Simula
Napaatras ako nang makita si Kolten Fabroa habang papasok ako sa loob ng restaurant. Humigpit ang pagkakahawak ko sa pinto nang kaagad na nagtama ang tingin naming dalawa.
Pinasunod ako rito ni Mommy pagkatapos ng aking klase dahil mayroon daw kaming makakasamang importanteng tao. I’m familiar to that because it had been months since they started talking about him. Siya ang matagal nang napupusuan ni Daddy na maging karagdagang business partner para sa kumpanya namin.
Tila ayoko nang tumuloy pagkakita ko sa kanya na nakaupo at excited na kinakausap ni Daddy. My mother also looked very pleased while looking at him. I saw him nodding his head while listening to my Dad but his eyes were like hawk, intently looking at me. Napalunok ako.
Nang mapalingon si Mommy sa gawi ko ay kumaway ito upang palapitin ako sa kanila. I got the attention of Daddy and he also signaled me to come forward. I forced myself to smile and walked slowly towards them even with trembling knees. Labis akong kinakabahan dahil ilang beses ko ngang iniiwasan ang lalaking ito pero talagang lagi siyang nakakagawa ng paraan para magtagpo ang landas namin.
When I heard his familiar name slipping from my parents’ mouth, I almost wanted to throw myself out of the house. Sa dinami-rami ba naman kasi ng tao na halos sambahin ng magulang ko in terms of business, bakit siya pa?
Besides, who would have thought that he is the CEO of KF Holdings!? The owner of the biggest hotels scattered not only here in the Philippines but also outside the country. Ni hindi manlang dumako sa utak ko ‘yon because he doesn’t look decent and respectable enough for me!
My impression of him was a playboy who didn’t have anything to do with his life but to find someone to get laid with. Isang makulit na lalaki na walang ibang lumalabas sa bibig kundi puro kabastusan. So why would I think that he was some sort of a highly reputable businessman?
“Alana, sweatheart, maupo ka na rito. Mabuti na lang at halos kararating lang namin. Pwede nating ihabol ang order mo,” wika nito.
I did my best to avoid his eyes kahit pakiramdam ko ay tumatagos na sa loob ko ang malaagila nitong pagtitig sa akin. Kinakabahan ako dahil baka mapansin nila Mommy at Daddy ang uri ng pagtingin niya sa akin at baka magkaroon pa ng katanungan sa mga ito. Hindi ko kakayaning sagutin iyon. Hindi ko pwedeng sabihin na naka-one night stand ko ang lalaking ito dahil baka maitakwil nila ako nang wala sa oras.
Medyo mahigpit kasi sila Mommy sa akin kaya nga kahit nasa ikatlong taon na ako ngayon sa kolehiyo ay hindi pa rin sila pumapayag na magkaroon ako ng boyfriend. Talagang itinatatak nila sa isip ko na kailangan ko munang matapos ang pag-aaral ko bago ako pumasok sa isang relasyon. Sayang naman daw kasi ang talino ko kung magkakaroon ako ng distractions.
“Mr. Fabroa, this is my daughter, Alana. Anak, he is the owner of the hotel in El Nido where we stayed last summer. Hindi lang iyon ang pagmamay-ari niya because tons of hotel around the Philippines are owned by him,” he proudly said.
Napilitan akong mag-angat ng tingin sa kanya nang i-extend niya ang kanyang braso sa harap ko. Muli akong napalunok sa matinding kaba na aking nararamdaman.
“It’s nice meeting you, Ms. Alana.” Naningkit ang mata niya sa kamay nitong naka-hang lang sa ere. Naramdaman ko ang mahinang pagbangga ni Mommy sa aking braso at pinandilatan ako upang tanggapin ang kamay ni Kolten.
My hand was a bit shaking while I slowly reached for him. Muli kong naramdaman ang kuryenteng dumaloy sa aking balat nang mahawakan ko ang kanyang kamay. Memories from that night surged in kung kaya’t mabilis din akong napabitaw mula sa kanya. I cleared my throat and directed my eyes on the menu.
