Kabanata 2

1170 Words
Pilit kong inalis sa isipan ko ang nakita ko sa banyo ng restaurant na iyon. Pambihira naman kasi. Sa dami ng lugar na pwedeng gawin iyon, sa banyo pa talaga ng babae! Sa public place pa talaga! Iba na talaga sa panahon ngayon, wala na silang mga respeto para sa sarili nila. Gagawin niya pa akong t*nga. Hangin daw! Walang kwentang lalaki iyon. Hindi ko na sinabi pa sa mga kaibigan ko ang nakita at dumiretso na lang kami sa bar. Medyo dumidilim na at sa tingin ko ay pagdating namin doon, magsisimula na rin ang party hour. Kumuha kami ng isang private room upang doon kami mag-inuman. Ganoon din ang ginawa namin noong huli kaming nagpunta rito pero dahil kilala ko na sila Tammy at Shienel, alam kong kapag medyo tinamaan na ang mga iyan ay mag-aaya sila sa labas para makipagsabayan sa ibang tao. Dumating ang isang staff ng bar upang hingin ang mga order naming drinks. Siyempre ay pinangunahan na iyon ni Shienel. Napatingin ako kay Eva nang makitang masyado itong abala sa phone. Siguro ay tinatadtad na ng text si Kuya Adam. Ilang minuto lang din ay dumating na ito. Seryoso ang mukha at napakagwapo. Naramdaman ko agad ang pasimpleng hagikgikan nila Tammy. Feeling ko talaga ito ang dahilan kaya gusto nilang pasamahin si Kuya Adam. Mga lokaret talaga. Dumating ang mga inumin namin. Ako ang nagsalin ng alak sa mga baso nila. Na-trauma kasi ako kay Shienel at Tammy noong huli kaming nag-bar. Kung maglagay kasi ng alak sa baso ay akala mo juice lang ang iinumin. Napakataas! Kaya ang bilis kong tinamaan noon eh. “Cheers para sa maayos na grades natin! Cheers para kay Alana!” sigaw ni Shienel. Natawa kami at naki-cheers sa kanya. Si Kuya Adam ay naiiling at natatawa lang habang pinapanuod kami. Kumakain ito ng kanin habang binibilinan si Eva na maghinay-hinay sa pag-inom. Sweet. Sarap siguro ng may kuya na katulad ni Kuya Adam kung mag-alaga. Tawang-tawa ako kila Shienel habang kumakain ng snacks. Hindi pa sila lasing pero dahil sa kaunting tama ng alak sa katawan nila ay lalo silang naging hyper. Gamit na gamit ang mic at puro masasakit sa tenga ang pinagkakanta nila. Kanina nga ay nagsayawan pa sila ulit sa gitna habang sabay na kumakanta. Aliw na aliw talaga akong panuorin sila. Nang mapagod ay naupo sila sa tabi ko. Inabot ko sa kanila ang tissue dahil pawis na pawis sila kahit pa malamig naman dito sa loob ng room namin. Tumingin si Shienel sa relo niya. “Oh, alas-nuebe na! Baka marami ng tao sa labas. Gusto ko ulit maki-party roon. Mas masaya makipag-walwalan doon dahil hindi mo naman kilala ang mga tao,” excited na sabi ni Shienel. Lumingon sa amin si Kuya Adam dahil sa sinabi ni Shienel saka ito bumaling kay Eva. “I don’t think that’s a good idea. Baka kung ano ang mangyari sa inyo roon. Puro pa naman kayo babae and men roaming around this place are not to be trusted with. Mamaya ay mabastos kayo o kung ano…” seryosong sabi ni Kuya Adam. Tumawa si Tammy. “Wala naman pong nangyaring masama sa amin noong huli kaming naki-party roon sa labas. Saka asa naman sila, bago pa sila makadikit sa akin, tinadyakan ko na lawit nilang maliit,” palaban na sabi nito. Natawa kami sa sinabi niya ngunit nanatiling seryoso si Kuya Adam. Si Eva naman ay alanganing ngumiti. She cleared her throat. “Tama si Kuya, girls. Mas