Third Person's POV AFTER 7 YEARS.... "Excuse me po ma'am Riona.." Nag angat naman siya ng tingin sa tumawag sa kanya, abala siya sa kanyang laptop tinitingnan ang mga sales ng restaurant niya nang may kumatok at tumawag sa kanyang pangalan. "Yes?" Nakita niya ang kanyang secretary na si Macey, kumunot naman ang kanyang noo nang makita na balisa ang itsura nito. "What's wrong macey?.." Napatigil siya sa kanyang ginagawa at seryosong tiningnan ito. "Meron pong problema ma'am.. tumawag po kasi ang manager ng mabini branch po sa pilipinas, nagka aberya daw po kasi doon at kailangan daw po ang tulong ninyu.." Marahas naman siyang napabuga ng hangin. "Sige Macey..tatawag muna ako doon.." Nang masabi niya iyon ay agad namang umalis ang kanyang secretary. Nahilot na lamang niya ang ka