Sana talaga hindi na ako pumunta. Dapat nagdahilan na lang ako kila Mom na masama ang pakiramdam o pagod galing school. Hindi pa rin ako handa na makita siya. I don’t even know if I will ever be ready.
Kung kaya ko lang na iwasan siya nang iwasan but can I really do that? Hanggang kailan ko naman kaya magagawa iyon lalo pa’t maliit lang ang mundo namin. Our companies are in the same line. My parents wanted him so much. And he… wanted me.
Muling bumalik sa business ang pinag-uusapan nila habang ako ay pilit na iniintindi ang mga pagkain na nasa menu. Kanina ko pa tinititigan ang mga nakasulat doon pero walang pumapasok sa utak ko dahil sa pagwawala ng puso ko. Kinakabahan talaga ako at natatakot dahil baka bigla itong magsalita tungkol sa nangyari sa aming dalawa.
Eversince that night, he would keep on bothering me about his offer from which I know I will never accept. Hindi ako hibang sa kanya para patulan ang offer niya na iyon. I’m just drunk and not in the right state of mind! Kung wala namang alak ang katawan ko, never kong gagawin iyon.
I’m not like all the women around him who would accept him open arms. Na para bang isang karangalan na maging isa sa mga babae na na-offer-an niya. I don’t even understand why they’re so proud of that! And they fight each other just to boast that they were the better woman for him in bed. Mga baliw nga talaga!
Habang kumakain ay maya’t-maya akong pinapasok ni Daddy sa usapan nila. Napagkasunduan kasi namin na bilang nag-iisang anak, aaralin ko pa rin ang tungkol sa business namin para kapag dumating ang panahon na gusto na niyang mag-retire ay alam ko ang pasikot-sikot sa pagpapatakbo niyon. Iisang anak lang naman ako at paniguradong ako ang magmamana ng kumpanya.
Kaya nga nila ako sinasama sa mga ganitong meetings para makipag-participate ako pero hindi ko lang talaga magawa ngayon dahil kay Kolten. I was usually attentive and I would provide for my insights whenever I’m on a meeting with our partners but today is totally different. ‘Di bale ng mapagalitan ako mamaya, hindi ko lang talaga kaya na makipag-interact sa lalaking ito na parang walang nangyari.
Nang matapos ay nagpaalam na sila Daddy kay Mr. Fabroa. Tatayo na rin sana ako para sumunod sa mga magulang ko nang magsalita si Kolten.
“Can I borrow your daughter? I’d like to talk to her. You mentioned a while ago that she’s a fashion design major? Ayos lang ba kung magpapagawa ako ng dress sa kanya?” kaswal na sabi nito. Kaagad na umusbong ang kaba sa akin.
“Yes, of course. That will be good, atleast her first ever client is already on a different level. It will be good for her portfolio. Kaya ‘yan ni Alana,” nakangiting sabi ni Mommy.
“Sige, hahayaan na namin kayong mag-usap tungkol diyan. We will go ahead,” wika ni Daddy. Bago tuluyang umalis ay bumaling siya sa akin.
“Text or call our driver to pick you up after this, okay?” he said calmly. Tatango na sana ako nang magsalitang muli si Kolten.
“No need. I’ll drive her home immediately after this,” he said seriously. Lalong nagwala ang puso ko.
“Oh, okay. Thank you, Mr. Fabroa…” Alanganing tumingin sa akin si Daddy bago ito umalis. Kung normal na tao lang ito ay malamang hindi sila papayag na maiwan ako rito. They will join and wait for me pero dahil si Mr. Kolten Fabroa ito, hinayaan nila ang request nito. Para akong pinamigay bigla dahil sa lubusan nilang tiwala sa lalaking ito na hindi naman dapat!
Nagkatitigan kami ni Kolten nang maiwan kami sa lamesa. I still can’t move on that they trusted this man so much to leave me with him.
