Third Person's POV Nahilot na lamang ni Astrid ang kanyang sentido dahil sa labis na stress, andito siya ngayon sa mabini branch kung saan ang kanyang resto. At kaharap niya ngayon ang taong gumagawa ng problema sa kanyang resto, bumababa nga ang sales dito dahil palaging kinukupitan ng isang crew niya ang bawat sales nila kaya bumababa ang nagiging kita nilang nitong mga nakaraang buwan, ngayon lang nila nahuli ito dahil narin sa CCTV na aktuhan na nila ito. "P-patawarin niyo po ako Ma'am Riona sa nagawa ko po..wala na po kasi akong choice, kailangan na kailangan ko na po talaga ng pera dahil need po operahan ni nanay.. p-please po wag niyo po ako ipakulong..a-ako nalang po ang inaasahan ng mga kapatid ko po..pati ang nanay ko po.." Mangiyak ngiyak nitong paliwanag sa kanya, halos lu

