Kabanata 8 Galit After what happened in the hill, I decided to go home and prepare myself for my senior high. Yes, ilang araw nalang at magiging senior na ako at gusto kong matapos iyon ng maayos. At sa muling pagkikita namin ni Gavino, hindi ko maisatinig ang nasa puso ko lalo pat punong-puno ng pagtataka ang damdamin ko. Nandito na pala siya, kailan pa? Kailan siya umuwi? Bakit hindi ko manlang nalaman? Pati din ba ang kambal niya ay nandito rin? Tapos na ba sila sa senior high nila sa ibang bansa? Akala ko ba doon sila mag co-college? Nagba-bakasyon lang ata tapos babalik na naman pagkatapos ng bakasyon nila. Paano ang girlfriend niya doon? Kasama niya bang umuwi dito? At teka bakit nga pala siya nasa tagpuan namin at tinawag pa ako sa endearment niyang ginamit sa iba't-ibang babae

