Chapter 8

1068 Words

Umayos ng pagkakatayo si Ruby at noon lang napansin ni Luis kung gaano nga katangkad ang babaeng iyon. Mahaba ang kanyang mga biyas na napakakutis at tila ba’y pinaglihi sa gatas, wala rin matatagpuan na kahit anumang galos o pasa sa mga binti ni Ruby. Ang kanyang kasuotan na isang simpleng itim na t-shirt na sinamahan ng kaparehas na kulay na maikling shorts ay mas lalong nagpakinang sa kanyang kutis. "Alam kong teleportation ang abilidad mo, pero baka naman matunaw mo ako sa katititig mo sa akin n'yan?" mapagbirong tanong ni Ruby kay Luis na talaga nga namang hindi pa inaalis ang paningin sa dalaga; masyado na siyang nabighani rito. "Paniguradong madali kang sisikat, Ruby. Sa taglay mong kagandahan, isama mo pa 'yang klase ng katawan mo na bihira matagpuan dito," pinuri ni Luis si Ruby

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD