Chapter 35 "Baby, hindi ka ba papasok ngayon? Baka ma-traffic sa daan at ma-late ka." Tawag pa ni Judas sa nobya. Nakatilakbong pa rin kasi si Zabina ng kumot at tila wala itong balak na bumangon. "Mag-leave na lang ako ngayong araw. Paalis ka na ba?" Tugon nito. "Bakit? Masama ba ang pakiramdam mo? Nakabihis na ako, pero kung masama ang pakiramdam mo, hindi na lang din ako papasok. Aalagaan na lang kita." Nag-aalalang tugon nito. "Hindi, ayos lang naman ako. Tinatamad lang. Pumasok ka na. Tatawagan kita mamaya. Mag-ingat ka, Mahal." Tugon din naman ni Judas. Ilang segundo muna niyang tinitigan si Zabina. Hinalikan na lamang niya ito sa noo at labi. Pumasok na lamang siya sa opisina. Madalas na lamang niya itong tatawagan para masigurong maayos lang ang kalagayan nito. - Habang nas

