Ang lahat ng aninong nakakapit sa itaas ng silid na iyon ay nagsimula nang bumitaw sa kani-kanilang hawak na mga natirang libro, mga lamesa, mga upuan at ang iba ay mayroon pang hawak na mga babasagin na plorera. “Sh*t,” maikling sambit ni Luis nang mapagtanto niyang wala siyang panahon para iwasasn ang lahat ng iyon, sa kadahilanang nakakalat ang mga anino at kahit saan siya magpunta ay matatamaan at matatamaan siya no’n. Sinubukan niyang buksan ang isa sa kanyang mga portal ngunit hindi iyon naging malaki agad sa inaasahan niyang sukat, na kung saan ay dapat magkakasya siya upang makatakas sa mga babagsak na kagamitan. “Huli na ang lahat, Luis. Wala ka na matatakasan,” pananakot ni Evan sa kalaban nito at kasabay no’n ay nabagsakan na si Luis ng dalawang mabigat at makapal na libro mula

