"Kanina pa tayo nag-uusap dito, kailangan na natin simulan ang elimination na ito at baka tayo pa ang mahuli," pagpapaalala ni Draxi kay Rian na mukhang nakalimutan na ang nakalaan lang na oras para sa kanilang paglalaban. Kung kanina pa sinimulan ni Draxi ang countdown ay marahil naubos na iyon dahil lang sa kanilang pagtatanungan. "Are you ready, Rian?" tanong ng dragon tsaka ito naglabas ng isang maliit na oras na magsisilbi para maging gabay ng kanilang paglalaban, kahit pa walang magaganap na totoong labanan. "Kanina pa, medyo nag-aalinlangan na nga lang sa abilidad ko kung kakayanin ko pa ba talagang talunin ang batang iyan," tugon ni Rian kasabay ng paglagay niya ng kanyang isang kamay sa ibabaw ng dibdib niya. "Pero, tara. Bahala na kung manalo o hindi, ang mahalaga ay sinubukan a

