Third Person's POV Nakasandal lamang si Carson sa kanyang magarang sasakyan habang salubong na ang kanyang kilay na naghihintay sa kanyang kaibigan na si Xavier, ilang minuto na siyang naghihintay hindi padin ito lumalabas ng condo unit nito, andito siya naghihintay sa parking lot dahil ang sabi nito ay makikisakay sa kanya, nasira daw kasi ang kotse nito at tinatamad na gamitin ang ibang sasakyan. Pero may ideya na siya kung bakit, umiiwas lang ito na makita ng mga babae nito, kaya pati siya ay dinadamay na din. "This fcking jerk! tsk.." Malutong niyang mura, nauubos na ang pasensiya niya, ayaw pa naman niya ang pinaghihintay siya. At nang akmang tatalikod na sana siya ay siya namang pag labas ni Xavier ng elevator, napa ismid na lamang siya dahil may kasama pala itong babae, bago ito

