Nang tuluyan na ngang mawala ang buong presensya ni Jazz maski ang kanyang pagpaparamdam sa pamamagitan ng pagbubulong sa dalawang estudyante ay lumitaw na muli ang pintuan ng kwartong iyon. Nanatiling nakahawak si Luis sa mga balikat ni Lian at hindi pa rin ito nakababalik sa huwisyo. Nakamulat man ang kanyang mga mata ay tila ba’y hindi niya nakikita ang nangyayari sa kanyang harapan ngayon. Ang mga mata niya ay hindi man lang din gumagalaw upang luminga-linga sa paligid. “Lian, naririnig mo ba ako, Lian?!” paulit-ulit nang sumisigaw si Luis sa tapat ng mukha ni Lian pero kahit pa ganoon ay wala namang naririnig ang babae. “Kung naririnig mo ako, igalaw mo man lang kahit anong parte ng katawan mo para malaman ko, sige na oh!” Halos pumiyok na si Luis sa pakikiusap niya kay Lian subalit w

