MAGDA's P O V
" Naks! Sinasabi ko na nga ba! Nabighani sa angking ganda mo, Magdalena iyang Parak na nakilala mo! " kantyaw ni Ernesto sa akin
" Hmp! Maglubay ka nga riyan! Hindi na nga nawawala ang nerbyos ko. Nanunukso ka pa riyan! " pairap na sambit ko naman sa kanya
" Sus! Baka ibang kabog na 'yan, ha!? " pamimilit pa ni Ernesto
Tawa lang naman nang tawa ang mga kasamahan namin. Naka- video call kasi kami. Nagpa alam kasi akong hindi muna papasok sa opisina at baka maka sunod si Brent sa bawat galaw ko. Hindi na rin muna nga sila gumawa nang task sa takot na rin na mahuli ng mga alagad ng batas. Hatinggabi na nga siya umalis dito sa bahay namin, kung hindi pa niya akong nahuli na nag hikab ay wala pa siyang balak na umuwi.
Nauna na ngang nagpa alam ang aking Ina na matutulog kaya kaming dalawa na lamanf ang naiwanan sa sala ng mahabang oras sa pakikipag kwentuhan. Tungkol lang naman sa bar na aking pinagta trabahuhan. Kung totoo nga raw bang may ibang serbisyo pa ang ino- offer doon. Inamin ko naman dahil na saksihan na niya.
Inulit naman niyang kung hindi ako roon nagta trabaho ay ipapa sarado niya ang nasabing establishment. Hindi naman namin napag- usapan kung ganoon din ba ako. Hindi ko naman na binanggit iyon sa kanya.
Feeling ko talaga ay unti- unti siyang nag- i- imbestiga sa paligis niya at ako ang balak niyang hingan ng mga impormasyon.
" Diyan ka na nga lang sa loob ng bahay n'yo! Kahit naman mag bakasyon ka pagbalik mo e pupuntahan ka pa rin niya! " saad naman ni Fatima
" Korek! Kaya dapat magpalamig ka muna. Mabuti at hindi siya nag- usisa kung napaano iyang balikat mo at hindi ka makapasok sa bar? " pahayag naman ni Fatima
" Hindi naman! Mag- alibi na lang siguro kapag nagtanong siya. " tugon ko naman
" Dapat nag- usisa ka na sa kanya kung may suspek na ba sila o siya sa kanyang minamanmanan na grupo. Para makaiwas tayo kung sakali. " turan naman ni Jose
" Balak ko na nga iyong tanungin kagabi kaya lang nahiya ako, baka sabihin e bakit ako interesado sa trabaho niya. " tugon ko naman
" Baka mas maganda umiba muna tayo ng opisina o mag- lielow muna tayo? " hingi naman nang pahintulot ni Bossing sa amin.
" Umiba ng office! "
" Lielow muna! "
Kanya- kanya namang tugon ng ibang kasamahan namin.
" Lielow muna, hindi rin naman pwede itong si Magda, balik na lang tayo kapag pwede na siya sa task tapos maghanap na rin tayo ng lugar na pwede nating gawing opisina. " mahaba namang paliwanag ni Jose
Natahimik naman ang bawat isa na tila nakikiramdam sa aming Bossing kung ano ang magiging sagot niya. Nasa kanya pa rin naman kasi ang final decision.
" Sige, lielow muna at mag- umpisa na rin akong maghanap ng ibang opisina natin. " pinal naman niyang tugon na sinang- ayunan ng iba naming kasamahan.
" Kapag naulit pa ang pagpunta ni Brent diyan sa bahay n'yo e iba na 'yan! " saad naman ni Luisa
" Aayyiiii! "
" Sa waka! Magkaka- lovelife ka na rin, Magda! " panunukso pa ni Ernesto
" Tange! Magkaka- jowa nga siya mabubuwag naman ang grupo natin! Kung ganoon nga lang sana! Paano kung makulong tayong lahat!? " sambit naman ni Melchor
" Oo nga ano!? " kakamot- kamot sa ulong saad pa ni Ernesto kaya mahina lamang kaming natawa," Ay, naku, Magda! Iwasan mo ang lalakeng iyan! Hindi pa bayad iyong hinuhulugan naming bahay at lupa sa probinsya! " payo na sa akin nito kaya tawa kami nang tawa
" Ayan! Sige! Tukso pa! "
" Akala mo ha! Siya lang ang magiging apektado e tayo kayang lahat! "
" Kunwari lang ang gawin mong pag tatanong sa kanya. Pasasaan ba at magkwe kwento rin siya sa iyo ng tungkol sa trabaho niya. Maganda nga iyong lielow muna tayo at tila blessing in disguise iyang pagkaka b@ril sa balikat mo dahil dumalang ang ating task. " pahayag naman ni Luisa
" Tama! H'wag kang mainip pasasaan ba at magkwe kwento rin siya sa'yo! " sang- ayon naman ni Fatima, tumango- tango lamang ako.
