Chapter 24

2003 Words

Grabe. Pakiramdam ko ay hihimatayin ako sa tindi ng kuryenteng gumagapang sa buong katawan ko habang nakasandig ako sa malamig na pader ng kwarto. Ang dila kong kanina lang ay parang armalite sa tindi ng kamalditahan, ngayon ay literal na umurong. Ewan ko ba, pero bawat tapik ng puso ko ay parang naririnig sa buong silid dahil sa sobrang tahimik. Ang tanging ingay lang na namamayani sa pagitan naming dalawa ay ang mabigat at mainit na paghinga ni Vittorio na direktang tumatama sa mukha ko. "Bitawan mo nga ako, Farinelli," pilit kong pinatigas ang boses ko, tinaasan ko siya ng kilay kahit na ang totoo ay nangangatog na ang mga tuhod ko sa loob ng aking black velvet gown. “Nasisira ang posture ko sa mga pa-action star mong galaw." Isang mababa at nakalolokong tawa ang dahan-dahang kumaw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD