ng mga gwardya ng bahay na kanilang pinasok. At nagpapa lipad pa rin ang mga ito ng putok.
" Uugghh! " daing ni Fatima na naka- angkas sa likuran ni Ernesto sabay hawak nito sa kaliwang braso
Kay Ernesto naka- angkas si Magda samantalang solo naman si Luisa na sakay ng kanyang motorsiklo dahil nahuli siya nang dating kung saan naka- park ang kani- kanilang mga motor
" Bilisan na ninyo, may paparating ng mga alagad ng batas. " malumanay na wika naman ng kanilang Bossing kaya naman umiba na sila ng daan patungong opisina nila.
Itinimbre na rin kasi ng Bossing nila kung nasaan na ang mga patrol car na papalapit sa bahay ng Senator na kanilang pinasok.
Ilang minuto pa ay ligtas naman silang nakarating sa kanilang opisina.
" Ouch! May tama rin yata ako!? " naka ngiwing saad ni Magda sabay hawak sa kaliwang balikat. Nang huhubarin niya ang suot na jacket.
" Sh!t Mayroon nga! " mababakas naman ang takot sa maamo niyang mukha nang makita sa kamay na humawak sa balikat niya ang kulay pulang likido
Napa lingon na rin sa kanya ang mga kasamahan.
" Naku! Tara rito nang magamot ko! " aya sa kanya ni Luisa, ang Bossing naman nila ang gumagamot kay Fatima samantalang sila Rudy at Melchor ang nag- aayos ng kanilang nakulimbat pera at alahas.
Umupo nga siya sa tabi ni Bossing at ginamot ang kanyang sugat.
" Daplis lang, pero hindi mo pwedeng pwersahin. Paano ang trabaho mo sa bar? " pahayag pa ng kanilang Bossing
" Madali na iyon, mag- file lang ako ng sick leave. Ang inaalala ko ang Mama ko, ano ang idadahilan ko sa kanya kung bakit ako nagkaroon ng sugat sa balikat. " puno nga nang pag- aalala ang maamo niyang mukha.
Kung pagmamasdan mo nga siya ay hindi mo aakalain na gagawa ng hindi mabuti. Para kasi siyang barbie, hugis pusong mukha, mahahabang pilikmata, maninipis na mga labi at matangos na ilong.
" Oo nga pala! Tsk! Paano ka na niyan!? " nag- aalala ring wika ni Fatima, ito naman kasi ay naka bukod na ng bahay sa kanyang mga magulang kaya walang mag- aalala.
" Sabihin mo na lang na hindi mo napansin iyong alambre e nasagi ng balikat mo. " suhestyon naman ni Ernesto na hawak ng kopita na may lamang inuming nakaka lasing at yelo.
" Alambre!? Nakita mo ba kung gaano kalaki itong naging sugat ni Magda!? " bulalas namang wika pa ni Bossing at ipinakita ang balikat nga niyang ginagamot nito, sinira na nga ang suot niyang t- shirt dahil nahihirapan siyang hubarin iyon. Kumikirot nga kasi ang sugat niya.
" Ew! Ang laki nga! Lagot ka na niyan sa Mama mo! " sambit naman ni Jose sabay pananakot pa
Kaya naman inirapan lamang siya ng dalagang Waitress samantalang natawa ang ibang kasamahan nila sa silid.
Singtaba kasi ng isang daliri ang naging daplis ng bala sa balikat ni Magda kaya hini papaniwalaan na nasagi siya sa alambre dahil manipis lamang iyon.
" Kaya mo bang mag- drive ng motor? Baka dumvgo iyang sugat mo? " nag- aalala ring tanong ng kanilang Bossing.
" Oo, lalo namang magtataka si Mama kapag iniwanan ko rito ang motorcycle ko. " tugon naman niya, natahimik na lamang ang mga kausap niya.
Ilang sandali pa ay napag partihan na nila ang perang nakulimbat nila kaya naman kanya- kanya na ulit silang sakay ng motorsiklo para umuwi.
Kumikirot man ang sugat niya ay pinilit pa rin niyang mag- drive. Mabagal nga lamang dahil baka nga magdugo ay madala oa siya sa ospital. Mas lalo namang malaking problema niya sa kaniyang Ina kapag ganoon ang mangyayari.
Mabuti na lamang at mahimbing na natutulog ito nang dumatibg siya kaya naka ligtas siya sa pag- uusisa nito kung bakit may tali ang kanyang braso na naka sabit sa leeg. Inilagay iyon ni Bossing para nga raw hindi mapwersa ang kanyang braso.
Pagkapasok sa kanyang silid ay nag palit agad siya ng damit na maluwang pero hindi sleeve dress. Para nga maitago sa kaniyang Ina ang sugat niya.
Pagka bihis ay nahiga muna siya sa malapad ay malambot na kama. Para makabawi ng tulog. Ilang sadanli pa ay dinalaw na siya ng antok.