Mula sa kalayuan ay sumagi sa isip ni Lian ang pag-aalala ni Luis kay Ruby. Hindi niya naman maintindihan kung bakit ganoon na lang ang iniisip ni Luis, pero bago pa man niya matignan kung ano nga ba talaga ang nangyayari ay bigla nagamit ni Rian ang abilidad niya upang mabura ang alaala ng isang Mirage. Sa isang iglap ay nakalimutan na niya ang laman ng isipan niya at hindi na niya nagawa pang mang-usisa. "Ri?" tawag ni Lian sa kanyang kambal. Pinahinto muna ni Rian ang pagtatanggal ng memorya. Doon lang niya nagawang huminga ng mabuti dahil halos buong lakas niya ay nauubos sa ganoong proseso, kahit pa hindi naman pisikal ang kapangyarihan niya. "Oh, bakit, Li? Hindi mo na ba mabasa ang nasa utak ko?" seryoso ang tanong niya ngunit inakala ni Lian na nagbibiro lamang ito. "Medyo, nauu