Hindi ko na lang pinahalata sa kanilang kinakabahan ako kapag dumating siguro ang oras na 'yon. Baka nga magulat na lamang ako na isang araw ay posasan na lang niya ako sa aking mga braso at wala ng maraming tanong- tanong.
Ang sumunod na napag- usapan namin ay kung saan ang lilipatan naming opisina. Marami silang suhestyon, hindi na ako nakigulo bagkus ay nakinig na lamang ako hanggang sa may napag kasunduan sila na sinang- ayunan ko na rin naman.
Hanggang sa tapusin na namin ang usapan nang magkaroon ng final decision kung kailan kami babalik sa pangungulimbat ng mga ari- arian ng mga politiko.
Nais lang naman kasi naming bigyan ng leksyon ang mga iyon dahil sa pagiging korap nila. Na imbis sa taong bayan ilaan ang pondo ng pamahalaan ay kinu kurakot nila kaya ang pamilya nila ang maganda ang buhay samantalang ang mahihirap na siyang nagbabayad ng buwis ay mas lalong naghihirap at walang maaasahan sa gobyerno.
Pagkatapos kong isarado ang aking laptop ay nahiga ako at nakipag titigan sa kisame. Hindi kasi mawala sa balintataw ko na baka may nalalaman na si Brent tungkol sa grupo namin kaya rito siya sa gawi namin na destino? O kaya ay tungkol sa akin? Baka nga magulat ako isang araw ay ako na pala ang nahuli niya.
Pero kung tutuusin naman ay ako ang pinakamalayo ang bahay kaysa sa mga kasamahan ko roon sa lugar ng aming opisina. Kaya bakit ko iisipin iyong may nalalaman siya tungkol sa akin o sa grupo namin?
" Hayst! Bakit ba kasi dumating ka pa sa buhay ko, Brent!? Hindi ko tuloy maiwasan na mag- overthink! Nagugulo mo ang sistema ko at tamang pag- iisip ko! " gigil kong bulong sa sarili ko habang sabunot ang aking lampas balikat na buhok. " Paano ang gagawin ko kapag pumunta na naman siya mamaya rito!? " pag nguyngoy ko pang bulong sa sarili ko
Dumapa ako at pilit inaalis sa aking gunita ang labis na pag- iisip. Hanggang sa hindi ko namalayang naka- idlip pala ako.
" Virgo! Virgo! Hindi ka ba nagugutom na bata ka!? Hapon na! Hindi ka na nakakain ng pananghalian! " nagising lamang ako sa katok ni Mama sa pinto na may kasamang mahinang sigaw
" L- Lalabas na po! " paos ang boses na tugon ko naman kaya noon lamang siya na hinto sa pag kalampag sa pinto ng k'warto ko.
Nag hilamos muna ako sa banyo bago lumabas sa aking silid. Kaya pala kumakalam na ang aking sikmura ay alas tres na ng hapon.
" B- Bakit ngayon n'yo lang po ako ginising? " usisa ko pa kay Mama nang tumabi ako nang upo sa kanya sa dining table at kumain nang inihanda niyang meryenda na bilo- bilo.
" Alam ko kasing ngayon ka lang bumabawi nang tulog dahil lagi kang puyat sa trabaho mo. " masuyo naman niyang saad kaya hindi na ako kumibo pero nakaramdam naman ako ng tila may humaplos sa aking puso.
Saktong tapos na kaming mag meryenda ng may mag- doorbell ulit. Dahil sa kaba ay nabitawan ko tuloy ang bitbit kong mangkok na pinag kainan naming mag- ina, mabuti at hindi nabasag.
" Baka si Brent na naman iyon! Nanliligaw ba siya sa'yo, anak? " saad ni Mama sabay tanong
" Ho!? Hindi ho! Si Mama talaga! " mabilis ko namang tugon sabay iling at ngiwi na tila nandidiri
" Oh! Bakit!? Ano naman ang problema kung manligaw siya!? Dalaga ka naman! Iyon nga lang baka nagbibilang na siya ng babae dahil sa gwapo! " wika pa niya kaya mahina lamang akong natawa
" Ako na ang mag bubukas ng gate! " prisinta pa niya kaya itinuloy ko na ang paghuhugas ng aming kinainan.
Kahit na naramdaman na naman niya ang erotikong t***k ng aking dibdib. Tila nga nanginginig pa ang mga kamay ko habang naghubugas ng mangkok mabuti na lamang at hindi na nahulog.