Kabanata 16 Paalam Punong-puno ng pag-aalala ang mukha ni Kuya Arlon ng kinuha niya ako. Hindi siya nagsalita pero alam kong nagagalit siya sa nangyari sa akin. Makikita naman kasi sa mukha ko ang pagkasawi lalo pat namumugto ang mga mata ko. Ngumiti ako ng malungkot at huminga ng malalim nang sumakay ako sa kotse. Hindi ko na inalintana ang mga tanawin sa labas, ang tanging nararamdaman ko ay pagod at antok. Gusto kong matulog at magpahinga. Ayoko nang isipin pa ang nangyari kanina, nadudurog ng paulit-ulit ang puso ko sa tuwing naaalala ang eksena. Kung hindi ko napigilan ang sarili, baka nasa morgue na ang bangkay ng babaeng iyon. I really want to kill her and put the law in my hands. Pero wala naman akong karapatan kasi nobya lang naman ako at hindi pa asawa. Isa lang naman akong n

