Hindi maintindihan ni Luis ang kanyang sarili, tila ba'y mayroon na namang nagbabago sa mismong pagkatao niya at hindi niya iyon makontrol o mapigilan. "S-Sorry… Parang may kakaibang alaala ang pumapasok sa aking isipan, hindi ko maipaliwanag nang mabuti ngunit, parang ang loob-looban ko na mismo ang nagsasabi na kilala nga kita," sabi ni Luis sa babaeng nagpakilala bilang kanyang nakababatang kapatid. "Kung totoo man o hindi ang sinasabi mo, mas maganda nga talagang mamaya na lang natin 'to pagtalunan," pagsasang-ayon pa nito sa napagpasyahan ng babae. Binitawan na ni Luis ang kanyang ulo nang mabawasan na ang p*******t, pagpipintig at ang pangingirot nito. "Tinawag mo na ako sa pangalan ko kanina, Kuya, kaya hindi mo na rin pwedeng itanggi pa sa akin na hindi mo ako kaano-ano," nakangis

