Third Person's POV Panaka nakang nakatitig si Carson sa kanyang phone na nasa mesa, habang abala ang board member sa pagsasalita, ginaganap nila ang meeting ngayon pero hindi naman siya makapag focus dahil sa kanyang phone lang siya nakatingin. Umuusbong na ang galit sa sistema niya ngayon, ilang araw nang hindi man lang nag rereply si Astrid sa kanya, kahit tawagan niya ito ay hindi ito sumasagot. Kung hindi lang talaga siya naging busy nitong mga nakaraang araw ay matagal niya na itong pinuntahan. Ang tauhan na inatasan niyang mag matyag dito ay hindi naman makalapit sa loob ng condo unit ni shantal dahil baka makita rin ito at magalit pa sa kanya si Astrid. Pero ang balita niya ay hindi ito lumalabas ng condo unit ni Shantal. At ngayon naman ay naubos na ang pasensiya niya, hindi na