I watched him as he looked behind me and waited for my parents to leave. Habang ginagawa niya iyon ay parang gusto kong sumunod na kila Daddy. Gusto ko siyang layasan dahil alam ko naman na kalokohan lang ang sinabi niya kanina. Magpapagawa ng dress? Really? For who? For his women? Come on!
Pinanuod niya ang mga ito at nang masigurado na wala na sila ay tumayo siya at lumapit sa akin. He held me on my wrist.
“Come with me,” malamig na sabi nito.
Halos magsitayuan ang mga balahibo ko sa takot. Gusto ko sanang tumanggi ngunit pansin ko ang mga mata na nakadirekta sa amin kaya’t wala akong ibang nagawa kundi sumama sa kanya.
We walked outside towards the parking area and stopped infront of his car. I heard the sound of his car doors opening. He was gentleman enough to open the door for me. Nang makapag-settle ako sa upuan ay ito na mismo ang nag-abot sa seatbelt ko at nagsuot niyon sa akin.
I instantly inhaled his scent when his neck became nearer infront of my face. Halos isiksik ko ang sarili ko sa sandalan ng upuan para lang lumuwag ang distansya ng mukha naming dalawa but it seems like he was allergic to our distance getting bigger, humarap ito sa akin at lumapit.
“You looked nervous. We’re just going to talk. Well, I don’t mind if you wanted to do more than the talking,” he said while smirking. Nagsisimula na naman siya!
He drived his car and brought me to his familiar condo. Para akong mabibingi sa malakas na t***k ng puso ko. I tried breathing deeply to calm myself but I couldn't help to still feel nervous.
Nang huminto ay kaagad ko siyang hinarap.
“Why are we here?” stressed kong tanong dito.
“Because I wanted to talk?” sagot nito ngunit patanong din.
“We can talk here inside your car. Actually there is no need for us to be here. If this is about your offer, then it’s still a no. It will always be a no,” I said firmly.
“We’ll see about that.” Lumabas ito ng sasakyan saka umikot at pinagbuksan ako ng pinto.
“Get out,” utos nito.
“No. I already said my answer. I’ve been telling you this since you gave me that offer at hindi magbabago ang isip ko tungkol doon so please,” I said calmly. I’m trying my best to appear calm but my insides were already shaking because of nervousness.
“Get out or I’ll carry you up to my unit?” he asked dangerously. Marahan akong napapikit saka huminga nang malalim. Dahan-dahan akong lumabas at sumunod sa kanya.
Habang naglalakad papuntang elevator ay muli niya akong hinawakan. We reached the 20th floor. Bumungad sa akin ang malawak niyang unit. Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makita iyon nang maayos dahil noong unang punta ko rito ay lasing ako at wala akong malay sa paligid.
Binitawan niya ako at dumiretso sa sala. Kalmado siyang naupo roon at tumitig sa akin. He licked his lips as his eyes sensually travelled down my body. It took him some good seconds before he looked back on my face and smirked.
“Why? Why do you always keep on saying no? We already had s*x. I already devirginized you. What’s the point?” mapaglarong tanong nito. Napalunok ako sa pagiging straight-forward nito. I’m not used on hearing such vulgar words from men. Sanay ako kila Tammy at Shienel but it hits different when it comes from a guy who’s totally lusting over you!
“I was just drunk. It’s not going to happen again,” mahinang sagot ko rito.
“Drunk or not, you know what you’re doing and you remembered it, yes? And don’t deny it, I know you loved it. Nasarapan ka rin tulad ko,” nakangising sabi nito. Pakiramdam ko uminit ang mukha ko sa sinabi niya.
“Of course not. I don’t even remember the feeling…” Napaiwas ako ng tingin habang sinasabi ko iyon. I know he knows that I’m lying. Yes, of course! I totally remembered what happened but I was just drunk and I have no sense of control! How many times do I have to defend and explain myself. Kahit sa sarili ko ay pinapatunayan ko pa!
He barked a laughter at my statement. He looked amused or something.
“Really? Then shall we do it again so you’ll remember what it feels when I’m inside you? What do you think, Alana? Let’s f**k again.”