VIRGO's P O V
" Ouch! Ma! " naka ngiwi at mangiyak- ngiyak kong sambit sa kanya nang hawakan niya ang balikat ko na may sugat, inilapag niya kasi sa mesa ang bowl na may sinigang na bangus kaya napa hawak siya roon.
" Ano ang nangyari riyan sa balikat mo, Magdalena Virgo!? " hahampasin pa niya sana iyon mabuti at nakatayo ako
Kapag seryoso at galit siya ay tinatawag niya talaga ako sa buo kong pangalan.
" W- Wala po, n- nangalay lang sa aking pagkaka higa. " nauutal ko namang tugon sabay balik nang upo sa hapag kainan nang maupo na rin siya sa pwesto niya sa kabisera ng lamesa.
Kumakain na kami ng hapunan nang magkita dahil napa haba ang aking tulog kanina pagka galing sa operasyon namin sa bahay ng isabg Senator.
" Paano ka niyang makaka pasok sa bar? " nag- aalalang usisa pa niya at nag- umpisa na kaming kumain
" Nagpa- alam na po ako kanina na baka bukas na ako makapasok. " Magalang ko namang saad sabay higop ng sabaw ng sinigang na nasa kutsara ko.
" E, sa trabaho mo bukas ng umaga, paano rin iyon? " tanong pa niya
" Baka naman po mawala na ang pangangalay nitong balikat ko bukas. Ipapa hinga ko lang po ngayong gabi. " palusot ko pang wika
Ang balak ko nga bukas ay aalis pa rin ako rito sa bahay pero roon muna ako sa 'opisina' namin tatambay at hindi muna sasama sa mga 'task'. Baka kasi ma bulilyaso pa ang aming operasyon dahil sa akin, mahirap na, marami ang madadamay.
" Ipa hinga mo iyang balikat mo baka kung ano- ano pa ang gawin mo sa iyong silid! " bilin naman niya na may kasamang sermon
" Ano naman po ang gagawin ko sa aking k'warto? Babawi ho ako ng tulog. " katwiran ko naman
" Pinapa alala ko lang at baka mag- exercise ka pa! "
" Hindi ho. " naka kamot sa ulong tugon ko, " Kumusta po ang pakiramdam n'yo? " pag- iiba ko na lamang sa aming pinag- uusapan
" Okay naman, nalilibang ako roon sa binili mong mga pang gangtsilyo. Marami na nga akong nagawang mga bag, iba't iba ang laki at design. " naka ngiting pag bibida naman niya
" Talaga, Ma!? Mamayang pagkatapo nating kumain ay titingnan ko ho! " excited ko namang tugon, tumango naman siya
Hindi naman totally sa gawa niya ako excited, doon sa kaalamang nalilibang siya at hindi na sumusumpong ang kaniyang anxiety. Hanggang sa kung saan- saan na napunta ang aming pinag kwe kwentuhan.
Mayroon sa mga artista, politika at atleta. Iniiwasan ko namang banggitin ang tungkol sa aming padre de pamilyang sumakabilang bahay. Na naging sanhi ng pagkakaroon nga niya ng sakit.
" Sige na, mamahinga ka na para gumaling agad iyang balikat mo, hilutin ko kaya at baka may naipit na ugat lang. " suhestyon pa niya kaya naman biglang layo ko sa kanya
" Hindi na ho, okay na ito! " bulalas ko namang tanggi, " Sige po, papasok na ako sa silid ko! " mabilis ko pang wika sabay hakbang at tinungo ang hagdan na may apat na steps lamang kung nasaan ang mga silid naming mag- ina. " Bukas ko na lang po titingnan ang natapos ninyong ginantsilyong mga bag! " pahabol ko pang turan bago ko isarado ang pinto
" Wew! Muntik na ko ro'n! " nangingiwing saad ko dahil kumikirot ang aking sugat, kinuha ko ang gamot na naka patong sa bedside table at napilitan akong lunukin iyon ng walang tubig dahil ayoko nang bumaba at baka ipag pilitan ng aking Ina na i- massage ang aking balikat.
Kapag nagkataon ay malalaman niyang may sugat ako at siguradong mag- uurirat siya kung saan ko iyong nakuha. Wala pa naman siyang alam tungkol sa uri ng aking trabaho.
Pagka lunok ko ng gamot ay nahiga na ulit ako sa aking malambot pero makitid na kama. Dahil mag- isa lang naman ako at ayoko ng malaki, pakiramdam ko kasi ay may tatabi sa aking kakaibanh nilalang kapag malaki ang kama ko.
Nakipag titigan muna ako sa kisame dahil kakagising ko nga lamang at hindi pa ako inaantok. Umiwas lang talaga ako sa aking Ina para hindi mahilot ang aking balikat.
Naka ilang baling na nga ako sa kama subalit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Nasanay na kasi ang aking body clock na gising ng ganitong oras. Nang alas diyes na at gising na gising pa rin ang diwa ko ay bumalikwas na akong nang bangon tsaka nag palit ng aking pajama sa maong pants.
