Chapter 34 Halos hindi na umahon si Zabina sa swimming pool habang umiinom. Doon na nga rin siya kumain ng hapunan kahit na bawal dapat kumain sa pool. Nang malingat nga lang si Judas para magbanyo, pagbalik niya ay nakahiga na sa gilid ng pool ang nobya niya. Abot-abot na taranta ang naramdaman niya. Akala niya ay nahimatay na ito. Pero nakatulog lang pala dahil sa sobrang kalasingan. "Judas, pasensya ka na. Nag-all out na naman 'yang kapatid ko. Ganyan 'yan kapag alam niyang safe siya sa mga kasama niya. Ikaw na lang ang bahala sa kanya, ha?" Bilin pa ng kapatid ni Zabina. "It's fine. I have seen her a little bit like this. I can handle her, don't worry." Tugon din naman ni Judas. Kumuha muna siya ng bathrobe at tuwalya para balutin si Zabina. Wala na itong ulirat at kasalukuyang hum

