Kabanata 17 Needs Sa mundo, masarap ang magmahal. Masarap makahanap ng taong mamahalin mo. Masarap makapiling at masarap sa damdamin. Sa mundo din, kapag mahina ka…talo ka. Kapag napag-iwanan ka…lugi ka. At kapag niloko ka, wasak ka. Kaya sa mundo, hindi mo kontrolado ang galaw nito. Minsang masaya, minsang malungkot, minsang ngingiti, at minsang luluha. Kaya mahirap hulaan kung ano ang dadating sayo. Sa paglipas ng panahon, marami akong natutunan. Marami akong na-developed at sobra akong nasisiyahan dahil nalaman ko pa ang mga hindi ko pa nalalaman sa mundo. Things change. Life change. Attitude change and capability change. Lahat nang yan nagbago sa loob ng limang taon. Lahat ng yan nabihasa ko sa loob ng limang taon. Pero ang puso ko…patuloy paring wasak. Patuloy paring nangungulila s