Hindi ko na pinalitan ang suot kong blouse na may butones sa harapan na siyang ipinalit ko kanina nang dumating ako na tanging jacket ang suot ko dahil itinapon ko na ang t- shirt na sinira ni Bossing para magamot ang aking sugat.
Nag- iwan lamang ako ng sulat sa aking Ina na ipinasok ko sa ilalim ng pinto ng kanyang silid. Sinabi ko naman ang totoo na nahihirapan akong makatulog pero inilagay ko rin sa sulat na tatambay lamang ako sa bar at hindi magta trabaho.
Mainam na iyong alam niya kung nasaan ako, baka kapag nagising siya ng alanganing oras ay biglang pasukin ako sa aking silid. At kapag hindi niya ako naabutan ay siguradong katakot- takot na sermon na naman ang aabutin ko. Kahit matanda na ako ay hindi pa rin ako nakaka ligtas sa galit niya. Siguradong mura pa ako sa sapsap kapag nagkataon.
Nang maisingit ko na ang papel ay walang ingay na akong lumabas ng bahay. Nag- commute na lamang ako para hindi ma pwersa ang aking balikat kaya naman nag lakad pa ako ng kaunti palabas sa highway kung saan maraming dumadaan na sasakyan.
Hindi naman ako nainip sa pag hihintay at may dumaan na jeep sa harapan ko kaya pinara ko iyon nang matanaw kong dadaan sa bar kung saan ako nagta trabaho bilang waitress.
" Para! " sigaw ko nang matapat nga roon ang jeep na sinasakyan ko, huminto naman ito kaya ako ay nakababa.
Diretso ang lakad ko sa loob at nag tanguan lamang kami ng Gwardya na naka talaga sa may pinto.
" Oh! Akala ko ipapa hinga mo iyang balikat mo!? " salubong na bati ng aming manager nang matanaw akong papalapit sa counter
Iyon naman talaga ang idinahilan ko subalit gaya nang sinabi ko sa aking ina ay baka nangalay lamang sa aking pagkaka higa
" Oo nga! Hindi kasi ako makatulog kaya lumabas ako. " tugon ko naman
" Baka type mo iyong si Fafa, kanina pa iyan tahimik na tila malalim ang iniisip. " bulong niya sabay nguso sa gawing likuran ko sa sulok sa kanang bahagi ng bar
Palihim nga akong lumingon, nakaupo na ako sa harap ng bartender namin kaya kitang- kita ko kung paano niya timplahin ang mga alak.
Naaninag ko lamang na matipuno ang kanyang katawan, dahil medyo madilim sa gawi ng kanyang kinauupuan. Naka suot pa ito ng black ba jacket.
" Bawal akong uminom ng alak, alam mo namang may iniinom akong gamot. " saad ko na lamang
" Sayang! Baka kako mabighani sa beauty mo dahil dedma ang ibang girls natin! " turan pa nito kaya mahina na lamang akong natawa
" Juice please! " hinging order ko naman sa amin ngang Bartender sa aking harapan, tumango lang ito
" Bisitahin ko lang ang kitchen. " paalam naman sa akin ng aming Manager
" Sige! " tugon ko naman at tumalikod na ito sa gawi ko para tunguhin nga ang kusina.
" Pwedeng makiupo? " dinig kong tanong sa gawing kanan ko, malamig ang kanyang boses na tila ka pinag hehele kaya lumingon ako
Subalit muntik pa akong mahulog sa aking kinauupuan nang mapagmasdan ko ang lalakeng naka upo kanina sa sulok ng bar.
" S- Sure! " tila naumid ang dila na tugon ko, mas gwapo kasi siya sa malapit. Pangahan ang mukha, matangos ang ilong at tila nangungusap na mga mata. Malapad ang dibdib na waring masarap makulong sa kanyang mga bisig.
Mas maliwanag ba kasi rito kaysa sa kinauupuan niya kanina.
" Oh my God, Magdalena Virgo! Kailan ka pa nag pantasya ng lalake!? " awat ko sa aking sarili kaya naman ininom ko agad ang juice na kalalapag lamang ng Bartender sa harapan ko dahil tila nanuyo rin ang aking lalamunan.
Hindi ko rin maintindihan kung bakit biglang lumakas ang kabog ng aking dibdib.
" Juice lang ang iinumin mo? " muntik pa akong masamid nang mag salita ulit siya at nang lingunin ko siya ay sa basong hawak ko siya naka tingin
" Ahm, B- Bawal sa akin ang . . . a- alak. " kiming saad ko naman nakita ko siyang tumango tsaka tinungga ang bote ng beer na dala niya mula sa pwesto niya kanina.
Napa tulala naman ako sa adam's apple niyang nagba baba taas dahil sa pag- inom niyang iyon. Dali- dali ko namang ini alis ang mga mata ko nang ibinaba na niya ang bote tsaka ako uminom ng juice na tila uhaw na uhaw at wari bang ako ay tumakbo dahil sa lakas nga ng kabog ng aking dibdib.