mabuting dito na lang tayo. Hindi ko kasi nasabi sa inyo pero noong huli tayong nagpunta rito, mayroong bumastos sa akin. Mabuti na nga lang at naroon si Kuya kaya hindi natuloy ang masamang plano ng lalaking iyon,” she said shyly. Nanlaki ang mata ng dalawa naming kaibigan habang ako ay nag-aalalang hinawakan siya. “Bakit naman hindi mo sinabi?” Huminga ako nang malalim at binalingan sila Shienel. “Dito na lang tayo. Huwag na kayong lumabas. Tama naman sila Eva. Kaya nga tayo kumuha ng room para safe tayong makapag-enjoy rito sa bar,” seryosong sabi ko. Mabuti at nakinig sila. Hindi ko na namalayan ang oras. Hindi ko na rin nabilang kung gaano karami ang nainom ko. Basta ang alam ko ay sumasakit na ang ulo ko at medyo inaantok na rin. “It’s almost midnight. I suppose we can all go home and rest? Tawagan niyo na ang mga drivers niyo. Mauuna na kami ni Eva umuwi,” wika ni Kuya Adam. Tumango ako at nagpaalam sa kanila. Ganoon din ang ginawa nila Shienel. Nang makalabas sila Eva ay kukunin ko na sana ang phone ko para magpasundo na ngunit pinigilan ako ng dalawa. Kumunot ang noo ko sa kanila. “Wala munang uuwi, Alana. Mag-enjoy muna tayo sa labas!” sabi ni Shienel. Kita ko ang pamumula ng mukha niya. Tinignan ko si Tammy at nakitang mapungay na ang mata nito habang nakangisi sa akin. “Mga pasaway. Kaya niyo pa ba? Medyo nahihilo na rin kasi ako…” Tumayo sila at hinila ako. Hindi na nila ako pinatapos na magsalita. Dinala nila ako sa dancefloor. Sobrang daming tao roon na sumasayaw. Ang iba ay mga tumatalon pa habang nakikisabay sa malakas na tugtugin. Parang nadagdagan ang hilo ko dahil sa mga ilaw na naroon. “Alana! Galaw-galaw! Ayos lang ‘yan. Saglit lang tayo tapos uuwi rin kaagad,” sabi nito. Ilang beses kong narinig mula sa kanya ‘yan. Scam na naman ‘yan pero sinunod ko na lang din ang gusto nilang mangyari. Nagsayawan kaming lahat doon. Tawang-tawa ako dahil ang kalat nila Shienel sumayaw. Minsan nga ay may sinasayawan pa silang ibang tao na game na game rin namang makipagsabayan sa kanila. Nang mapagod ay nagpaalam ako kila Shienel na magpapahinga muna. Naghanap ako ng pinakamalapit na upuan sa paligid. Nakakita ako sa may gitnang bahagi ng bar kaya kaagad akong naupo roon at pumikit. Nakaramdam ako ng uhaw at tumingin sa lamesa sa harap ko. Kumunot ang noo ko nang makitang may mga alak na nakahanda roon at tila hindi pa nagagalaw. Dala na rin ng kalasingan ay kinuha ko iyon at diretsong ininom. Napangisi ako nang masarapan doon. Parang hindi naman alak iyon. Matamis iyon at swabe ang hagod sa lalamunan. Hindi ko na namalayan na halos naubos ko na ang mga nakahanda sa harap ko. Busog na busog ang pakiramdam ko. Naiihi ako kaya’t mabilis akong tumayo para hanapin ang banyo ngunit kaagad kong naramdaman ang pagkahilo. Halos manlabo ang paningin ko at nang pinilit kong maglakad ay pagewang-gewang na ako. I squinted my eyes to see where I was walking to. Nakakita ako ng maliwanag na kwarto and I immediately thought that it was the comfort room. While I was walking near that room, bumangga ako sa kung sino. Kaagad na tumama sa aking ilong ang matapang na pabango ng isang lalaki. I felt his arms on my waist, helping me to balance myself. “Hey, beautiful. Where are you going?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD