Kabanata 18 Humanda Nagising lang ako sa mumunting labi na dumadampi sa pisnge ko. Minulat ko agad ang mata at bumungad sa akin ang maamong mukha ni Gavino. He smiled but I remain silent and cold. Umupo ako ng maayos at umatras palayo sa kanya. Nasa sofa kami. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog pero naaalala kong may naamoy akong pang patulog. Umusog siya palapit sa akin kaya umatras ulit ako hanggang sa mawalan na ng space. "Ano ba ah? Wag ka ngang usog ng usog. Ayokong mahawaan ng pagiging malibog mo." Galit kong sabi. Narinig ko ang mabigat niyang tikhim. Tila hindi nagustuhan ang sinabi ko. Pinataray ko ang mukha at tumayo. Tumalikod ako sa kanya at hinarap ang wall glass. Kitang-kita ko ang mga magagandang tanawin. Maya-maya pa, naramdaman ko ang braso niya sa baywang k

