Chapter 86

1036 Words

Hindi na nga nagpatagal pa ang mga estudyante at sinunod na lang nila ang sinabi ng maliit na dragon. Nakabalik na ang dalawang lalaki na sina Luis at Evan sa kanilang eskuwelahan subalit sila'y nasa loob na rin ng tinatawag na waiting room, kung saan naroroon din ang kani-kanilang mga kaibigan. Dali-daling sinalubong si Luis nina Ruby at Rian, saktong pagkakakita pa lamang nila sa lalaki ay agad na silang tumayo upang lapitan ito. "Nasaan na 'yung kasama mong babae kanina sa laban niyo?" usisa ni Ruby imbis na unang tanungin kung kumusta na ba ang kalagayan ng kanyang kaibigan. Nagkibit-balikat si Luis bilang tugon kay Ruby. "Hindi ko alam, hindi siya sumama sa amin ni Evan at kusa na lang din siyang naglaho. Mamaya, ikukwento ko sa inyo ang tunay na kaanyuhan niya at pagkatao," sabi ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD