Nang makarating na sila Rian at Ymir sa swing ay naubos ang isang minuto sa kanilang paglalakad at sa paglalaro roon, kaya dalawang minuto na lamang ang natitira para sa katapusan ng elimination na iyon. Hindi na nag-abala pang sumunod sa kanila si Draxi, sapat na sa kanya ang mapanood ang dalawa mula sa malayo. "Kung anuman ang kalabasan ng elimination na ito... sana hindi mawala ang mga ngiti sa inyong mga labi, Rian at Ymir," mahinang sambit ni Draxi sa kanyang sarili kahit pa hindi naman din siya maririnig ng dalawa. "Ate, alam niyo ba? May nakatatanda akong kapatid na lalaki! Napakalakas niya Ate, wala pang nakatatalo sa kanya," ani Ymir habang inaalala ang mga panahon kung kailan palagi niyang kasama ang tinutukoy niyang kapatid. "Talaga?" pagkukunwaring tanong ni Rian, hindi niya

